Friday, March 22, 2024

Monching kay Rammy: Laban Tayo sa Cong. o Itago Mo na Lang Yaman Mo


By Mortz C. Ortigoza

Nagkahuntahan kami ni powerful Vice Chairman of the Commission on Appointment at Pangasinan 5th District Cong. Monching Guico tungkol sa hamon ng mga taga kampo ni Urdaneta City Mayor Rammy Parayno sa sideline ng ground breaking ng P34 billion Pangasinan Link Expressway (PILEX) sa Laoac, Pangasinan. Ito’y pinangunahan ni San Miguel Corporation Chair Ramon Ang.


Congressman Monching Guico (left) and Urdaneta City Mayor Rammy Parayno.

“Kuya Monching, sabi ng mga maka Mayor Rammy Parayno bloggers at commenters mas gusto daw ni Mayor na kayo ang makabangaan niya kesa ang manugang ninyong si Maan Guico (asawa ni Governor Monmon Guico) sa eleksiyon ng pagka mayor sa susunod na taon,” ika ko.

Nakangiti si Congressman Monching  - isang beteranong pulitiko at matagal ng Alkalde ng Binalonan.

“Isulat mo sa blog mo na kung gusto niya na makalaban ako tumakbo siyang congressman!”

Ang isyung paghamon kay Cong. Monching ay nagsimula noong maghamon ang mga pro-Parayno bloggers na minamaliit nila si Madam Maan dahil wala daw siyang maiambag sa Urdaneta at dayo pa sa siyudad dahil galing siya sa Pampanga.

Sinulat ko sa blog ko sa 101 Talk Radio at P’nan News noong March 19 na may title: Matalino at Eloquent si Maan Guico.

Sabi nila kaPampangan daw si Madam, dayo at walang maiiambag sa siyudad pag siya’y manalo.

Napaka idiotic naman ang ganitong klaseng buladas na nagsilabasan sa social media at mga radyo.

Laos na iyang salitang “dayo”. Nasa Constitution, Omnibus Election Code, Local Government Code (LGC) at iba pang mga batas na ang pagiging residente ng isang tao para magkandidato ay “An elective local official must be… a registered voter in the… city…; a resident therein for at least one (1) year immediately preceding the day of the election… (Section 39 LGC)

Wala daw maiambag na maganda si Misis Guico:

Sino ba ang mister niyan di ba ang guwapong Gobernador ng seventh economically biggest province in the Philippines kung saan lalong dumami ang kita noong isang taon ng tax initiative niya sa quarry resources: Nakapagkulekta ang province, cities, towns at barangays ng P626, 626, 641.73 noong 2023 kontra sa P51, 729, 841.6 noong gobernador pa si Pogi Espino noong 2022.

May P5.73 billion budget pa ang mister niya sa taong ito. Ngayon sasabihin ninyo walang maiambag e kung iyong ibang proyekto noong probinsiya e channel ng mahal niyang esposo sa Urdaneta e di lalong jackpot ang Carabao City dahil naka buy one take three sila.

Tandaan, hindi take two kundi take three kasi father-in-law ni Madam Maan si 5th District Cong. Monching Guico.

Ani Congressman Monching mabuti pang itago na lang ni Rammy ang yaman na gagamitin niya sa parating ng eleksiyon para magamit pa niya sa pagtanda niya.

“Gagastos ako at gagastos din si (Governor) Monmon kay Maan. Mabuti pang itago na lang niya ang pera niyang gagamitin”.

Nakikita ng mga political pundits ang labanang Maan at Rammy ay lulunod  sa mga taga Urdaneta  sa pagbaha ng grasya.

REAKSIYON NG GOBERNADOR

Noong sinabi ko kay Governor Guico na minamaliit ng mga kalaban si Maan dahil dayo lang daw ang kanyang maybahay.

Ani ng gobernador: “Paano naging dayo e First Lady nga siya ng Pangasinan?”

O ayan, klarong klaro na tunay ngang taga Pangasinan si Maan Guico dahil hindi lang siya residente dito kung hindi FIRST LADY PA.

No comments:

Post a Comment