Saturday, May 18, 2024

Putulin mga Puno para sa Drainage vs. Pagbaha

 NI MORTZ C. ORTIGOZA

Maliwanag iyong mga nilalaman ng mga larawan sa mga lugar sa Capitol Complex sa Lingayen, Pangasinan na lubog sa tubig baha pag may bagyo o may pagbugso ng malakas na ulan.

Pagmasdan ninyo itong mga larawan dito sa artikulo/blog ko na pinadala sa akin ni Provincial Housing and Urban Development Coordinating Chief Alvin Bigay ng provincial government at sabihin ninyo sa akin na di kailangan magputol ng mga kahoy sa kabila ng kalunos-lunos na tanawin na makikita ninyo noong binaha siya noong isang taon.


Kung susundin natin ang mga ingay at atake ng mga bloggers, media men, trolls at netizens na mga ampalaya at ignorante na huwag putulin ang mga kahoy sa Kapitolyo, ang tanong: paaano naman ang interest ng nakakarami na pupunta sa provincial at mga national offices doon para sa mga kailangan nila pero lulusong o mababasa sila sa baha?

Mas importante ba ang kahoy kesa doon sa mababasa? Magbasa-basa nga kayo ng mga diyaryo na pinambabalot ng tinapa para magka common sense kayo! Paano pag nagka alipunga sila at natamaan ng nakakamatay na leptospirosis?                   


     

Pinagpuputol ang  mga libu-libong mga puno kasama na ang mga century old (isandaang taon) na mga acacia at iba pa sa Manila North Road sa eastern Pangasinan at sa kahabaan ng national highway sa Urdaneta City papuntang Sta. Barbara, Pangasinan  dahil sa expansion ng kalsada. Ito’y para mabigyan ng kaginhawaan ang paglubo ng populasyon na ginawang national past time ang paggawa ng mga bata at masulosyunan ang lumalalang trapiko, ano ang pinagkaiba bakit bawal sa mga kababayan natin ang putulin ang 300 -400 non-endemic at invasive trees sa 1,211 na mga kahoy sa Kapitolyo.

Ang invasive trees gaya ng mahogany at ipil-ipil ayon kay Celso Salazar, dating Community Environment and Natural Resource Office - Dagupan City chief at kasalukuyang pangulo ng Pangasinan Native Trees Enthusiasts, Inc., ay nagpapalabas ng kemikal na sumisira sa mga habitats at bioregions.

Istupido iyong mga kritiko na basta na lang bumibira na di nila alam solusyunan ang pagbaha sa lugar. Bakit kaya bang sipsipin noong mga puno na andoon ang ilang metric cubic tons na ulan na nagpapalubog sa kapaligiran ng provincial government? May mga nagsasabi kasi na mga obob na iyong mga puno sila ang sumisipsip sa tubig baha at bakit kelangan putulin.


Kailangan diyan ang makabagong drainage para maka labas kaagad ang baha sa dagat. Common sense: Magputol ng kahoy, gumawa ng malaking drainage system, at taasan ang mga kalsada para masulusyunan na ang matagal ng problema.

Saka may basbas ang pagputol ng mga kahoy mula sa CENRO at Department of Environment and Natural Resources.

Ani Bigay, hindi dehado ang kalikasan dahil papalitan ang bawat kahoy na puputulin ng 50 seedlings na itatanim.

Kasali na dito ang pagtanim ng Tabebuia rosea na kahawig ng cherry blossom sa Japan at mga native na mga kahoy para maging berde ang kapaligiran sa Kapitolyo at maging santuwaryo ng mga ibon at mga alitaptap.


“Yong pwedeng i-earthball ay ating gagawin para ma-preserve ang mga puno, then pwedeng ilagay natin saEco-Park sa Bugallon,”paliwanag niya sa mga tao sa dalawang barangays at ibang pang mga grupo sa public consultation noong March 14 sa Pangasinan Training and Development Center.

Bukod dito, merong 150,000 na seedlings na tinanim ang provincial government sa ilalim ng “Pangasinan Green Canopy” program. Ngayon sino ang nagsabi na anti-environment ang Guico Administration?

Nasambit pa ng gobernador sa isang ambush interview ng mga reporters noong November 6, 2023 sa ground breaking ng P100 million reflective pool at interactive fountain na iyong mga nagdaang administrasyon na pinalitan niya napabayaan ang drainage system at iyong iba doon ay natambakan pa kaya may malaking pagbaha sa Capitol pag may bagyo o malakas ang ulan.

Ayon kay Vice Governor Mark Lambino sa panayam ng Capitol Post na may master plan sa pag upgrade ng road network at drainage system.

Lumala daw ang pagbaha sa mga nakalipas na mga taon, aniya.

No comments:

Post a Comment