MAYOR NAGPASALAMAT KAY GOB. SA MODERN TERMINAL
Ni Mortz C. Ortigoza
MANAOAG, Pangasinan – Dahil sa
pagtutulungan ng alkalde dito at gobernador ng Pangasinan ang matagal ng
problema sa trapiko at kakulangan ng mapag-parkingan ay masolusyunan sa
gagawing intermodal bus terminal.
Ani Mayor Jeremy Agerico B. Rosario
noong sinabi niya kay Governor Ramon V. Guico III ang suliranin ng pilgrims’ town
na kung saan may 56,000 katao ang dumadagsa dito kada linggo dahil sa simbahan
ng The Minor Basilica of Our Lady of the
Rosary of Manaoag, sinabi ng gobernador na madaling masolusyunan ang
problema sa pamamagitan ng pagbili ng provincial government ng halos dalawang
ektaryang lupain sa likod ng Manaoag Central School.
“Nagawa ko na iyan sa Binalonan. Gawa tayo ng kalye sa gitna ng Central
School e traverse natin iyan na doon dumaan ang bus para palakasin natin ang
likod,” sambit ni Governor Guico kay Rosario noong isinalaysay ng huli sa
writer na ito.
Pag nailipat na ang parking ng mga
bus na galing Maynila at sa ibang lalawigan at mga siyudad sa bagong terminal, paliwanag ng alkalde, mawawala
na ang trapiko dito dahil pati mga vendors na nagbibenta sa mga kalsada malapit
sa simbahan ay ililipat na doon.
“Madi-decongest talaga at iyong road na iyan na nagtatraverse sa
Central School malaking bagay iyon at doon na dadaan ang traffic madi-decongest”.
Mungkahi ni Guico at ni Pangasinan
4th District Congressman Christopher de Venecia na panahon na para
magkakaroon ng multi-level parking area sa Manaoag sa matagal ng problema sa
parking at trapik nitong land locked town first class town.
“Di na kaya noong horizontal dahil sa space maraming kakainin kaya
pataas na”.
Hindi makalimutan ni Rosario ang
binanggit ni San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang noong ground breaking ng
first phase ng halos 43 kilometers expressway sa Pangasinan sa Laoac noong
Marso na “pag inimprove mo ang daanan,
the rest will follow”.
Pagnagkataon ang mga dumagsa na
halos 56,000 pilgrims dito ay madadagdagan dahil lalong bibilis ang biyahi at
ang unang interchange galing sa exit ng Tarlac-Pangasinan-La
Union Expressway sa Binalonan ay papunta sa bayan na ito. Mayhaba na 6.9 kilometeres ang pribadong kalsada magmula sa Binalonan papunta rito.
Ani ng alkalde sa mga
bakasyunistang Pilipinong Katoliko, 97 percent ang nagsabi sa isang survey na
pumupunta sa Baguio City, Ilocos, La Union at iba pang parte ng norte ay
dumadaan dito para magsimba.
Bago matapos ang taong ito ang
modernong mahigit P200 million na isang ektaryang bagong palengke ay magsilbing
pang-akit sa 56,000 na mga deboto na tumagal sa bayan na ito.
Gusto ni Rosario na
pagsamantalahan kahit man lang 60 to 50 percent ng 56,000 na mananamba na
mamili ng mga produkto na ibinibenta ng mga taga dito sa bagong two-storey na
palengke bago sila umuwi sa mga kabahayan nila.
“It’s a matter of holding these people longer than the usual mapagastos
mo lang dito”.
Noong Holy Week, ani Rosario
600,000 na pilgrims ang nakipagsiksikan dito.
Aniya ang kapasidad ng simbahan
ay 1,100 lang kaya makikita ang mga deboto na natutulog na lang sa gilid ng
Minor Basilica at mga espasyo ng bayan.
“We are now the Car Blessing Capital of the country we surpassed the other
Basilicas in the country”.
Dahil sa Manaoag ang Pangasinan
ang ikalawang patutunguhan ng domestic travelers ayon sa May 14, 2024 na datus
ng Philippines Statistics Authority (PSA).
Ang top 10 na most visited places sa Pilipinas ay:
1.
National Capital Region (10.4%); 2. Pangasinan
(6.4%); 3. Cebu (6%); 4. Benguet (4.4%); 5. Laguna (4%); 6. Batangas (3.8%); 9.
South Cotabato (3.2%) at; 10. Rizal (3%).
No comments:
Post a Comment