Upang maipagpatuloy ang mga magandang nasimulan ng nakaraang administrasyon, umapela si Gov. Amado Pogi I Espino, III na patuloy na magkaroon ng pagkakaisa at malayang pagbabahagi ng kaalaman at kakayahan sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at ng tatlong national government agencies tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), National Irrigations Administration (NIA), at Agno Flood Control Office.
Ayon kay Gov. Pogi, ang pagbibigay suporta sa bawat isa ang magdudulot ng mas maraming tagumpay para sa lalawigan upang maabot ang inaasam na layunin: maging Numero Uno ang Pangasinan.
Ito ay binahagi ni Gov. Pogi noong bumisita ang mga opisyal at mga kawani ng tatlong nasabing mga NGAs sa Kapitolyo kamakailan.
Sa kanilang pagbisita, iprinisinta rin ng hepe ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) na si Gng. Benita Pizarro ang iba’t ibang mga nakamit ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ng dating Gobernador Amado T. Espino, Jr na ngayo’y 5thdistrict Congressman na ng Pangasinan.
Base sa ulat ng PPDO, mayroon ng kabuuang 1,533 deep wells, shallow wells and water system ang naisagawa magmula July 2007 hanggang June 2016 sa ilalim ng Public Utilities and Water Resources Development Project na nagkakahalagang P52M.
Ang nasabing proyekto ay naging malaking kabawasan sa bilang ng mga kabahayan na umaasa sa mga unsafe water sources. Mula sa 7.38% o 31,018 households noong 2009 na walang mapagkukunan ng malinis na maiinom na tubig, ang bilang ay bumaba na sa 3.11% o 15,846 household na lamang.
Samantala, sa usaping flood control projects na sakop ang patungkol sa pagbaha, paagusan at pagdradraga, mayroon ng 98 na mga proyekto ang natapos na nagkakahalagang P21.8M. Sa ilalim ng proyektong ito, dalawang dredging machines ang nabili.
Pagdating naman sa imprastrakturaa at iba pang mga special projects tulad ng tulong na inaabot sa mga Local government units, ang pamahalaang panlalawigan ay nakapagpagawa, nai aspalto at naisaayos ang may 1,145.791 kms. na mga kalsada at may 3,287.90 linear meters na mga tulay.
Ang tatlong NGAs ay pinamunuan ni NIA Regional Director John Celeste kasama sina Engr. Ceferino Sta. Ana, Engr. Paragas, Engr. Manuel Diaz ng DPWH, at Project Engineer Rosauro Peralta ng Agno Flood Control Office.
No comments:
Post a Comment