Sunday, February 1, 2026

Reflective Vest Law Thru POVR, Pinalakas!


Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Wala nang rason ang mga opisyal ng trapiko ng ápatnapút ápat na bayan at tatlong lungsod sa Pangasinan sa pag-implementa ng Provincial Ordinance No. 325-2024 o Reflective Vest Law dahil naipasa na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang Provincial Ordinance Violation Receipt (POVR).

REINVIGORATE. The Guico Administration through the provincial lawmakers lead by Vice Governor Mark Ronald Lambino (far right) passed recently the Provincial Ordinance Violation Receipt (POVR) to reinvigorate the Reflective Law that was passed last August 1, 2024. 


“That’s why pinasa po natin kanina (Enero 26, 2026) iyang Provincial Ordinance Violation Receipt para centralized na po ang lahat ng ticketing ng mga provincial ordinance violation. So now the PNP can get their Provincial Ordinance Violation Receipt sa Treasury. Sila ang magbibigay (inaudible) for any and all violations,” ani Vice Governor Mark Ronald Lambino ng makapanayam siya ng writer na ito sa kanyang tanggapan dito sa Capitol.

Naantala ang pagpapatupad ng POVR dahil sa kakulangan ng logistics gaya ng mga tickets ng mga local government unit (LGU).

Dahil naging batas na ang POVR pwede nang pumasok sa “procurement” ng mga kailangan sa pagpapatupad ng batas.

Paliwanang ni Lambino na kailanganan merong “publication that at least seven days”, pagpapasagaw ng resibo, “collation” of the existing ordinance na mga kaukulang mga violations and inventorying of the kung sino ang mga deputized na agencies sa partner agencies para ma implement ang mga ito”.

 Ipinag-uutos ng Provincial Ordinance No. 325-2024 noong Agosto 1, 2024 ang pagsusuot ng high-visibility reflective vest, luminous-colored garments at paglalagay ng pailaw mula alas-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga. Saklaw ng ordinansang ito ang lahat ng drivers at riders ng motorsiklo, tricycle, bisikleta, e-bike, at e-trike. Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay paparusahan o pagmumultahin gaya ng sumusunod:

1. First Offense Warning; 2. Second Offense P1,000 fine; 3. Third Offense P2,000 fine; 4. Fourth Offense P5,000 fine and/or imprisonment of not more than 1 year at the discretion of the court.

Si 4th District Board Member Jerry Agerico Rosario ang pangunahing may akda ng ordinansa. Ayon sa kanya, nasa dalawang katao ang namamatay sa vehicular accident sa Pangasinan kada-araw. Karamihan ay kinasasangkutan ng mga motorcycle riders.

Ang POVR ay nasa ilalim ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟰-𝟮𝟬𝟮𝟱 na unang iminunkahi noong Nobyembre 7, 2025 sa Sangguniang Panlalawigan dito.

Ito ay may pamagat na: An ordinance establishing a provincial ordinance violation receipt system to achieve a more systematic and orderly issuance of receipt and collection of fines and penalties for violation of ordinances of the Province of Pangasinan.

Ang Pangasinan ay nasailalim ng pamumuno ng visionary governor Ramon V. Guico III.

No comments:

Post a Comment