Wednesday, March 29, 2017

WALANG PERMANENT, meantime lang!

Opinion ni Kitz Basila

Got a taste of her own medicine, a saying na tila balik karma kay dating DOJ Secretary and now jailed Senator Leila Delima.
Kung nagawa daw niya noon na apihin ang dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo, ipinakulong pronto sina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada, sa balikwas ng karma kuno ngayon ay katabi na niya ang kanilang selda sa Camp Crame custodial center.Image result for wig Aguirre DOJ
Bad health and old age ang nagpalabas sa kulungan kay Enrile, gumigiling pa sa wisyo at huwego ng korte ang usapin nina Revilla at Estrada.
Mga kabanata ng mga kwento at pangyayari sa Pinas na buong sanlibutan ay alam.
Lately, impeachment bruohaha sa pangulo at kay Leni, inaamba na maging usapang bayan sa mga darating na linggo. Si Atty Lozano, kilalang Marcos fan, ang nagtatatangka na maimpeach ang bise presidente. Habang kasama sa tropang nagmutiny noon ni Senator Trillanes, na ngayon ay Cong Alejano ang pasimuno sa tangkang alisan ng mandated position si Pangulo Rodrigo Roa Duterte.
Masalimuot na hinaharap ang aabangan, pero, sa babaw daw ng mga dahilan na inilatag laban sa gustong patalsikin, sa basurahan ng Kongreso pupulutin ang mga inihandang pantanggal sana.
What's up na ba ang mga usaping pang ekonomiya, kapayapaan, pangangailangan at kabuhayan, may saysay bang pagusapan?
Sabi nga madalas, problema yan. Mas gustong kalkalin ng mas nakararami ay mga hitik sa drama na yugto ng ngayon na maging istorya sa hinaharap. Mga usapin na mas makulay pa sa palabas na bunga ng malikot na kaisipan ng may akda na huhusaying ilalatag ng direktor at aartehan to the max ng mga artistang sangkot para uupuan ng matagal ng mga manonood nito bilang pelikula, soap opera o serye na walang katapusan.

Hay naku, Drilon kontra Pacquiao sa debate sa Senado, mas kilig ang lahat sa palitan ng alam kina Vitalliano at Delima. Asus, boksingero laban sa may tahig na senador, expect mo bang interesante sa madla? Mas kwela ang palitan akusa na siste nina Trillanes, Gordon at Pimentel, sabi da. Ano daw ipinagsasabi ng kabiyak ngayon ni Sharon, husband ni Ate Vi, do we hear words from Aquino, eh ano ba mga satsat ninyo na kagatin ng madlang nakukulangan sa wigo ng inyong pinagsasabi? Susme, tiyak maguguluhan ang walang muwang.
Sa Kongreso, mabilis na umusad at nagupitan ng todo ang ipinasang batas na parusang kamatayan. Mga drug-related na considered heinous crimes na lamang ang tuon sa kanilang ipinasa sa Senado for review and considerations. Wait muna Juan, malamig na ang pandesal.
Teka, super majority pa kaya ang Congress sa pagbubukas nito sa Mayo?
Watch and see ang suspense na yugto, may Gloria pa bang masisilayan next kay Pantaleon the Speaker? Kakalas na kaya sa bukluran ang mga tinaguriang Dilawan? Eh, si Danny, makabayan block, ang Bicolanong palaban may talim pa kaya na aabangan?
Sige, itanong natin kay Atty Harry Roque ang karugtong ng sarswela de porontong sa Batasan. Matabil man kung umasta, abay, may saysay ang pinaglalandakan at macho sa palitan ng kuro-kuro para sa paglilinaw na kailangan.
Like mo ba? Share pa.
**********
Usapang Promdi
NATUNGHAYAN just recently, naguusap, nagkukwentuhan at umakyat pareho sa stage sina Governor Pogi Espino at Mayor Art Celeste para sa isang yugto ng programa ng Barangay Night, na ginanap sa convention center ng lunsod ng Alaminos, parte ng pagdiriwang sa taunang kapistahan ng patron San Jose, ng nasabing lunsod.
Ayon sa ating bubwit, no dull moments daw sina Espino at Celeste sa gabi na sila ay nagkasama dahil sa pagpupugay na laan para sa mga kabarangayan. Maraming paksa na pinagusapan, may pagkakataon pa nagbubulungan at nagtatawanan. So casual and yet full of respect na maikokonsidera, dagdag pa ng aking storyteller na bubwit.
Ang tanong, maibabalik pa kaya ang naunang samahan na nabuo sa pagkakaibigan nina Manong Spine at Ading Art? Si Manong Spine ay Congressman na muli, na noon ay katabi ni Ading Art sa Congress nang siya ay naging 9-year 1st district representative sa luyag ng Pangasinan sa Philippine Congress.
Kay Gov Pogi na junior ni Manong Espine, may mabubuo kaya na friendship sa pagitan nila ni Ading Art? Ito po ang inaabangan na eksena ng mga kaalyado man ngayon, noon at pati miron, dahil sa maaring dala na pagbabago sa usaping pulitikahan at sa galaw sa pamamahala.
Abangan mo kaibigang Boyet B., tiyak ikaw ang unang magrere-act nito.
*******
Tsika sa AlamCity
SANDAMAKMAK na minor awards muntik na raw pagsawaan.
Nasuya bigla ang mga nakipagpagsiksikan sa Don Leopoldo Sison Convention Center o DLSCC, para mapanood ang coronation sa tatanghaling Miss Hundred Islands 2017 dahil sa dami ng minor awards na pati pagupitan ay isinali sa magbibigay ng sash, plake, bulaklak o sobre.
Ismid mismo ng isang opisyal ng lunsod, abay! Pati ba naman nagbigay lang daw ng libreng gupit o isang supot na kakanin ay nagbigay na ng minor award. Susme, over naman, muntik nang ibooo mismo ni Sir ang show.
Well, ganito ang bad result kapag nagkukulang daw ng panggastos, sige lang ang pagkuha ng mga sponsors na siyempre ang kapalit ay exposure, right ba Myls?
Basta kami with my friends na elected officials of the city, nag-enjoy po kami sa superb works nina Mylene at Jerome, walang kiyeme. Pati, ang over acting ng ilan na kawani ng POSO, technical committee staff ay sige lang carry na.
Sabi nga ng wife ni alderman, sulit ang inis dahil pinawi ng mga candidates sa kanilang see what i have na aura at talents. Naman, gandang Megan Young masisilayan, okey na.
Sangkaterba pang tsika, sa mga next issues po aabangan. Promise.
**********
Latest taste of liberty, kuno
AYAW ni President Duterte ang inihahandang impeachment case against kay veepee Leni, panggulo lang daw ang hakbangin sa pamahalaan, maliban pa na iginagalang daw ni Digong ang malayang karapatan at pananaw na taglay ng bawat Pilipino.
Pagtra-traydor sa bayan naman ang kasinungalingan daw na mga pahayag sa foreign groups patungkol sa palit-ulo na siste ng PNP daw sa isyu ng EJK, ang nagawa ni veepee Leni na marapat ay harapin ang parusa na (impeachment) pagaalis sa kanya bilang halal na opisyal ng bansa, ito ang pasubali ng ilan sa mga department heads ng Duterte government.
Sabi ni Pagcor head, paninira at walang katotohanan ang mga inilahad sa video tape ni veepee Leni, pawang hakahaka at tagpi-tagping kwento ng kasinungalingan. Nakakasira sa inilalakong turismo ang kwento ni Leni, ayon pa sa kalihim ng DOT.
Sa mga nasusutil na mas nakakararami, marapat na pagtuunan daw at kuno ni veepee Leni ang mas produktibong mga paggalaw na kaya niyang iambag para higit pang matulungan ang mga nagdarahop na kababayan natin, kaysa siya mismo ang pinagmumulan ng batikos na salat sa katwiran na panira sa ekonomiya at pagtingin ng ibayo sa ating inang bayan.
Galit at pagkainis ni Speaker Alvarez kay veepee Leni, inihahayag sa media at sa mga umpukan o engagements na siya ay nagtatalumpati. Kahit nga sa kwentuhan lang ay asar na asar si Pantaleon sa lately na compromising act ni biyuda.
Ewan kung ganito rin ang naghuhumiyaw na damdamin ng karamihan sa hanay ng mga Congressmen na si Speaker Alvarez ang kanilang pinuno ngayon sa Congreso ng Pilipinas. Bow!

No comments:

Post a Comment