Sunday, March 8, 2026

P135-K MONTHLY PENSION TO WIDOW, WIDOWER OF FILIPINO KILLED BY ENEMY IN ISRAEL

By Mortz C. Ortigoza

I saw recently the video of Israeli Ambassador to the Philippines Dana Kursh conversing with Pangasinan Governor Ramon V. Guico III in a phone call while Basista Mayor J.R Resuello, other top local public officials, and the family of Mary Ann Velasquez de Vera, 32, (who perished in an Iranian ballistic missile attacked in Tel Aviv, Israel on February 28, 2026) listen.


The Envoy pledged to help the family. “I’m sending extra hand for you if that’s okay?”.

Monday, March 2, 2026

Hindi Bukol Ito, Lymphoma Ito – Bulacan Guv

Ni Mortz C. Ortigoza

Pinabulaanan ng gobernador ng Bulacan na bukol ang meron sa noo niya kung hindi ito ay lymphoma matapos na maiulat siya ng isang blogger na malapit sa Malacanang na binugbog siya ng Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos i-harass ng mga tao niya ang presidential son.


BUKOL?
Bulacan Governor Daniel Fernando rubs smoothly the lymphoma and not a “bukol (lump)” at his forehead he told his constituents during a flag ceremony held at the provincial Capitol in the central Luzon province. Photo is DOLA A.I generated.


“Ito po kasi lymphoma. Paano ba operahan ito?” tanong ni Fernando sa kanyang mga constituents habang hinahaplos ang bukol sa kanyang noo noong flag ceremony noong Lunes sa Kapitolyo.

Sunday, March 1, 2026

Malinis na Parongking River, MRF Ipinagmamalaki sa Calasiao

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

CALASIAO, Pangasinan – Buong pagmamalaki na ipinakita ng batang alkalde dito kung gaano na kaayos at kalinis ngayon ang Parongking River at ang material recovery facilities (MRF) sa maunlad na bayan na ito.



“Tingnan ninyo iyong dating maduming Parongking River na malinis na ngayon at iyong maayos at malinis na MRF at paligid niya,” ani Mayor Patrick A. Caramat habang pinapakita ang mga litrato na ang iba ay kuha ng drone sa writer na ito noong bumisita kamakailan ang huli sa kanyang opisina.

Sa nasabing mga larawan wala na ang mga makakapal na mga water lily at iba pa na makikita noong bumisita sa nasabing lugar si Pangasinan Governor Ramon V. Guico III at Mayor Caramat noong Pebrero 13 para umpisahan na ang malakihang paglilinis at pagdadraga ng mga makakapal na putik  at mga debris ng mga gamit sa Parongking River.

Pinasalamatan ng alkalde ang masipag na Municipal Environment and Natural Resources Office Chief Mark Paulo Caspillan at mga tauhan niya sa kanilang mandato na linisan at ayusin ang mga nasabing mga lugar.

Saturday, February 28, 2026

HOW THE U.S F-16 WILD WEASELS DESTROY IRANIAN SAMS

By Mortz C. Ortigoza

LOOK at the multiple billions of pesos United States Air Force F-16 Block 50/52 Wild Weasel (red circle) that I am pointing with my right finger at the tarmac in Basa Air Base in Pampanga when the Gringos brought 12 of 'em from Japan for the Cope Thunder Exercise with the FA-50 jets of the Philippines Air Force.

Below are the role of the Wild Weasels in destroying the surface- to- air- missile (SAM) batteries of Iran when the U.S and Israel pounced vigorously yesterday the Gulf State reigned by a despotic Ayatollah:

Thursday, February 26, 2026

π‘©π’Šπ’π’šπ’‚π’ˆπ’‚π’π’ˆ π‘©π’‚π’šπ’‚π’ Pinangunahan ni Mayor Pat

Ni Mortz C. Ortigoza

CALASIAO, Pangasinan -- Isang makasaysayang araw para sa maunlad na bayan dito ang ginanap na Binyagang Bayan 2026 kung saan 35 na residente dito ang sabay-sabay na tinanggap ang sakramento ng binyag.


 “Ang okasyong ito ay naging simbolo ng pag-asa at pananampalataya na walang pinipiling edad—mula sa mga sanggol hanggang sa ating 78-anyos nating kababayan mula sa Brgy. Macabito,” ani Mayor Patrick A. Caramat sa kanyang Facebook Page.

Manaoag Mayor Nasubukan Maging Anak ng Guv’nor

 

Ni Mortz C. Ortigoza

MANAOAG, Pangasinan – Nasubukan ng kasalukuyang alklade dito na tumira sa Urduja Palace o Urduja House sa Capitol sa Lingayen noong naging gobernador ng Pangasinan ang ama.

GOVERNOR’S MANSION. A little boy plays in this artificial intelligence generated illustration near the faΓ§ade of the swanky Urduja Palace at the Capitol in Lingayen, Pangasinan. Urduja House is the official residence of the governor of Pangasinan.


“Nasubukan kong tumira at matulog doon sa Urduja House pero di pa gaano kaganda noon. History na rin dahil kaming mga Rosario children kasi our late father Board Member (BM) at naging acting governor lahat po kaming (tatlong) magkapatid naging board member,” ani Mayor Agerico Jeremy “Ming” Rosario sa writer na ito noong bumisita ang huli sa kanyang tanggapan.

Monday, February 23, 2026

Monk Warrior Strats Vs Iran

 By Mortz C. Ortigoza

While the diplomats of the United States and Iran look for a compromise at their indirect talks in Geneva for the juggernaut of the former not to rain her lethal munitions to the latter, I recalled how weak the hemming and hawing Obama Administration compared to the present Big Stick Diplomacy of the Trump Administration on how to deal with the Ayatollah, his executive brass, the Republican Guards, and the military in the former Biblical country’s Persia.

MONK WARRIOR (far left) attacking the elite Iranian Republican Guards while Ayatollah Ali Khamenei signals order.

As Central Command Commander from 2010 to 2013, Marine three-star General Jim ” Monk Warrior”  Mattis believed that Iran “remained the greatest threat to the United States interest in the Middle East.”

Saturday, February 21, 2026

Proyektong Wakasan ang Pagbabaha sa Calasiao Ikinasa ng Guico Admin

 MATAPOS ITONG MAPABAYAAN NG MGA NAGDAANG NAMUMUNO SA LALAWIGAN

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

CALASIAO, Pangasinan – Matapos ang mahabang panahon na hindi nabigyan ng pansin ng mga nakaraang gobernador ng Pangasinan ang makapal na siltation na naging sanhi sa pagbaha sa bayan na ito at sa karatig lungsod ng Dagupan, inaksyonan na ng kasalukuyang namumuno sa Kapitolyo kung paano wakasan ito.

VISIONARIES. Heavy equipment clean and dredge the Parongking River while Pangasinan Governor Monmon Guico (left) and Calasiao Mayor Patrick Caramat supervise (Gemini)


“Napakaganda po ng proyektong ito. Tinanong ko sila Mayor Patrick at si Vice (Mayor) Kevin: Meron bang pumansin noon noon pa ng ganito? I’m sure that all administration ng LGU-Calasiao gusto talagang linisin ang ilog but of course napakamahal po,” ani Pangasinan Governor Ramon V. Guico III noong bisitahin niya ang Parongking River dito noong Pebrero 13 habang naglilinis ng mga nakalutang na water lilies at nagtatanggal ng mga makakapal at maiitim na mga putik sa riverbed ang mga malalaking heavy equipment.

Thursday, February 19, 2026

Pagpaparehistro sa Pindang Grand Parade Nagsimula na

  MANGALDAN, Pangasinan - Nagsimula na noong Pebrero 2 ang pagpaparehistro para sa mga grupo, organisasyon, at institusyon dito na nais makilahok sa gaganaping Grand Civic Parade sa Marso 2 bilang opening salvo ng 2026 Mangaldan Town Fiesta at Pindang Festival.


Inaanyayahang ang mga interesado na magpatala sa Migrant Desk Office (MDO), 2nd Floor Mangaldan Municipal Hall mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00AM hanggang 5:00PM, at hanapin si Ms. Carmela Velasquez.


Tampok sa grand civic parade ang mga delegado mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sektor at kaabang-abang din ang partisipasyon at pagrampa ng mga kandidata para sa Miss Gay Pindang 2026.

Paalala ng 2026 Mangaldan Town Fiesta at Pindang Festival Executive Committee na libre ang pagpapalista sa parada. Ipinapaalala rin ng komitiba na responsibilidad ng mga lalahok na delegado ang paghahanda ng kani-kanilang mga sasakyan.

Pinapayuhin rin ang mga grupo na magdala ng kanilang sariling banner o tarpaulins dala ang pangalan ng kanilang grupo o organisasyon.

Hinihimok ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno ang buong suporta at pakikilahok ng lahat ng mga accredited civil society organizations (CSOs) sa bayan gayundin ang iba pang mga institusyon gaya ng mga pribado at pampublikong eskuwelahan, business establishments, at financial establishments.

Magtatagal ang registration hanggang Pebrero 25. (News source: π‘΄π’‚π’π’ˆπ’‚π’π’…π’‚π’ 𝑷𝑰𝑢)

 

 

Tuesday, February 17, 2026

DEDO SA AMB*SH PAMANGKIN NG SHARIFF AGUAK MAYOR


Ni Mortz C. Ortigoza
Pat*y sa ambush kaninang tanghali ang pamangkin ng alkalde ng Shariff Aguak habang binabaybay niya at ng kapatid ni mayor ang kahabaan na kalsada ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Sakay ng Nissan Livina si Datu Gara Ampatuan na pamangkin ni Mayor Mitra Ampatuan noong namat*y siya ngunit nakaligtas naman sa bingit ng kamatayan si Datu Mama na kababatang kapatid ni Mayor Ampatuan.
The vehicle used by the nephew and the brother of the Shariff Aguak, Maguindanao mayor being amb*shed by the assass*ns (top photo, credit to Gemini). Photos of the vehicle peppered with bull*ts at the stretches of the highway of Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Credit to photo owners.

Nabatid na nagawa pang imaneho ng mga biktima papuntang kalapit na bayan ng Datu Unsay ang kanilang sasakyan ngunit di na umabot na buhay si Datu Gara at si Datu Mama naman ay kasalukuyang ginagamot sa isang ospital.
Batay sa paunang impormasyon, galing umano sa Cotabato City ang mga biktima at pauwi na sa Shariff Aguak nang maganap ang pananamb*ng.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at ang kanilang motibo sa krimen.
ENERO 25 AMBUSH
Matandaan na tinambangan si Mayor Ampatuan noong Enero 25, 2026 kung saan ang apat na salarin ay armado ng rocket propelled grenade (RPG) at automatic assault weapons. Di umubra ang bala ng RPG sa armored plated na itim na Toyota Land Cruiser ng alkalde.
Ani Anwar Kuit Emblawa, executive assistant ni Ampatuan, nagtamo rin ng pinsala ang back-up vehicle na pick-up ni Mayor Ampatuan matapos tamaan ng mga bala sa Barangay Poblacion sa Shariff Aguak.

Dalawa sa escort ni Mayor ay tinamaan sa pananamb*ng.
Napatay naman ng mga pulis at militar ang apat na gunmen sa isinagawang hot pursuit operation sa national highway sa Shariff Aguak.
Sakay ang mga suspek ng puting mini van nang isagawa nila ang planong pagpap*tay sa mga sakay sa dalawang convoy ng alkalde.
Ikatlong beses na ito na tinambangan at nakaligtas ang may sa pusang si Mayor Mitra.
PHOTO CAPTION
The vehicle used by the nephew and the brother of the Shariff Aguak, Maguindanao mayor being amb*shed by the assass*ns (top photo, credit to Gemini). Photos of the vehicle peppered with bull*ts at the stretches of the highway of Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Credit to photo owners.

Sunday, February 15, 2026

Cong. Rachel Pabor sa Cityhood Bid ni Bayambang sa 20th Congress


Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

DAGUPAN CITY – Pabor ang isang Pangasinan congresswoman sa pagiging lungsod ng mga bayan ng Bayambang at Malasiqui.

CITYHOOD. Pangasinan Third District Cong. Ma. Rachel Arenas (far left) exchanges pleasantries with Malasiqui Mayor Alfie Soriano and Bayambang Mayor Nina Jose-Quiambao. (Gemini)

Hindi nakapasok sa pag apruba ng 19th Kongreso ang Bayambang dahil kulang pa ang kanyang locally generated average annual income (LGAAI).

Matandaan na noong Abril 10, 2022, inamyendahan ng Republic Act 11683 ang

Section 450 ng Republic Act No. 7160 na kilala sa Local Government Code of 1991, as amended by Republic Act No. 9009.

Ani ng batas: "A municipality or a cluster of barangays with a locally generated average annual income, as certified by the Department of Finance, of at least Four hundred million pesos (P400,000,000.00) for the last two (2) consecutive years based on 2012 constant prices may also be converted into a component city if it has either a population of not less than one hundred fifty thousand by the PSA (Philippines Statistics Authority) OR (diin ng writer) a contiguous territory of at least one hundred (100) square kilometers, as certified by the Land Management Bureau; Provided, That three (3) years after the effectivity of this Act and every three (3) years thereafter, the threshold amount of Four hundred million pesos (P400,000,000.00) shall be increased by five percent (5%)”.

Aniya hindi pa kwalipikado ngayong mga taon ang malaking bayan niyang Malasiqui cityhood dahil kulang pa ang kanyang lokal na income.

                     POPULASYON, SQUARE KILOMETER NA LUPAIN

Ang Malasiqui ay may 144, 344 populasyon (2024 census) at 131.37 square kilometro na lupain at ang Bayambang naman ay may 129, 506 populasyon (2024 census) at 143.94 square kilometro na lupain.

BASEHAN

Kung pagbabasehan ang mga nasabing kailangan ng batas sa lupain, ang dalawang bayan ay pasok na sa mimimum requirement na P100 square kilometro.

Ang Bayambang ay may budget na ₱552,095,632.42, ₱573,163,840.35 at P651. 58 million noong taong 2023, 2024 at 2025. May pondo ang Bayambang na P637, 691, 050 ngayong taon.
Ang Malasiqui ay may budget na ₱456,199,281.46 at P542.60 million noong taong 2024 at 2025. May pondo ang Malasiqui na P609, 290, 748 ngayong 2026.
 

PLEBESITO

Bukod sa formal act ng Congress, kailangan ng isang bayan na magka plebesito ang mga residente kung papayag sila o hindi na maging lungsod ang nasabing bayan.

Mayroong 149 cities sa Pilipinas.

BENTAHE NG CITYHOOD

Ang bentahe nang pagiging lungsod ay mas malaki ang bahagi niya sa National Tax Allotment (NTA) – dating Internal Revenue Allotment (IRA) – galing sa pambansang gobyerno kada taon kaysa kasali siya sa grupo ng mga 1,493 bayan.

Pag umabot ang populasyon ng lungsod sa 250, 000 ay may karapatan siyang magka kongresman sa House of Representatives gaya ng Dagupan at San Carlos Cities pag umabot sila sa Census na lalabas ngayong taon o sa 2029.

 


Thursday, February 12, 2026

Nation Mourns Demise of Perennial Ph Speaker

 By Mortz C. Ortigoza

DAGUPAN CITY – Sympathies from the hallowed halls of Congress to the venerable chief executives of the local government units pour to the family of former five-time House Speaker Jose Claveria de Venecia who passed away on February 10 this year.


Five-time House Speaker Jose Claveria de Venecia (left photo). Philippines Congress, half-mast Philippines flag, Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, Vice Gov. Mark Ronald Lambino, and Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno (top, middle, and lower right photo). Not in the photo are Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez and Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario. 

The Senate of the Philippines adopted Resolution No. 38 on February 11, 2026 that honored the life and legacy of the Statesman while the House of Representatives filed on the same day Resolution No. 758 honoring him as the august chamber prepares to hold a memorial service for De Venecia on February 16 (Monday) at 10 A.m. at the Plenary Hall. It was introduced by Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos, and House Minority Leader Marcelino “Nonoy” C. Libanan. The Resolution expresses the “profound condolences of the House of Representatives to the family of the Honorable Jose C. de Venecia Jr., former Speaker of the House of Representatives during the Ninth, Tenth, Twelfth, Thirteenth, and Fourteenth Congresses and spouse of the Honorable Ma. Georgina P. de Venecia, Representative of the Fourth Legislative District of Pangasinan.”

C.S.E Pro. ang Magandang si Ms Queen

Ni Mortz C. Ortigoza

BINMALEY, Pangasinan -- Mariing sinagot ng Munisipyo ng first class town dito ang mapanirang blog na ang magandang si Queen Austria ay hindi Civil Service Professional para maging Tourism Officer at ang kanyang iligal na pagsakop sa Museum dito.
PHOTO OF MS. QUEEN AUSTRIA GRABS FROM THE INTERNET
"Nalaman ng Municipal Government of Binmaley ang pagkalat ng mga misleading posts at speculative narratives sa social media kaugnay ng designation ng municipal personnel at paggamit ng pampublikong pasilidad," ani ng Municipality of Binmaley's Facebook Page.

Friday, February 6, 2026

Ranger Capt. Pinapain ang Tao Para Makita ang Sniper

Ni Mortz C. Ortigoza

 NAGTATAKA ako kung bakit tuwing Sabado o Linggo ay may mga kadete na nanananghalian at nagpapalipas ng hapon sa mga bahay ng aming mga kapitbahay na mga sundalo noong kabataan ko sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

BAIT. An elite member of the Scout Ranger aims his Armalite rifle to a sniper of the Moro National Liberation Front (MNLF) hiding at the top of the coconut tree while firing to a running Ranger below. The Ranger is a bait for his companions to locate the rebel and neautralize him just like what Pangasinan Cong. Leopoldo Bataoil (PMA 1976) narrated to this writer about the feat of legendary Scout Ranger Major Gen. Julius Javier (PMA 1970) in the 1970’s Moro Secessionist War in Jolo.

“Mga foster brother sila,” sabi sa akin ng magandang dalagitang kapitbahay namin na naging Heneral kalaunan sa mga First Class Men (o graduating o fourth year college sa pedestrian na nagbabasa ng blog na ito).

Marami sa mga kadeteng ito ay nagmula sa mga pamilyang mahirap sa mga lalawigan ngunit nakapasok sa elite military school dahil sa kanilang katalinuhan lalo na sa matematika noong high school o noong college sila.

Ang ilan sa kanila ay naging mga mister ng mga anak (kanilang foster sisters) ng mga opisyal at enlisted men (di opisyal) sa PMA.

Ang aking pinsang babae na si Darcy ay iniimbitahan ang mga Ilonggo na mga kadete sa loob ng white and green na quarter o bahay namin upang makasalimuha nila na ang aking Ama na ipinanganak sa Fabrica, Negros Occidental at lumaki sa Jaro, Iloilo City --- linintian gid To’!

 

SCOUT RANGER MAJOR GEN. JULIUS JAVIER

“Iyon si Julius Javier (PMA Class 1970 na nagmula sa Negros Occidental), siya ang Goat (ang kadete na nagtapos na pinakahuli sa kanyang buong klase),” bulong ng aking pinsan noong magpaalam na sina Javier at ang kanyang mga kaklase sa aking Ama.

POWERFUL FAL. A fighter of the Moro National Liberation Front with FN FAL G1 battle rifle.  In the 1970s and 1980s, oil rich Libya Strongman Muammar Gaddafi supplied the MNLF with thousands of these more powerful rifles than the Philippines military Armalites to bolster their armed struggle against the Christian Marcos Government whom Gadaffi detested because of wanton persecution of the Muslims in Mindanao. These Belgian and Russian made weapons were routed through Muslim Sabah, Malaysia significantly strengthened the Moro fighters’ arsenal during the early years of the conflict (Photo grabs from the internet)

 

SIYA LANG ANG DI NATAMAAN NG BALA

Isinalaysay ni Javier sa isang panayam na noong tambangan ang kanyang trak (tinatawag naming Six by Six habang lumalaki kami sa PMA sa Baguio City at sa Cotabato) na puno ng Scout Rangers Isinalaysay ni Javier sa isang panayam na noong tambangan ang kanyang trak (tinatawag naming Six by Six habang lumalaki kami sa PMA sa Baguio City at sa Cotabato) na puno ng Scout Rangers sa Jolo noong 1973, lahat ng sundalo ay nalipol maliban sa kanya at sa dalawang sugatang Ranger.

"Agad namatay ang driver sa mga putok. Nasa tabi niya ako habang ang mga bala ay tumatalbog sa itaas ng aking ulo habang ako'y yumuyuko," paggunita ng Heneral noong batang First Lieutenant pa siya mula sa Negros Occidental sa kanyang Tagalog na may Ilonggo accent.

Sinabi niya na patungo sila sa isang lugar na dalawang kilometro ang layo mula sa kanilang main camp nang sila ay tambangan.

"Sinabihan ko ang dalawang sugatan na maghintay sa pagdating ng mga rebelde bago kami magpaputok. Alam namin na ang mga mandirigmang Moro ay hindi lang nila pinapatay ang mga nakaligtas kundi pinupugutan pa nila ng ulo. Noong dumating ang dalawang APC (armored personnel carriers) pagkatapos nilang mag-radio para sa reinforcement, isang Sarhento -- ang driver ng isa sa mga APC -- ang sumigaw sa mga sundalong nagtatago sa mga talahiban o kakahuyan na malapit sa trak na tumaob na pumasok sa loob ng APC para makatakas kaagad sila sa lugar na umuulan ng mga bala mula sa kalaban,” salaysay niya.

Sa halip ay nag yeoman’s job ang Ilonggong Tenyente sa pamamagitan ng pagtalon at paggapang sa likod ng Six by Six at pagdala ng mga bangkay ng mga sundalo sa loob ng U.S. made armored vehicle habang ang 50 caliber machine gun nito ay walang tigil na nagpapaput*k sa mga rebelde na nagtatago sa kung saan.

Hinangaan ni Javier ang driver ng APC dahil sa kanyang pambihirang kagitingan sa paglabas mula sa bullet resistance carrier at inilagay ang sarili sa bingit ng kamatay*n sa pamamagitan ng pagtulong sa pagkuha ng mga sugatan at mga bangkay.

"Gumapang kami pabalik-balik sa ilalim ng proteksyon na kumot ng 50 (machine gun). Nakuha ko rin ang isang bag na puno ng pera para sa gamit ng mga tropa sa pupuntahan namin," paggunita niya.

Army Major General Julius Javier (PMA 1970). Grabs from the internet


                                       DUGO AT UTAK NG TAO SA DAMIT NIYA

 Aniya ang insidenteng iyon ang nagpasikat sa kanya kung saan naging paksa siya na meron siyang agimat o anting-anting (tulad ng kanyang kapwa Ilonggo at kababayan ko sa M'lang Cotabato na si dreaded paramilitary Kumander Toothpick – ang kilalang Moro Killer) dahil lahat ng nasa trak na mga kasama niya kasama na ang isang batang Second Lieutenant (marahil isang bagong graduate ng PMA) na dapat sa harap sumakay pero piniling tumabi sa mga enlisted men sa likod ay tinamaan maliban sa kanya.

"Noong dumating 'yong dalawang APC sa kampo ako 'yong unang bumaba, nagulat lahat dahil buong damit ko magmula sa itaas ay puro dugo at may mga naiwan pa na mga utak ng mga sundalo," paggunita ng matigas at matapang na Scout Ranger.

PINAPAIN ANG TAO PARA MATUKOY ANG SNIPER

"Kung ang PC (Philippines Constabulary na pinalitan na ng Philippines National Police) ay may mga tulad ni Colonel Amado Espino habang ang iba pang sangay ng serbisyo ay may kanya kanyang mga bayani. Kilala niyo ba Sir ang hero ng Army na si Julius Javier (PMA '70) at ang maalamat na Kanyonero na si Army General Rodolfo Canieso (PMA '56)?" tanong ko kay Pangasinan Congressman Pol Bataoil habang naghihintay kami sa limang Bell at Sikorsky helicopters (tag aapat ang rotor blades at tig dalawa ang mga makina ng kada isa) para sa pagbisita noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pantalan ng Sual, Pangasinan.

"Si Julius Javier may pelikula pa na pinamagatang 'Scout Ranger’” masigla kong sinabi.

Si Bataoil, isang retiradong two-star police general, ay mariin na sumagot.

"Kahit bilang company commander ay sumasama siya sa patrol at nakipaglaban sa mga rebeldeng Muslim sa Mindanao. May insidente kung saan ang mga sniper ay nagtatago sa mga puno sa kagubatan at binabaril nila ang di makausad na tropa."

Balik tanaw ni Bataoil kung paano inutusan ni Javier ang isa sa kanyang mga tauhan na tumakbo bilang pain para sa sniper.

Facebook's posts of Philippine Army's hero retired General Julius Javier to me and my brother Gabriel Ortigoza, an Airborne and former Military Professor at the Philippine Military Academy - the place where we were born. You can read the article of these FB's exchanges at Shocked mailman, wife invited to presidential dinner

 

"Lumaki ang mata ng takot na takot na batang sundalo ngunit kailangan niyang sumunod habang tumatakbo habang tinitira siya ng sniper habang tinitingan maiigi ni Javier kung saan nagmula ang mga putok sa itaas ng mga kakahuyan at pagkatapos ay binabar*l na niya ang lokasyon ng sniper."

Minsan ang sniper, dagdag ng Kongresman, ay hindi matamaan at kinailangan niyang mag-utos ng isa pang sundalo na tumakbo bilang pain.

Isang sundalo na takot na nagsabi na mamamatay siya at ayaw niya maging pain. Sa galit ni Julius Javier sinabihan niya ang sundalo na siya (Javier) ang tatakbo at iyong batang sundalo ang babaril sa sniper. Pagkatapos niyang tumakbo at magtago, sumigaw siya sa nasabing militar kung natamaan niya ang shooter mula sa Moro National Liberation Front (MNLF).

"Hindi po Sir!" tugon ng sundalo.

Hiniling ni Javier sa sundalo na tumakbo bilang pain. Nag-alinlangan ang Scout Ranger.

"Sumigaw si Javier 'pag di ka tumakbo, ako ang babar*l sa iyo!” ani Bataoil sa akin.

Walang nagawa ang batang sundalo at sumunod na lang sa utos ng legendary Scout Ranger habang inaasinta niya sa mga puno ang kanyang M-16 Armalite rifle para matimbog ang marksman ng Moro.

(You can contact the Author at totomortz@yahoo.com) 

 


Tuesday, February 3, 2026

Manaoag Mayor Pinuri si Cong. Gina sa Overpass Bridge sa Church

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

MANAOAG, Pangasinan – Ikinagagalak ng alkalde dito ang pagpapaunlak ni Pangasinan 4th District Cong. Gina V. de Venecia na i-lobby ang minimithing overpass bridge na kukunekta sa iconic na simbahan dito at sa bagong palengke na magpapasigla sa huli.

MULTIPLIER-EFFECT. Pangasinan 4th District Cong. Gina V. de Venecia and Manaoag Mayor Jeremy “Ming” Rosario raise a thumbs up at the forefront of the illustrated overpass bridge that connects the Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag and the new two- storey modern public market. The multi-million pesos’ bridge has been requested for the Congresswoman to lobby at the national government for funding. The materialization of the project would perk-up the products from the 44 towns and 4 cities’ Pangasinan being sold at the market as the pilgrims’ town has a continued influx of roughly eight million visitors a year – the biggest in the four provinces’ Region-1. 



Ang paglobby ni Cong. De Venecia ng pondo sa pamahalaang national para sa katuparan ng pangarap ni Mayor Jeremy “Ming” Rosario, MD dito ay hindi lang magpapalakas ng mga negosyo dito kundi maging multiplier effects sa mga produkto at serbisyo ng apatnapu't apat (44) na mga bayan at apat (4) na lungsod sa Pangasinan na makapag display ng mga binebenta nila.

Sunday, February 1, 2026

Reflective Vest Law Thru POVR, Pinalakas!


Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Wala nang rason ang mga opisyal ng trapiko ng Γ‘patnapΓΊt Γ‘pat na bayan at tatlong lungsod sa Pangasinan sa pag-implementa ng Provincial Ordinance No. 325-2024 o Reflective Vest Law dahil naipasa na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang Provincial Ordinance Violation Receipt (POVR).

REINVIGORATE. The Guico Administration through the provincial lawmakers lead by Vice Governor Mark Ronald Lambino (far right) passed recently the Provincial Ordinance Violation Receipt (POVR) to reinvigorate the Reflective Law that was passed last August 1, 2024. 


“That’s why pinasa po natin kanina (Enero 26, 2026) iyang Provincial Ordinance Violation Receipt para centralized na po ang lahat ng ticketing ng mga provincial ordinance violation. So now the PNP can get their Provincial Ordinance Violation Receipt sa Treasury. Sila ang magbibigay (inaudible) for any and all violations,” ani Vice Governor Mark Ronald Lambino ng makapanayam siya ng writer na ito sa kanyang tanggapan dito sa Capitol.

Saturday, January 31, 2026

Tamang Engg. Analysis, Protection Design sa Baywalk, Hiniling

 Ni Mortz C. Ortigoza

BINMALEY, Pangasinan – Kailangan ang tamang engineering analysis at protection design sa mga seawall dito na nagpprotekta sa ilang mga barangay para maiwasan ang mga pagkakasira nila.

               SHODDY. A livid Binmaley Mayor Pete Merrera  (right) inspects the shoddy if not jerry built flood control project at the Baywalk in his town constructed by the Department of Public Works and Highway (DPWH). He cited to reporters how small are the pipes that egresses the sea water after a strong typhoon lashed the place where flood and sand piled up at the road there thus hampering the motorists. Some parts of the  concrete Baywalk were crashed by damaging storm of Super Typhoon Uwan when it scourged the area last December.

Ani Mayor Pete Merrera dito na kailangan pag-aralan ng Department of Public Works & Highway (DPWH) ang wave length, period, direction, storm surge, local current pattern kasama na ang undercurrents.

Thursday, January 29, 2026

Zero Waste Month 2026 Pinagdiwang sa Basista

Ni Mortz C. Ortigoza

BASISTA, Pangasinan -- Ang lokal na pamahalaan dito sa pamumuno nn Mayor Jolly "JR" Resuello ay nakiisa sa pagdiriwang ng Zero Waste Month 2026 na may temang: RA 9003 @25: Honoring Our Past, Renewing Commitments, Innovating for a Cleaner Tomorrow.

ECOLOGICAL CELEBRATION. Basista Mayor JR Resuello (left) touches a product from the waste diversion initiatives being sold during the Zero Waste Month Celebration 2026 at the municipal gym in the rustic town.


RA 9003 o Republic Act No. 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay batas na nagbibigay ng legal na balangkas para sa sistematiko, komprehensibo, at ekolohikal na programa sa pamamahala ng solid waste sa Pilipinas. Ipinag-uutos nito ang pagbabawas ng basura, pagbubukod-bukod sa pinagmulan (segregation at source), pag-recycle, at pagkompos, habang binibigyang-diin ang pakikilahok ng komunidad at wastong pagtatapon sa pamamagitan ng mga Materials Recovery Facilities (MRF).

Ang Zero Waste ay isang adbokasiya kung saan ito ay naglalayon na mabawasan ang generation na mga basura sa pamamagitan ng mga simpleng paraan tulad ng paggamit ng reusables sa halip ng mga disposables, tama at matalinong pagkunsumo ng mga resources upang maiwasan ang produksoyon ng basura, recycling/ upcycling, composting at iba pa.

Wednesday, January 28, 2026

8 Bayan Pasok na sa P500-M Reqmt. sa Cityhood

Bayambang, Sual Pwede na this Year

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Walong mga bayan sa Pangasinan ay may mahigit P500 million annual appropriation budget na isa sa dalawang requirements ng cityhood.
PANGASINAN Mayors who are ecstatic on these Dola A.I generated images upon reaching one of the two requirements for cityhood. Box 1: Top left photo and clockwise: Sual Mayor Dong Calugay, Malasiqui Mayor Alfie Soriano, Binalonan Mayor RG Guico, Calasiao Mayor Pat Caramat, and Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno




Ayon sa Order of Business kamakailan lang ng Sangguniang Panglalawigan dito para sa pagsusuri nila, sila ay Bayambang (P637, 691, 050), Malasiqui (P609, 290, 748), Mangaldan (P539, 035, 506), Lingayen (P531, 290, 646), Calasiao (P517, 181, 838), Sta. Barbara (P510, 000, 000), Binalonan (P927 million)*, at Sual (P505, 000, 000).  

Thursday, January 22, 2026

Will the Impeachment Bid Vs. BBM Prosper?

 

By Mortz C. Ortigoza

Will the Remullas become more powerful and will control some congressional district and other political posts in the vote rich Cavite in the 2028 electoral derby after the patriarch of the Revillas former Senator Bong has been sent to the hoosegow and will rot again there in a nonbailable thieving crime?


As of 2025, the Remulla and Revilla families hold key political positions in Cavite Province:

‎ Mangaldan Gagamitin ang Unspent QRF sa Infras

 

MANGALDAN, Pangasinan – ‎Aprubado na ng Municipal Development Council (MDC) ng local government dito ang paggamit ng mga hindi nagastos na pondo mula sa 30 porsiyentong Quick Response Fund (QRF) ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Fund para sa mga taong 2020 hanggang 2025, kasunod ng isinagawang pagpulong kamakailan lang na pinangunahan ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno.


‎Ayon sa napagkasunduan ng MDC,  ang malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa konstruksyon ng tulay sa Barangay Macayug -- isang lugar na madalas maapektuhan ng pagbaha.

Tuesday, January 20, 2026

Marker sa Medal of Valor Awardee na Nag-utos: Fire on My Position

Ni Mortz C. Ortigoza

URBIZTONDO, Pangasinan – Maisasakatuparan na ang pagpapatayo ng isang marker dito ng isa sa maalamat na sundalo sa Pilipinas na tumanggap ng pinakamataas na parangal na Medal of Valor.


PINANGUNUHAN na buong tapang ni Army 2Lt. Jose E. Bandong, Jr. (itaas na larawan) ang mga tauhan niya sa bakbakan laban sa higit na mataas na bilang ng mga puwersa ng 
 Chadli Molintas Command sa boundary ng Sagada at Bontoc sa Mt. Province. Si Mayor Moding Operana (gitna, ibabang kanang larawan) habang nakipagdiyalogo sa mga kasapi ng militar para sa marker na ilalagay sa bayan para sa Medal of Valor Awardee na si Bandong. Ang batang at magiting na si Bandong habang suot ang Class-B Uniform ng Philippines Army.


Si Second Lieutenant Jose E. Bandong, Jr. ay nabigyan ng nasabing medalya matapos isakripisyo ang buhay para masagip ang mga tauhan na tumatakas sa humahabol na malaking bilang ng Kumunistang gerilyang New People’s Army (NPA) sa boundary ng mga bayan ng Sagada at Bontoc, Mountain Province noong Abril 10, 1992.