Sulat ni Kitz Basila
MAGAGANDANG tanawin, nangeenganyong baybayin, masukal na kabundukan, malinis na kailugan, berdeng kapatagan, sariwang pagkain mula sa karagatan, kakahuyan at ang ngiting Pinoy kahit saan ay ang buhay na turismo sa weste mararanasan.
MAGAGANDANG tanawin, nangeenganyong baybayin, masukal na kabundukan, malinis na kailugan, berdeng kapatagan, sariwang pagkain mula sa karagatan, kakahuyan at ang ngiting Pinoy kahit saan ay ang buhay na turismo sa weste mararanasan.
Hundred Islands in Alaminos City, Pangasinan. |
Ang paanyaya, Gumala sa Weste, abay! sulit po ang pamamasyal.
UMPISAHAN natin. Masisiyahan sa linis at kaligtasan ng SUAL zigzag road, hinto ng bahagya sa parteng-itaas abay! ang marikit na baybayin ng bayan ang bubulaga. Sadyang kay gandang pasyalan ang bulubundukin na SUAL.
SUPERB ang beauty ng Hundred Islands, ganito ang tiyak na masasambit. Sa wharf pa lamang ay world-class na ang pahiwatig na ganda. Inayos na mga pasilidad pati ang pagserbisyo ay turing na sulit ang bawat gastos.
BUHAY na ilog, naiibang kasiyahan na dulot ng mga nagtatagong-kuweba na marapat tuklasin, rock-formation na nakaaaliw sa saliw sa hampas ng daluyon at siyempre ang ipinagmamalaking pakwan ng BANI.
PUTING buhangin sa mahabang dalampasigan, masukal na kaniyogan, kulay bughaw na karagatan at ang sariwang hangin na mula sa kailugan, kapatagan, kabundukan at karagatan. Ito ang paanyaya ng bayan ng BOLINAO.
ISLANG BAYAN na maituturing ang ANDA. Napaligiran ng katubigan ng Gulpo ng Pangasinan. Iba’t-ibang anyo, haba at lalim ang dalampasigan. Hitik sa ani ng karagatan. Matatamis na bunga ng kakahuyan ang bigay ng kapatagan.
VIRGINAL town kung ituring ang AGNO, pwedeng ikaw mismo ang tutuklas sa nakatagong ganda at paanyaya. Kulay berde na kabundukan at malamig sa mata na katubigan ng ilog o maging sa tabing-dagat.
KUWEBA at ilog, produktibong agraryo at masukal na kabundukan ay ilan lamang na katangian ng MABINI na ngayon ay bukas na para mapaglibangan habang nasa Weste.
TABING DAGAT at sa paanan ng kabundukan ang bayan ng DASOL. Taglay ng bawat sulok ang likas na kagandahan na biyaya ng Kalikasan. Pasyalan ang mga naiibang dalampasigan, tanggal-pagod na kailugan at magiliw sa sariwang-simoy ng hangin mula sa karagatan.
GANDANG kalikasan tuklasin sa bayan ng BURGOS. Likas na kayamanan ang matutunghayan sa baybayin man o kapatagan ng bayan. Maging una na maranasan ang kaulayaw ang rikit na engganyo ng mga dalampasigan.
MALA-PARAISO ang tiyak na mapapasyalan sa mga isla na meron ang bayan ng INFANTA. Tulad sa noon ay iniaalay bilang islang-lunan ng mga nanalong Miss Universe, ang mga isla ay sadyang one-of-a-kind sa kagandahan na taglay.
No comments:
Post a Comment