Ni Mortz C. Ortigoza
BINMALEY, Pangasinan – Itinatangi ng
personal secretary ng alkalde dito ang akusasyon ng bise alkalde na pinipilit
nila pumirma ang budget officer sa isang katiwalaan na kinasasangkutan ng vice
mayor.
Ani Leon Castro, Jr., si Budget Officer Jeffrey delos Angeles na nakaratay sa Nazareth Hospital sa Dagupan City ay classmate niya noong highschool sa Catholic school dito kaya siya pumunta doon para kamustahin ang kanyang kalagayan at hindi para puwersahin at takutin siyang pumirma sa affidavit na iyong isandaang drum na alcohol noong pandemic ay naglalaman ng tubig at pabango lang.
RAP & DENIAL. Office of the Mayor Secretary Leon “Elorde”
Castro, Jr. (left photo), Binmaley Mayor Pete Merrera, and Vice Mayor Sam
Rosario. |
“Iyong mga abroad naman nag text sa akin mga barkada namin
“tingnan mo ang sitwasyon ni Jeffrey kung ano ang maitulong namin” so nagpunta
ako doon mga purpose na ganyan”.
Sa isang press conference na pinatawag ni
Vice Mayor Sam Rosario ibinulgar niya na pumunta sa intensive care
unit (ICU) room ni Delos Angeles si Castro para pilitin at takutin ang huli na pumirma ng
isang affidavit laban sa kay Rosario -15 taong alkalde dito.
“Budget officer paki pirmahan niyo itong affidavit. Si Jeffrey
di magalaw ang mga kamay niya di na niya mabasa. “Ano ba iyan?” “Basta pirmahan
mo na kung hindi mo mapirmahan ito sigurado hindi mo na makukuha ang iyong
terminal leave pay” sabi ni Elorde (nickname of Castro),” pahayag
ni Rosario.
Noong
pinabasa ni Delos Angeles ang affidavit sa kasama niya sa ospital at sinabi ang
nilalaman na dinaya ni Rosario noong alkalde pa siya ang isandaang drums umalma si
Delos Angeles.
“Di ko pwedeng pirmahan iyan dahil hindi totoo iyan,”
paglalahad ni Rosario sa reaksiyon ng may sakit na budget officer
“Sige hindi mo makukuha ang terminal leave pay,”
sabi daw ni Castro ayon sa bise alkalde.
“Maski di ko makuha iyan di ko pipirmahan iyan – that’s the
exact words coming from Jeffrey,” sabi ni Vice Mayor.
Ani Castro sinabi noon pa ni Delos Angeles
sa kanya na haka-haka ng mga empleyado na dinaya ni Rosario ang mga laman ng mga drum.
“Kung magpirma ako niyan ayaw ko ng pumirma diyan “two is
enough”,” kuento ng secretary at
personal body guard ni Mayor Pete Merrera sa sagot ni Delos Angeles.
Ayaw naman sabihin ni Castro sa diyaryong ito kung anong akusasyon ang "two is enough".
Sabi ni Castro tama lang naman si budget officer
sa pagtangi niyang sumawsaw dahil haka-haka iyon. At sino naman daw siya aniya
na pipilitin niyang pa pirmahin si Delos Angeles na mas mataas ang ranggo sa kanya.
Ani Secretary may plano na pala ang kasama
ni Delos Angeles sa ospital na kunan sila ng larawan habang nagkukuentuhan
silang mag classmate.
“So pinaupo ako nakatalikod ako. Kung may intensiyon ako
pinaharap sana ako. Pinipilit ko si Jeffrey sa ospital puede ako arestuhin,”
paliwanag ng personal assistant ni Mayor Merrera sa Northern Watch
Newspaper.
Noong tanungin ng writer na ito kung sino
ang kumuha ng photo nila, ani Castro:
“Iyong asawa niya siguro ang nagpicture sa akin hindi video
iyon nakatalikod ako”.
Sabi ni Rosario sa press conference merong
audio silang nakuha sa usapan ng dalawa pero hindi niya ito napadinig sa mga
reporters na andoon.
“Naka audio pa iyan,” aniya sa meeting sa mga reporters sa Rufina’s - restaurant na pag aari ng kanyang pamilya.
Ayon kay Rosario ang mga kasong nasasagap sa pangangasiwa ni Mayor Pedro Merrera ay “fishing expedition” at harassment
dahil alam ng huli na magsasagupa uli sila sa May 12, 2025 mayorship election.
Noong May 9, 2016 at May 13, 2019
mayoralty contests tinalo ni Rosario si Merrera – na dating vice mayor noong
2016 to 2019 – ng P10, 000 at P6,000 na boto, ayon sa pagkakabanggit.
Noong May 9, 2022 election dahil hindi na
siya pueding mag re-elect dahil sa nine years niya ng serbisyo, tumakbo laban
kay Merrera ang anak niyang si Jonas – na noon ay President ng Liga ng mga Barangay.
Nanalo si Merrera sa botong 24, 379 samantalang
si Jonas ay nakakuha lamang ng 18, 658 boto
samantala si dating vice mayor Edgar Mamenta at Vincent Castro ay meron lamang
8,005 at 542 mga boto sa paligsahang
pagka alkalde.
Pinabulaan ni Castro na gumaganti lamang
siya kay Rosario matapos makasuhan ng Malversation of Public Properties sa
pag- uudyok daw ni Rosario sa Regional Trial Court sa Lingayen, Pangasinan. Pagkatapos
ng siyam na taon na asunto pinaburan ng Korte Suprema si Castro noong ibinasura
ang kasong isinampa ni “Annie” na tao ni Rosario.
“Huwag niya akong e single out na ako lang ang nag file. Hindi lang
naman ako nagpa-file na mag-isa ako. Si Jojo dating kasamahan niya si Douglas
(delos Angeles nakakabatang kapatid ni Jeffrey)”.
Dagdag ni personal assistant na hindi
“revenge” ang mga ginawa nila sa mga kasong isinampa nila sa Ombudsman kung
hindi base lang sa “disallowance” ng Commission on Audit (COA) reports.
Ang nag tagumapy ay ang administrative case na grave misconduct na may docket no. OMB-L-A SEP-23-0162 sa Ombudsman kung saan nag double pay ng P4, 049, 195.58 si Rosario sa concrete slab sa three storey school building ng Department of Education.
Inaantay pa ng Northern Watch Newspaper kung pumasok ang probable cause sa double pay ng slab sa criminal case na isinampa nila Castro kay Rosario.
Ani Rosario na sinampahan din si Merrera
at ang anim na miyembrro ng Sangguniang Bayan ng kaso sa Ombudsman at ng
administrative case sa Sanggunian Panlalawigan. Ayon kay Rosario ang kaso sa
provincial board ni Merrera ay dahil ayaw niyang payagan na dumalo ang mga
department heads sa hearing ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan niya.
Gaya sa Dagupan City, masalimuot ang
pulitika dito sa first class at coastal town na ito. Noong August 9, 2023 ay
pinagsisigawan ni Rosario si Merrera noong pumasok siya sa Sanggunian para tulungan sa pagpaliwanag
si Delos Angeles sa pag re-revert ng alkalde sa planong pagbili ng P39 million
heavy equipment’s Excavator kapalit sa paglipat ng halaga sa P71 million na
urgent proposed supplemental budget sa mga social services dito.
“I will not give my respect kasi nagsasalita ka e! YOU GET OUT HERE! (Habang malakas na pinapalo ang sound block ng wooden gavel). YOU GET OUT HERE!” sigaw ni Rosario kay Merrera.
FEMALE VOICE: Point of order!
VICE MAYOR: This is Sangguniang Bayan
(inaudible), O common!
FEMALE VOICE: Point of order let's stopped
it!
VICE MAYOR: You're not under us! Huwag
mong ipakita na hawak mo kami dito. NO!
(Habang malakas na pinapalo ang sound
block ng wooden gavel).
MAYOR: No, no, no!
VICE MAYOR: GO OUT! I tell you to go out!
No comments:
Post a Comment