Former Governor Agbayani (blue t shirt) and Gubernatorial bet Braganza (2nd from Right) during the Liberal Party's convention in February 11, 2013 in Calasiao, Pangasinan |
Agbayani and Braganza |
Ni Ricky Cera
CALASIAO, Pangasinan – Pinabula-anan ni dating governor Victor Agbayani na merong alitan na namumuo sa kanila ni gubernatorial bet Hernani Braganza ng magsama sila kamakailan sa bayang ito para batikusin ang mga kasinungalingan at panlilinlang ng kampo ni Pangasinan Governor Amado T. Espino. “It is the candidate who can best direct the campaign strategy,” Ani ni Agbayani kay Braganza na magkatabi sa isang press conference sa isang hotel dito.
Noong nakaraang linggo ay pinalalabas ng mga propagandista ni Espino na kumalas na si Agbayani kay Braganza, kasalukuyang alkalde ng Alaminos City, matapos itong mag patawag ng press conference sa Dagupan City kung saan sinabi niya na bumitaw na siya bilang campaign manager ni Braganza para tumutok sa kampanya ng mga senatorial candidates ng Liberal Party.
Ang dating gobernador at si Braganza ay stalwarts ng LP sa lalawigan. Nagsama ang dalawa sa isang pagtitipon sa Regency Hotel dito na dinaluhan ng daan- daang LP candidates at supporters nila sa Pangasinan.
Sa isang panayam kay Agbayani, provincial chairman ng LP, minaliit niya ang kakayahan ni Espino bilang ama ng probinsiya kumpara noong panahon niya na siya ang gobernador ng Pangasinan.
“Malayo! Kung tinutukoy niyo iyong delivery ng mga pangangailangan ng mga tao sa barangays na ginagawa ko sa nakalipas na ta-on ko na pagiging gobernador.
Ang kilometrong haba ng mga kalsada na nagawa ko, ang higit kumulang na isandaang irigasyon na pinagawa ko.
Gumawa ako ng maraming kalsada, tulay, irigasyon”. Ayon sa ibang mga mayors sa Pangasinan na ayaw magpakilala ay madalang ang mga proyekto na dumadating sa kanila sa ilalim ng Espino Administration. “Minsan wala pa! Napunta ata ang ibang pondo sa pagpapaganda ng kapitolyo kaya napabayaan ang mga bayan at barangay” sabi ng isang political spectator.
Sabi ni Agbayani marami pang hahabulin si Espino sa kanyang mga nagawa sa kalusugan, patubig at settlement ng mga mahihirap. “Malayo!, “ paulit niyang sinabi sa mga periodista. Ayon sa kanya sinira ni Espino ang “Heritage Value” ng kapitolyo. “Lahat nabago e.
Nawala ang historical significance niya”. Sinabi ni Braganza sa pulong ng mga LP leaders na ang kasalukuyang ama ng Pangasinan ay isang pangit na halimbawa ng 3Gs o Gold, Goons, at Guns matapos makatangap siya ng impormasyon na namudmud kamakailan ng P15 thousand na cheke kada kapitan ang katungali sa Western Pangasinan.
Sinabi ng alkalde na paiimbistigahan niya kung may abusong ginawa si Espino dahil ang mga cheke ay nakapangalan sa probinsiya. Isa pang batikos ni Braganza sa kalaban:“Ang kailangan ng taga Pangasinan ay Farm-to-Market road. Bakit ibibigay niya aircon sa mga kapitanes. Paano aasenso ang Pangasinan?”.
No comments:
Post a Comment