Ikinatuwa ng Barangay Wawa, Bayambang Pangasinan ang Solar Street Light
Project ni Governor Ramon V. Guico III dahil ang kanilang barangay ay isa sa
pinatayuan ng kapitolyo ng Solar Street Light.Solar Street Lights in Bayambang, Pangasinan.
Mula Oktubre 2023 hanggang Mayo 2024, natapos na ang konstruksiyon ng 355
street lights. Walumpo ang kasalukuyang ginagawa at isang daan ang nakatakdang
ikabit.
Ang solar street lights projects ay dinala sa mga sumusunod na bayan:
Mangatarem - 25 piraso
Bayambang - 180 piraso
Mapandan - 20 piraso
Malasiqui - 80 piraso
San Fabian - 10 piraso
Binalonan - 20 piraso
Urdaneta City - 180 piraso
Natividad - 10 piraso
Layunin ng protekto na maitaguyod ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa
mga lansangan.
Malaking halaga ang natitipid dahil sa solar street lights. At dahil
renewable energy ang gamit, may ambag ang kapitolyo sa laban sa epekto ng
climate change. (Rich Majin, Mark Sydney Soriano/ PIMRO
No comments:
Post a Comment