The Commission on Elections (COMELEC) did not consider more than 400 pages of documentary evidence presented by the camp of Sen. Grace Poe to prove her residency in the Philippines since 2005, Poe’s legal counsel said.
Lawyer George Garcia presented to media one of the most pertinent documents—a questionnaire that Poe accomplished at the U.S. Embassy in Manila in 2011. In the document, Poe wrote that she had been residing in the Philippines since 2005, and thus, must be allowed to renounce her U.S. citizenship.
Months after the death of her father, Fernando Poe Jr., in December 2004, Poe went back to the Philippines with the intention to stay in the country for good. Poe enrolled her kids in Philippine schools. She and her husband also bought properties and found employment. Poe has also voted in two national elections.
“This proves that Senator Poe sought domicile in the country. Why would you get a TIN (Tax Identification Number) if you had no intention to work here? Or enroll your kids here if you had no intention to stay here?" asked Garcia. “This shows that Senator Poe had no intention to lie or mislead in her COC.”
Garcia said they presented at least 400 pages of documents to prove Poe’s domicile but the COMELEC’s Second Division did not discuss a single one in the decision it issued. For Garcia, the commissioners clearly committed a grave abuse of discretion.
“Mga apat na daang dokumento po na gaming iprinisenta. Mga dokumento o ebidensya na nagpapatunay na meron na syang residency dito sa Pilipinas since 2005. Alam nyo po, kahit isang dokumento dun o ebidensya, wala hong diniscuss ang COMELEC Second Division, wala pong tinalakay, wala hong kinonsider. So isang katanungan. Akala ko ba ang isyu ng residency ay factual?” asked Garcia.
Garcia also took a swipe at the COMELEC’s confusing forms and said that the poll body, too, had to change some of the wordings later.
In her 2013 certificate of candidacy (COC), Poe counted “six years and six months” up to the day of filing instead of the day of elections. She said she did not go out of her way to correct it because while she had been a resident for much longer, what she wrote already met the residency requirements for senatorial candidates.
Poe said she agrees with law experts and her rivals in saying that the issue of residency is a “question of fact.” She laments, however, that when it was their time to present facts, the COMELEC turned a blind eye. #
Tagalog:
400 PAHINANG EBIDENSIYA NI POE, INISNAB NG COMELEC
Binalewala ng Commission on Elections (COMELEC) ang mahigit na 400 pahinang ebidensiya na inihain ng kampo ni Sen. Grace Poe bilang katibayan ng kanyang paninirahan sa Pilipinas mula taong 2005, ayon sa abogado ng nangungunang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan.
Ipinakita ni Atty. George Garcia sa mga miyembro ng media ang isa sa pinakamalahagang dokumento bilang patunay na matagal nang naninirahan si Poe sa Pilipinas, at ito ay ang nilagdaang application form ng senadora sa U.S. Embassy noong 2011 kung bakit niya isinisuko ang kanyang U.S. citizenship.
Sa questionnaire ng U.S. Embassy, isinulat ni Poe na siya ay naninirahan na sa Pilipinas noong 2005 pa, kaya’t dapat pahintulutan na siyang talikuran ang kanyang American citizenship.
Ilang buwan matapos pumanaw ang kanyang amang si Fernando Poe, Jr. noong Disyembre 2004, nagbalikbayan si Poe na may intensyong manatili rito—panghabambuhay. Katunayan, ini-enroll ni Poe ang kanyang mga anak sa lokal na mga eskwelahan. Bumili rin sina Poe at kanyang asawa ng mga ari-arian at nakahanap na rin ng trabaho rito. Bumoto na rin si Poe sa dalawang pambansang eleksyon.
“Pinatutunayan lang nito na humanap ng domicile si Sen. Poe rito sa bansa. Bakit ka kukuha ng TIN (Tax Identification Number) kung wala kang intensyong magtrabaho rito? O bakit mo i-enroll ang mga anak mo rito kung wala kang balak manatili rito sa bansa?” tanong ni Garcia. “Ipinakikita lang nito na walang intensyon si Sen. Poe na magsinungaling o dayain ang kanyang COC.”
Sinabi rin ni Garcia na nagsumite sila ng 400 pahinang dokumento bilang pruweba ng “domicile” ni Poe rito subalit hindi ito tinalakay ng Second Division ng Comelec kahit saang bahagi ng kanilang naging desisyon. Para kay Garcia, inabuso ng mga commissioner ang kapangyarihan nila sa puntong ito.
“Mga apat na daang dokumento po na gaming iprinisenta. Mga dokumento o ebidensya na nagpapatunay na meron na syang residency dito sa Pilipinas since 2005. Alam nyo po, kahit isang dokumento dun o ebidensya, wala hong diniscuss ang COMELEC Second Division, wala pong tinalakay, wala hong kinonsider. So isang katanungan. Akala ko ba ang isyu ng residency ay factual?” tanong ni Garcia.
Pinuna rin ni Garcia ang nakalilitong form ng COMELEC at sinabing maging ang Komisyon, binago rin ang ilang salita roon, sa bandang huli.
Sa 2013 certificate of candidacy (COC) ni Poe, kinwenta ni Poe ang anim na taon at anim na buwan sa araw ng kanyang paghahain ng kandidatura, sa halip na bilangin hanggang araw mismo ng eleksyon. Sinabi ni Poe na hindi na niya iwinasto ang naturang impormasyon dahil mas matagal naman ang panahon ng kanyang paninirahan kaysa bilang ng taon na hinihingi ng batas sa kakandidato sa pagka-senador na dalawang taon lang.
Umaayon naman si Poe sa mga eksperto sa batas at maging sa kanyang mga katunggali na ang isyu ng residency ay isang “question of fact”. Gayunman, hinanakit ni Poe, na noong panahong nagpiprisenta na sila ng katotohanan, tila nagbulag-bulagan ang COMELEC na kilalanin ito. #
No comments:
Post a Comment