Tuesday, January 28, 2025

Walang Binatbat si General kay Mayor J.R – Ex-Top Politiko

 Ni Mortz C. Ortigoza

BASISTA, Pangasinan – Sinabi ng isang dating mataas na opisyal dito na mas mabigat na naging kalaban ng kasalukuyang alkalde dito si Boy Tagum noong nakaraang eleksyon kaysa kay retiradong heneral Edgardo Palma na kasalukuyang naghahamon sa pinaka mataas na pusisyon dito.

MAYORALTY RIVALS. Reelectionist mayor Jolly "J.R" Resuello (left) and retired Army General Ed Palma (PMA '91).

“Malayo! Si General ngayon lang iyan nagparamdam iyan dito. Si Tagum noong sumabak kumpleto ang tiket niya kasama ang vice mayor candidate. Si Palma lima lang sa walong konsehales ang manok niya at isang bise alkalde,” ani ng source na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Iniwanan ni Resuello ng 15, 322 botos si Tagum na nakakuha lamang ng 6, 021 botos noong Mayo 2022 eleksyon.

Si Conchita "Concha" Navarro ay dating Kapitana sa Brgy. Don Bosco, Paranaque na bumalik dito para maging kandidato para bise alkalde ng heneral.

Tatlo ang maglalabang bise alkalde dito sa third class town. Sila ay si Konsehales Jake Perez (No. 2 ranked councilor), dating Kapitana Navarro, at si dating konsehales Tagum.

Ani ng source na isang restaurant at resort ang negosyo ni Concha sa katabing bayan ng Bayambang.

Ang batang Resuello ay magtatapos na ng kanyang two-term (anim na taon) na panunungkulan dito at sasabak na sa kanyang ikatlo at huling termino. Si retired General Prado naman ay isang miyembro ng Class of 1991 ng Philippines Military Academy at dating pinuno ng Office of the Strategic Studies and Strategy Management sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

Si Resuello ay nakakabatang kapatid ni San Carlos City Mayor Julier” Ayoy” at Vice Mayor Joseres ”Bogs” Resuello.

Ang 13 barangays na bayan na ito ay dating pinakamalaking barangay ng San Carlos pero noong Mayo 8, 1967 sa pamamagitan ng Republic Act No. 4866 siya ay lubos na naging bayan.

Si J.R at ang kanyang ticket sa Nationalist People’s Coalition ay manok ni Pangasinan 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco.

No comments:

Post a Comment