Tuesday, November 11, 2025

Walang Baha sa Malasiqui, Pang-Akit ni Mayor

 Ni Mortz C. Ortigoza

MALASIQUI, Pangasinan – Hinihikayat ng bagong alkalde dito ang mga mamumuhunan sa mga binabahang lugar sa Pangasinan na maglagak ng mga negosyo sa flood free town niya.

NEWLY MINTED Malasiqui Mayor Alfie Soriano poses for posterity while his constituents look.

“Mga katulad kong negosyante isip isip dito na lang kayo maglagay ng negosyo ninyo sa bayan ng Malasiqui. Bakit? Itong main thoroughfare namin papuntang Bayambang, papuntang San Carlos (City), papuntang Calasiao, papuntang Urdaneta (City), at papuntang Villasis hindi nagkakaroon ng baha sa daan so maganda magput-up ng negosyo dito kaya pag dito kayo kita kayo pero ang kontakin niyo si Alfie Soriano,” paghikayat ni Mayor.

Aniya sa ibang bayan at lungsod labing limang araw makalipas ang pagbaha sarado pa rin ang mga stalls nila.

“Kasi sa ibang lugar baha na 15 days sarado pa lugi negosyo. Dito na lang kayo kita pa kayong lahat”.

Hinihikayat ni Soriano ang mga may ari ng mga lupain dito na magbenta sa mga negosyante na gusto maglagak ng mga pangangalakal nila dito.

Marami pang improvement na darating dito. Sasamahan ko kayo. Puprotektahan ko kayong mga negosyante!”

Aniya tumawag lang sila sa kanya para matulungan niya sila na magnegosyo dito.

No comments:

Post a Comment