BILANG OPISYAL ng barangay, kayo ay maitutulad din kay Saint John, na nag-aalay ng buhay para gabayan ang ating kababayan, tungo sa kabutihan. Ako naman, bilang ina ng Quatro Distrito ay gayundin, kaya patuloy ang aking pagsisikap na maihatid sa Dagupan ang mga biyaya, na magpapaginhawa sa inyong buhay. Kaya bayaan nyong ibalita ko sa inyo ang aking mga pinagsikapang ihatid sa ating kababayan.
Nitong 2015, ilan sa aking mga proyekto: ang anim na school buildings na kasalukuyang ginagawa, sa limang high-schools sa Dagupan, worth 76 million pesos.
Kabilang dito ang two school-buildings na may tig-apat na palapag at 32 classrooms, worth 26.8 million sa Dagupan City National High School; Isang 4-storeyschool-building sa Carael National High School, na may 12 classrooms, worth 22 million; Ang dalawang palapag na school-building sa Salapingao National High School na may anim na silid-aralan worth 8.3 million; Isang school-building sa Bonuan Boquig National High School, na may tatlong palapag at anim na silid-aralan worth 10.5 million pesos; At dalawang palapag na school-building sa Federico Ceralde Integrated School sa Bonuan Binloc, na may anim na silid-aralan, at nagkakahalaga ng 8.3 million pesos.
Ako ay lumapit din sa PAGCOR at pinalad namang nakakuha ng pondo para sa pagtatayo ng isa pang 4-storey school-building na may 24 classrooms, worth 40 million sa Dagupan City National High School, at isang 3-storey building with 15 classrooms, worth 33 million para naman sa Judge Jose de Venecia Memorial National High School sa Barangay Bolosan.
Maliban dito, ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsasa-ayos ng ating mga kalsada atdrainage systems. Sinimulan nang gawin ang road widening at rehabilitation ng drainage system sa kalsada papuntang Urdaneta, sa Caranglaan- Mayombo area, worth 40 million; Sinimulan na rin ang widening ng kalsada at rehabilitation ng drainage system sajunction ng Barangay Tapuac, papuntang Lingayen at Urdaneta, worth 25 million. Bukod diyan, ay ginagawa na rin ang concreting ng road shoulder at ang drainage system sa Bonuan Gueset worth 10.5 million; habang sinimulan na nitong Oktubre ang road shoulder at drainage system ng Bonuan Road, papuntang San Fabian, worth 13.8 million.
Tungkol naman sa ating mga flood control projects: Kasalukuyan nang ginagawa ang Pantal Dike, worth 35 million; gayundin ang Phase 2 ng riverbank protection sa Sinucalan river, worth 50 million, habang sinimulan na rin ang paggawa sa Seawall sa Bonuan Sabangan, worth 50 million. Ang kabuuang halaga po ng road at flood control projects na ito, na sabay-sabay na ginagawa ay 224.3 million pesos.
SA DARATING na taon naman, ilan sa mga ipapatupad na proyekto na aking napalagyan ng pondo sa kapapasang national budget ang: Drainage System sa Bonuan Binloc Road , worth 30 million at ang construction at rehabilitation ng apat na tulay----- ang Tambac Bridge, worth 16 million; ang Mangueragday Bridge sa Barangay Binloc,worth 49 million; ang Dawel Bridge worth 3.7 million, at ang Tanap Bridge worth 22 million.
Para naman sa mga barangay, ilan sa mga napondohan at ipapatupad na proyekto for 2016 ang: construction ng boat docking station sa Barangay Calmay worth 2 million; ang repair ng barangay hall ng Barangay Carael worth 1.5 million; renovation at repairng barangay hall at chapel ng Barangay Poblacion Oeste worth 1.5 million; ang concreting ng Francisco Duque Street sa Barangay Tapuac worth 3 million; ang concreting ng kalsada sa PNR Site sa Barangay Mayombo worth 2 million;ang concreting of road sa Barangay Lucao worth 2 million; ang concreting of road sa Barangay Pugaro (Phase I and II) worth 4 million; ang construction ng kalsada atdrainage ng Barangay Herrero-Perez worth 2 million; ang concreting ng Arzadon roadsa Barangay Mayombo worth 2 million, at ang concreting ng Tambac- Tebeng Road (Phase I) worth 14 million.
Ilan naman sa mga flood control projects na aking napalagyan ng pondo para maipagawa sa susunod na taon: ang construction ng bank protection sa Barangay Bacayao Sur worth 50 million; ang construction ng bank protection sa Barangay Pantalworth 50 million, ang construction ng bank protection sa Barangay Pogo -Lasipworth 50 million at ang construction ng bank protection sa Barangay Malued worth 50 million.
Kaya, palapakan po natin ang pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III; gayundin ang ating presidential candidate na si Mar Roxas, na noong DILG Secretary pa, ay tumulong para maaprubahan ang lahat ng proyektong ito!
KAUGNAY NITO, at kung inyong mamarapatin, gusto ko sanang ipakiusap na tangkilikin natin sa darating na eleksyon si Kuya Mar Roxas for President at Leni Robredofor Vice President. Napakalaki po ng utang na loob natin sa kanila, sapagkat sila ang tumulong sa amin ni Mayor Belen para maihatid sa Dagupan ang lahat ng biyayang aking nabanggit.
Para maipagpatuloy ang progresibong pamamahala, suportahan po natin si Mar Roxas na isang mahusay na ekonomista, nagmula sa angkang marangal, at handang-handa na, para maglingkod bilang Pangulo.
Sa pagka-Bise Presidente naman, ang ating pambato ay si Leni Robredo— na naging malapit nating kaibigan sa Kongreso. Tulungan po natin sila sapagkat si Mar Roxas at Leni Robredo ay hindi tayo ipapahamak, walang-bahid ang paglilingkod at napakadaling lapitan.
SA PUNTONG ITO, marahil ay nabalitaan n’yo na---na ang anak namin ng inyong Kuya Joe, na si Toff de Venecia ang kandidato bilang congressman ng ating Distrito. Ito po ay desisyon ng aming buong pamilya sapagkat nakita naming, handa na ang aming anak para mamuno.
Si Toff ay pinalaki namin ng tama at iminulat sa importansiya ng malinis na pamamahala. Siya ay nagtapos ng Political Science sa Ateneo de Manila at isang mahusay na manunulat, kolumnista at editor ng pahayagang The Philippine Star. Siya rin ang founder at artistic director ng The Sandbox Collectives na nagpapalabas ng mga dulang-pang-teatro. At kung inyo pang naa-alala, siya rin ang batang aktor na nagbida sa tv show na “Billy Bilyonaryo” sa GMA 7 noong araw.
Sa magiging paglilingkod ng aming anak, ang ihahatid po nya ay “Serbisyong 3-in 1” dahil “May Kuya Joe at Manay Gina na, Ngayon ay May Toff De Venecia Pa.” Dahil dito, ako po ay hindi pa magpapa-alam sa inyo sapagkat hindi ko naman kayo iiwan. Kaya sana po, ay buksan nyo ang inyong puso para sa anak naming si Toff dahil taglay nya ang talino ng kanyang ama, at ang puso ng inyong Manay Gina.
No comments:
Post a Comment