Thursday, May 2, 2024

40-K Katao Dumagsa sa Concert ni Bamboo, Skusta, Flow-G

 Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Dinumog ng mga 40,000 katao ang huli ng limang araw na libreng konsiyerto ng mga local at national bands dito na tinuldukan ni iconic rock and pop singer Bamboo Mañalac, Skusta Clee, Flow-G, at iba.

SEA OF HUMANITY. Iconic rock and pop Filipino’s warbler Bamboo Mañalac wowed the sea of humanity with his singing prowess at the Narciso Ramos Sports and Civic Center during the nighttime grand shindig of the Asinan Music and Arts Festival 2024 held in May 1 this year. Bamboo Music Live



Ang fusion ng Asinan Music and Arts Festival 2024 ay inisyatiba ni Pangasinan First Lady Maan Tuazon-Guico.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng First Lady: “A promise made is a promise kept. Last year, we made a promise na magkakaroon tayo ng sariling Music Festival.”

Ayon sa mataas na opisyal ng Kapitolyo ng Pangasinan, mga 35, 000 hanggang 40,000 na katao ang dumagsa magmula alas 4 ng hapon hanggang mag hatingabi ng May 1 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) dito.

Halos punuan ang mga upuan ng complex at parang binahayan ng mga langgam ang Olympic size na rubberized athletic track oval ng NRSCC.

LUMINARIES. Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III (2nd from right), spouse Maan Tuazon-Guico (3rd from left and who heads the Asinan Music and Arts Festival and Pista’y Dayat (Sea Festival), Board Members Jan Louie Quitlong Sison and Chinky Perez (extreme left and 2nd from left) and the author (extreme right) pose for posterity before the start of the concert of Bamboo, Skusta Clee, Flow-G, and others at the Narciso Ramos Sports and Civic Center in Lingayen, Pangasinan.

Ang mga dumalo para mapanood ang final concert ay nanggaling pa sa mga bayan at siyudad ng Pangasinan at karatig probinsiya gaya ng Nueva Ecija, Tarlac, at La Union.

Hindi- kasali sa bilang ang mga libo-libong nanood ng live stream na pinalabas sa Facebook ng public information office na pinamumunuan ni Mr. Dhobbie de Guzman – dating regional manager ng ABS-CBN sa Northern Luzon.

Noong 1 pm to 6 Pm noong araw na iyon ay gumamit ang provincial government ng shuttle buses para magsakay sa mga taong nanggaling pa sa ibat-ibang lugar at bumaba sa Maramba Boulevard dito para masilayan ang concert sa NRSCC. 11 Pm hanggang 12 midnight sinakay uli sila ng mga buses pabalik sa Maramba Boulevard.

Dala ang kanyang katangi-tanging eherhiya inawit ni iconic warbler Bamboo ang mga sikat na kanta niyang Tatlusok, Noypi, Mr. Clay, These Days, Hallelujah, Probinsiya, at iba pa.


Ayon sa source binayaran ng P2 million si Bamboo, at daandaang libo sina Skusta Clee at Flow-G para maibigay lang ng magasawang Guico ang saya sa mga nasasakupan nila sa Pista’y Dayat (Sea Festival) ng Pangasinan sa taon na ito.

“Dati rati kumakanta lang iyang Skusta Clee at Flow-G sa District 5 (bar) sa Urdaneta City sa halagang tig P10,000 to P20,000 kada banda na mangagaling pa sa Manila. Pero tingnan ninyo sila ngayon dinudumog ng mga kabataan ang mga kanta nila,” ani ng source.

Noong palabas na ang dalawang banda patungo sa sasakyan nila, sila ay napapalibutan ng mga security personnel ng production na humahawi sa mga nagaabang at di magkamayaw na humihiyaw na mga lalaki, babae, at mga baklang teenagers na fans na sa isang iglap ay puede silang mayakap at mahalikan ng mga babae at mga baklang nagaantay lang ng tiyempo.

Mga sikat na kanta ng Skusta Clee ay Zebbiana, Lagi, Sa Susunod na Lang, Much Better, at iba.

Skusta Clee. Internet grabbed


Mga sikat na awitin ng Flow-G ay Rapstar, Praning, Unli, at iba pa.

Bukod sa tatlong sikat na bandang ito, kumanta rin ang grupo at mga mangaawit na sila Pricetagg, Illest Morena, Zae, DJ Razikyle, Insekto Pares, Dream 7, MC Rich Flo, DJ Clinton, at DJ Kobe Uy noong gabi ng Mayo Uno na Labor Day.

Noong April 27 ay nag perform sila Dilaw, Toneejay, Taylor Sheesh, Avant Band, Paul’s Alarm, at Pastel Sky.

Noong April 30 ay PangasiRock Battle of the Bans.

Ani ng source, abangan ang magarbong Asinan Music and Arts Festival at Pista’y Dayat (Sea Festival) sa susunod na taon.

 

No comments:

Post a Comment