Ni Mortz C. Ortigoza
PHOTO OF MS. QUEEN AUSTRIA GRABS FROM THE INTERNET
Aniya ang Binmaley Municipal Museum ay hindi ginawang pribado o eksklusibong opisina. May ilang bahagi lamang ng gusali ang pansamantalang ginagamit para sa mga gawaing administrative at coordination works na direktang may kaugnayan sa tourism development, cultural promotion, at museum operations.
"Ang Museo ay patuloy na bukas at nananatiling nakatuon sa pangangalaga ng kasaysayan at kultura ng Binmaley," ani ng Page na nasa ilalim ni Mayor Pete Merrera.
Paliwanag ng Page na para sa kaalaman ng publiko ang designation kay Ms. Queen bilang Tourism and Culture Focal Person ay ligal, may proper documentation, at sinusuportahan ng Executive Order No. 12, Series of 2025. Siya ay Civil Service Professional passer at nagtapos ng BS Psychology. Ang kanyang designation ay walang kaakibat na karagdagang sahod, benepisyo (emolument), o department head status, gaya ng malinaw na nakasaad sa naturang Executive Order.
Sinabi ng blogger at mga nagpapakalat na hindi nakapasa sa Civil Service's eligibility test si Miss Quuen.
"Sa kasalukuyan, wala pang itinalagang permanenteng Municipal Tourism Officer".
Nagbabala ang Page na ang pagpapakalat ng maling, mapanira, o nakalilinlang na impormasyon—lalo na ang mga nagbibigay ng walang basehang paratang, kumukuwestiyon sa integridad ng isang tao, o malisyusong paglalarawan ng mga opisyal ay maaaring pumasok sa mga paglabag sa umiiral na mga batas, kabilang ngunit hindi limitado sa:
Revised Penal Code (Libel) at
Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).
"Habang iginagalang ng Municipal Government ang freedom of expression at malusog na pampublikong diskurso, hindi nito kukunsintihin ang sinadyang pagpapakalat ng maling impormasyon na sumisira sa tiwala ng publiko, naninira ng reputasyon, o nanliligaw ng komunidad," aniya.
Dagdag ng local na pamahalaan na meron itong karapatang magsagawa ng beripikasyon, at magsagawa ng angkop na hakbang kung magpapatuloy ang pagpapalaganap ng napatunayang maling impormasyon.
"Hinihikayat ang publiko na sumubaybay lamang sa opisyal na mga pahayag ng pamahalaan at verified sources, at maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon online".
Ang advisory, dagdag ng pamahaang Merrera, ay inilabas alang-alang sa katotohanan, pananagutan, at mabuting pamamahala.
No comments:
Post a Comment