Monday, June 20, 2011

Crack in the Capitol


CRACK IN THE CAPITOL. Kung gagamit ka ng isang tasang may lamat na… ay naku tatagas ang kape!
Hindi naman po nagkaroon ng physical na crack sa kapitolyo ng Pangasinan, ang ibig ko pong sabihin ay marami na ang nagsasabi na ang samahan ng grupong nagdala at tumulong kay Gov para makaupo sa kapitolyo ay may lamat na daw.
Maraming nakakaalam at nakakaintindi sa halaga ng Orduña Brothers sa mag kalakaran sa Pangasinan.
Ang Orduña Brothers ay malapit na malapit kay Governor Amado T. Espino Jr.
Ang resignation ni Bugallon Mayor Ric Orduña bilang president ng League of Municipalities Pangasinan Chapter ay nagpapakita na may crack na sa Capitol ng Pangasinan sa pamumuno ni. Espino Jr.
Ang pag-tender ng indefinite leave naman ni PDRMC chief na si Pat Orduña ay isa pa ring palatandaan na may crack na sa Capitol.
Pati pala si Doc. Karlo Orduña ay nag-iisip na din kung mare-resign na din sa Provincial Hospital.
Ano po ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay ng landas ni Gov Espino at ng Orduña Brothers? (kung alam niyo po ang sagot paki email niyo na lang po sa northern_watch@yahoo.com)
Bok Nani Braganza, napag-aralan natin noon na ang kahinaan ng isang puwersa ang magtatakda kung ito ay magwawagi o hindi sa isang laban.
Ang crack ba sa Capitol ay isang palatandaan na humina na ang grupong nagbabalak na makakuha ng 3rd term sa pamumuno sa Pangasinan?
Are the resignations and the indefinite leave unveiling of crack spreading within the first year of the second term of the Espino administration in Pangasina? (O ha! English question yan Toto Mortz).
GEN. OBAN SHOULD RESIGN! Dapat mag-resign si Gen. Eduardo Oban sa declaration niya na ang Pilipinas ay umaasa sa tulong ng Amerika kung magkakaroon ng matinding sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas.
Para sa isang pinakamataas na pinuno ng sandatanhang Lakas ng Pilipinas, ang ganitong pahayag ay nakakahiya.
Dapt nanindigan na lang si Gen. Oban na kakayanin ng Pilipinas ang ipagtangol ang kanyang sarili kahit na kulang sa resources.
Bakit kailangang sumandal pa sa Amerika?
Lalong bumaba ang dignidad ng Sandatahang Lakas dahil sa pronouncement na ito.
Kung hindi kayang ipagtangol ni Gen. Oban ang Pilipinas, dapat ay magresign na siya.
Anong klaseng dignidad meron ang mga opisyal natin?
Maghahamon sila ng away..tapos ihaharap nila ang Amerika…hahaha!
THREE EVENTS. Opo tatlong events ang sabaya-sabay na mangyayari sa Pangasinan sa June 20,2011.
Una, ay magkakaroon ng necrological service para kay former Pangasinan Governor Conrado ‘Tata Condring’ Estrella (93 years old) sa St. Anthony de Padua Parish Church sa Rosales.
Pangalawa, ay celebration ng Agew na Dagupan na kanilang 64 years bilang city.
Pagatlo ay birthday ni Gov. Amado T. Espino Jr.
Kasamang Orly Navarro, hindi naman sinasadya ang pagkakasabay-sabay ng tatlong events na ito. Nagkataon lang. Hehehe.
MAY KULANG KAY RIZAL. Sa dinami-dami ng naging at nagawa ni Dr. Jose Rizal, may kulang pa rin. Wala siyang nagging anak. Kaya hindi siya kasali sa Father’s Day.
Bok Doy, hindi ka rin kasali sa Father’s Day, lolo na si kasamang King zero ka pa.
Doctor si Rizal, writer si Rizal, nakapaglibot sa iba’t-ibang bansa si Rizal, bayani si Rizal pero wala siyang anak
Rizal ay maraming naging syota pero wala siyang naging anak kaya may kulang…wala siyang anak.
Siyam ang na-link sa kanyan bilang ka-relasyon at iyan ay sina Segundina Katigbak, Leonora Valenzuela, Leonor Rivera, Consuelo Ortiga, O Sei San (Haponesa), Gertrude Beckett (London), Nelli Boustead, Suzanne Jacoby (Brussels) at Josephine Bracken…Wala siyang naanakan.
LET US EAT BANGUS AGAIN! Tulungan po natin na makabangon ang Bangus industry ng Pangasinan. Simulan na uli natin na bumili at kumain ng masarap at masustansiyang Bangus.
Tama ang probinsiya na buhayin ang Caquiputan Channel. Dapat din palawakin ang perspectives ng mga opisyan ng gobyerno lalo na iyong mga makikipot ang isipan at pananaw sa antas ng serbisyo publiko.
Tutulungan na ni Gov ang Bolinao at Anda sa pagpapalakad sa mga fish pen at fish cages doon para mas sustainable ang pangingisda doon.
Paalala lang po sa mga nakaupo na sa elective positions mula kay John Emerich Edward Dalberg Acton, first Baron Acton (1834–1902).
“Power tends to corrupt, and absolute power corrupts absolutely. Great men are almost always bad men.”
Parating nababangit ang first sentence. Pero mas mabigat ang second sentence, hindi po ba?
Kayo po, gusto niyo ba ang maging great?
Sabi ni Buknoy, ‘Ako ayoko na ang maging great kung magiging masama din lang ako.’

No comments:

Post a Comment