Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan - Kung ang bengbeng o pigar-pigar (pritong mga hiniwang karne ng kalabaw) ng Mangaldan, Pangasinan ay naagaw at pinasikat ni Dagupan City, may isang napakasarap na luto si Mangaldan na di pa magaya-gaya ni Bangus City.
INIMITABLE. The vaunted sumptous delicacy's lasas (extreme right, photo) of Mangaldan, Pangasinan that restaurant owners of the nearby Dagupan City could not yet emulate. |
Ito ang lasas o dede o mammary gland ng inahing baboy.
Sabi ng mga dayo sa puwesto ni Aling Mila Villanueva
Castro sa Golia Street sa first class na bayan na ito, sila'y nabibighani sa malagatas
na lasa ng putahe dahil super ang tama pag nahaluan ng sukang sawsawan at mga
pampalasa na gawa ng may ari.
"It's better than
Wagyo!" buladas ng isang babaeng dayo sa palabas ng You Tube noong una
niyang natikman ang lasas ni Aling Minda na dinadayo pa ng mga parokyano galing
sa ibang bayan at siyudad.
PAANO NAGSIMULA ANG LASAS
Ani Aling Mila Castro, pang ulam
lang nila noong una ang inihaw o prito na lasas, inihaw na chicharon bulaklak, inihaw
na anakan (fallopian tube), kaleskes, isaw, barbeque, at sisig noong nagbebenta
pa ang mga magulang niya ng karne ng mga ilang dekada sa Mangaldan Public Market hanggang makapag
asawa siya kay Mang Max.
Matalas ang mga mata niya kung
ano ang magandang bahagi ng karne.
“Seven years old nandoon na ako sa palengke nagtitinda ng karne kaya
alam namin ang masasarap na parte. Tingin ko lang sa karne alam ko na ang
masarap,” aniya sa Northern Watch Newspaper.
Ani Mila mga ibang niluluto
nilang pang ulam sa bahay (na kung saan ang lasas restaurant ay nakatayo) noon
ay inihaw o prito na lasas, inihaw na chicharon bulaklak, inihaw na anakan
(fallopian tube) ,kaleskes, Isaw, barbeque, at sisig.
Naitayo ang kainan dahil sa
paguudyok ng mga kaibigan ni Max noong nabubuhay pa siya habang nagiinuman sila
at kanilang pinupulutan ang mga espesyalidad ng kanyang maybahay.
“Kaya sabi ng mga friends ni Max mga kaklase niya magpalagay ka na lang
ng inuman, ganoon na lang”.
Noong tinanong si Mila Castro ni
Mayor Bona Parayno sa kanyang opisina - kung saan nangyari ang panayam na ito –
kung may lasas na noong namumulutan sila Max at mga barkada niya, ani Mila:
“Wala
pang lasas noon Madam”.
Noong nagbukas siya ng gareta
noong 2011 sinabayan na rin niyang magbarbeque ng karne gaya ng mga hotdog.
Mayatmaya dinagdagan niya ang mga
inilalako niya hango sa mga putahing ihaw niya noong kabataan pa siya at iyong
mga inihahanda niya kay Max at mga barkada.
Isang lingo lang na nagbukas siya
ng kainan sa harap at gilid ng bahay nila, sumikat na kaagad sa bayan ang mga
tinitinda niya gaya ng lasas at pagkatapos ng isang buwan dinudumog na siya ng
mga mayayamang customer galing sa karatig siyudad ng Dagupan. Nalaman lang nila
ito sa pamamagitan ng bukangbibig.
MALALAKING MGA TAO
Mga parokyano ni Aling Mina na pinakiusap niya sa writer na ito na huwag na pangalanan ay mga malalaking negosyante, police colonels at iyong iba mga heneral na ngayon, mayor, congressmen, at iba pa.
Kung mag order si kuwan P4,000
na kaagad iyon,” aniya sa isang sikat na negosyante na mahilig sa lasas.
Iyong isang alkalde sobrang hilig
daw sa chicharong bulaklak kasama ang mga kebegan na umorder pagnapunta dito.
Noong nagsisimula pa lang ang resto nila na nilagay lang sa paligid ng bahay nila ay P35 lang ang isang tuhog -na may limang pirasong karne - na barbeque ng hiniwang lasas. Sa ngayon ito ay P140 na.
“Noong 2011 P90 lang ang kilo ng karne na parte ng dede ng baboy ngayon
P300 na”.
Ganoon din sa ibang putahe, aniya
tumaas din ang mga presyo.
“Mura pa kasi noon e ang tenderloin noon ay P150 kilo ngayon ay
umaabot ng P380 na,” sabi niya.
Aniya madalang na ang inahing
baboy na kinakarne ngayon dahil sa paglaganap ng foot and mouth disease (FMD).
“Wala pang FMD – swine – 30 kilos for four hours’ operation,” aniya
sa pagtitinda nila.
Bago daw makabili ang mga
parokyan ng lasas, kailangan magpareserba na ng maaga dahil limitado na ang
karne na nabibili sa slaughter house dito.
Ani slaughterhouse Master IV
Flora Serrana, bumaba ang katay sa panahon ngayon ng Mangaldan Abattoir ng 60 ulo
ng baboy lamang kada araw.
"Last month mga meron
iyong market day halimbawa Friday nagkakatay kami noong last month ng
80-89," ani Serrano sa baboy.
Ang resto nila Aing Mila ay nagbubukas ng 3:30
pm at nagsasara ng 7:00 pm. Bukod sa limitadong supply ng lasas, sagana sila sa
mga ibang putahing nabanggit ng artikulo
na ito sa mga gustong kumain ng masagana.
No comments:
Post a Comment