Former Governor Agbayani (R) interviewed recently by a Bombo Radyo Reporter |
(Kamakailan ay interbyu ni Bombo Bogs Toribio sa kanyang pang umagang programa si dating Gobernador Victor Agbayani kung ano ang dahilan bakit siya bumitaw na Campaign Manager ni Gubernatorial Bet Hernani Braganza. Nandito ang transcripto):
BOMBO BOGS: Nasa linya po ngayon si dating Governor ng Pangasinan, dating Congressman, Victor Agbayani, na alam nating lahat na kamakailan ay nag bitiw bilang campaign manager sa kandidatura po ni Alaminos City Mayor Hernani Braganza, at maraming naniniwala at naghihinala na there’s something new sa partidong liberal dito po sa Pangasinan, ito at iba pa ang bibigyang linaw ngayon ni ex governor Victor Agbayani. Good morning po sir.
VICTOR AGBAYANI: Bombo Bogs magandang umaga sa iyo. Maganda po para malinawan ang mga alingasngas ngayon, ano po ang tunay na dahilan kung bakit po kayo nagbitiw bilang campaign manager po ng LP Pangasinan? Ilinaw ko muna Bogs, dahil dito sa kampanya ni Mayor Nani Braganza, mayroong at least three groups na tumutulong sa kanya. Una ay ang LP, kung saan ako ang provincial chairman. Mayroon din tayong Art Lomibao Movement, at meron din tayong PangasiNani Movement. Ang binitawan ko ay ang pagiging overall chairman ng kampanya sa three grupo na iyan, ngunit nananatili akong chairman ng LP, at lahat ng LP matters including the campaign ay ako pa rin ang hahawak. Ang dahilan nito kung bakit ko binitawan ang pagiging campaign manager overall sa hawak kong three grupo, ang tingin ko kasi ang dapat humawak nito ay ang kandidato mismo. Kung maaalala nyo sa lahat ng tinakbuhan kong eleksyon, wala akong campaign manager, I was my own campaign manager.
Ito po ba ay desisyon galing mismo sa inyo, o desisyon galing sa itaas ng partido, or nag usap ba kayo ni mayor Nani?
Itong desisyon na ito ay nanggaling sa akin dahil sa tingin ko, mas malinaw ang istraktura ng campaign organization dahil three grupo na nga yan. Kung ang namumuno ay iisa lang, at ito ang kandidato mismo, at sa tingin ko, makakatulong ito sa kampanya, para malinaw kung sino ang humahawak ng general campaign. Lahat naman ng iutos ni Mayor Braganza, as far as the LP is concerned, ako ang hahawak niyan, at kami ay susuporta
In other words, hands off po kayo sa aspekto ng kampanya ni Mayor Nani?
Sa overall campaign. Ngunit sa efforts ng LP, para sa senatorial slate, para sa local, provincial, municipal slates ng LP, ako ay mangangampanya. Ibig sabihin hindi lang party chairman ng LP sa Pangasinan, kayo po ay in charge pa din sa policy ng partido Siyempre, bilang chairman, lahat ng LP matters, especially now, including the election matters. Basta partido ang pag uusapan, ako ang mamumuno dyan.
Gaano katotoo po yung lumalabas na balitang, isa sa mga factors kung bakit kayo nag bitiw dahil hindi daw susuportahan ng national LP ang funding sa local level. I mean hindi susuportahan ang campaign funds. Nang kampanya sa Pangasinan?
Hindi po totoo yan dahil ang partido mismo ang pumili ng provincial slate. Ang LP mismo ang nag bigay ng approval na si Nani Braganza at Retired General Art Lomibao ang ating gubenatorial at vice gubernatorial candidate sa probinsiya, alangan namang… hindi sila susuporta, ang alam ko full support si PNoy at ang Presidente din ng ating partido si Mar Roxas, full support sa provincial slate.
Pero kayo po ay tutok nalang sa senatorial candidates po ng LP?
Hindi naman, maaring ganun, kung ano i-assign sa ating bilang LP Chaiman,. Pero hindi naman mawawala yung ating katungkulan sa ating municipal chairman, municipal candidates dahil ako pa rin ang provincial chairman. Kaya ano mang matters related to the elections as far as the LP is concerns ako ang mangangahawakan doon.
Ano po ang (masabi) niyo doon sa sinasabi na kapalit na tumatakbo bilang bise governador? At sabi ni Mayor Nani eh bibigyan daw ako ng mataas na posisyon sa kabinete.
Hindi naman yan ang dahilan kung bakit hindi tayo nag kandidato bilang Bise Gobernador. Well actually I did not file for any position in the selection and that is not really the reason because the decision of the family, decision of our leaders na time-out muna ang Agbayani sa election na ito.
Ngayon kung may darating na appointment na galing sa taas e di maraming salamat at mabibigyan tayo ng pagkakataon na mag sebisyong muli sa minamahal nating Pilipinas, lalong lalo na sa probinsiya ng Pangasinan.
Pero may promise po sa inyo na bibigyan kayo ng posisyon?
Walang promise dahil wala naman nakakapag promise ng ganyan Bogs. Well, siyempre alam naman nila kung sino ang tumulong sa pagkapanalo nila sa Pangasinan.
Paalala natin sa mga minamahal nating mga kababayan na si Presidente Aquino eh nanalo sa Pangasinan ng mahigit na 500,000 votes, ganun din si Mar Roxas, nanalo rin sa Pangasinan ng mahigit 70, 000 votes, kaya alam naman nila kung sino ang humawak sa LP noong nakaraang 2010 election.
Maalala ko lang po, kamusta po ang status sa partido ni Board Member Ranjit Shajani?
Walang final decision sa katayuan ni Board Member Ranjit. At ako, personal ito, personal itong babanggitin ko ngayon Bogs, ano? Dahil hindi lahat ng kasama ko sa partido ay sang ayon. Inaanyayahan ko pa si Board Member Ranjit na bumalik na sa amin at alam naman niya kung sino ang mas karapat dapat kandidatong gobernador sa probinsya nating minamahan.
Meron akong mga kasama sa partido na siguro ayaw na siyang bumalik pero ito ay sinasabi ko nga na personal, only my personal view. But bago kumilos ang partido kelangan nating konsultahin lahat ng sektor sa partido bago mabigyan ng final action ang status ni Board Member.
Ibig sabihin wala kayong balak na sipa-in sa partido si Board Member Ranjit?
Meron, meron kasi papaano mo naman makakasama ang isang leader na hindi ikinakampanya iyong official slate ng partido. Kung ang kinakampanya niya eh nasa kabila eh para naman na justify na kasama pa siya sa partido. Kaya nga inaanyayahan ko siya na tigilan na niya yan at bumalik na sa amin.
Maraming salamat po, nalinawan po yung mga ibang questions tungkol sa isyung ito sir at yung mga message niyo po sa mga Pangasinense.
Salamat po sa ibinigay na pagkakataon ng Bombo na ito sa akin dahil yung aking pag withdraw as a general campaign manager ay binaluktot naman noong kabila eh. Sinasabi na iniwan ko na si Nani Braganza at iniwan ko na ang Liberal Party candidate ng buong Pangasinan. Hindi totoo yun. Ang aking binitiwan ay bilang General Manager na humahawak ng tatlong grupo, iyong Art Lomibao Movement, Nani Braganza Movement at Liberal Party. Ang hindi ko inaatrasan ay ang bilang Chairman ng LP na ikampanya ang National at Local candidates ng LP, tayo ay nananatiling loyal sa ating mga kasamang LP sa Pangasinan at kay Pangulo Aquino at sa Pangulo din ng partido. At sa ating mga kababayan, bawat elekyon ay napakahalaga sa kasaysayan ng isang probinsiya, sa kasaysayan ng isang bayan. Sana ay piliin natin ang karapat-dapat, ang tunay na nagmamahal sa probinsiya at nag bibigay ng malinis at marangal na serbisyo.
Maraming salamat po at mabuhay po kayo Sir.
No comments:
Post a Comment