MATAPOS
DUMAGSA ANG MGA BIG TRADERS DITO
Ni
Mortz C. Ortigoza
SAN FABIAN, Pangasinan – Pagkatapos pumasok
ang mga malalaking negosyo dito, nakikinita ng dating alkalde na sa malapit na
panahon maging siyudad na rin ang kanyang baybaying bayan.
“Marami na iyan, magiging city na ito,” ani Vice Mayor Constante “Danny” Agbayani na dating siyam na taon na alkalde dito bago siya palitan ng maybahay niya na si Mayor Marlyn.
Tinutukoy ni Agbayani ang pagdagsa dito ng
mga malalaking negosyo tulad ng U.S fast food’s McDonald’s, CSI Mall, mga gasolinahan
at ang brewery at pier na U.S$1 billion (P58 billion) na pag-aari ng San Miguel Corporation
(SMC).
“Sabi
nila 2025 daw ang massive na construction,”, aniya sa pagbukas ng SMC sa
susunod na taon kung saan kukuha ito ng tatlong libong manggagawa.
Uunahin ni SMC na gagawin ang BMEG Feeds
at pier niya.
Gumastos na ng bilyong pesos ang higanting
korporasyon sa pagbili ng mga lupain ng mga tao malapit sa tabing dagat ng
Barangays Bolasi at Mabilao sa pamamagitan ng expropriation para matayuan ng imprastraktura
nila.
Ang bayan na ito ay may annual
budget na P307 milyon ngayong taon. Noong nakaraang taon meron siyang P287
milyon.
Kung tama ang tantiya ng writer na ito,
one-fourth o P76, 700, 000 sa P307 million ay malilikom ng bayan na ito ay local
taxes ngayong taon habang iyong iba galing sa national tax allotment (NTA) – ang
dating internal revenue allotment (IRA).
Lulubo ang local taxes dito pag nagsimula ng magbayad ang mga negosyante sa pangunguna
ni SMC ng mga business at real property taxes nila. Tulad ng Sual –
pinakamayaman na bayan sa Pangasinan - na kumikita ng mahigit kumulang sa
tatlong daan milyon kada taon na local na buwis na business at real property
taxes sa 1,200 megawatts' coal power plant doon kung saan nahihigitan niya ang NTA
na ayuda sa kanya kada taon. Meron siyang budget ngayong taon na P520 million.
Kung gusto maging siyudad ng San Fabian ay
kailangan niya ang mga sumusunod:
Pag-apruba ng Congress; kung saan majority
ng botante ay sangayon na ang San Fabian ay maging siyudad sa isang plebisito
na pinangangasiwaan ng Comelec; P100 million na local taxes sa huling
magkasunod na dalawang taon; population na hindi baba sa 150 thousand o 100 square kilometers na lupain.
Gusto ng mga bayan maging siyudad dahil
kakaunti lang silang maghahati-hati ng NTA o IRA galing sa national government
kada taon kaya lalong lalaki ang mga pondo nila.
Ang
NTA o IRA ay hinahati-hati sa 20 percent para sa provinces, 23 percent para
cities, 34 percent para municipalities, at 20 percent para sa barangays.
Ang San Fabian ay may population at land area na 87,428 (2020 Census) at 81.28 square kilometers o 31.38 square miles. Ang laki ng lupain ay di na kailangan basta makuha lang ang 150 population at P100 million local taxes kada taon na kuleksiyon.
No comments:
Post a Comment