Saturday, February 21, 2026

Proyektong Wakasan ang Pagbabaha sa Calasiao Ikinasa ng Guico Admin

 MATAPOS ITONG MAPABAYAAN NG MGA NAGDAANG NAMUMUNO SA LALAWIGAN

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

CALASIAO, Pangasinan – Matapos ang mahabang panahon na hindi nabigyan ng pansin ng mga nakaraang gobernador ng Pangasinan ang makapal na siltation na naging sanhi sa pagbaha sa bayan na ito at sa karatig lungsod ng Dagupan, inaksyonan na ng kasalukuyang namumuno sa Kapitolyo kung paano wakasan ito.

VISIONARIES. Heavy equipment clean and dredge the Parongking River while Pangasinan Governor Monmon Guico (left) and Calasiao Mayor Patrick Caramat supervise (Gemini)


“Napakaganda po ng proyektong ito. Tinanong ko sila Mayor Patrick at si Vice (Mayor) Kevin: Meron bang pumansin noon noon pa ng ganito? I’m sure that all administration ng LGU-Calasiao gusto talagang linisin ang ilog but of course napakamahal po,” ani Pangasinan Governor Ramon V. Guico III noong bisitahin niya ang Parongking River dito noong Pebrero 13 habang naglilinis ng mga nakalutang na water lilies at nagtatanggal ng mga makakapal at maiitim na mga putik sa riverbed ang mga malalaking heavy equipment.

Ito’y bahagi ng River Rehabilitation and Flood Mitigation Project ng provincial government sa buong lalawigan. Kasama sa kaganapang ito ng gobernador si Mayor Patrick Caramat at mga opisyal  mayamang bayan na ito.


Paliwanag ni Guico na pag nagawa itong kapuri-puring proyekto ay ipapatupad din ito sa ibang mga bayan at lungsod sa Pangasinan.

“Pagnagawa natin ito maging successful tayo ireplicate natin ito sa iba ulit na LGU”.

Dahil sa inisyatiba ng lalawigan hindi na mararanasan ng mga mamayan dito ang mga pagbaha na naranasan nila mula pa noong unang kapanahunan, dagdag pa ng gobernador.


MAYOR PATRICK SA ULAN, BAHA

Ani Mayor Caramat na wala pa ang mga parating na pag ulan at pagbaha nakikita na ng gobernador na mahihirapan ang mga taga Calasiao pag hindi masolusyunan ang prublema dito.

“Itong Parongking River Restoration na ito po ay hindi po magagawa ng local na pamahalaan ng Bayan ng Calasiao kung walang suporta po ang provincial government of Pangasinan headed by our governor Ramon “Monmon” Guico III,” aniya sa gitna ng mga malalakas na palakpakan ng mga tao na dumalo sa kaganapan.


Ang may 24 na mga barangay na landlocked bayan na ito sa central Pangasinan ay kilalang mabilis bahain at madalas magdeklara ng State of Calamity tuwing binabayo ito ng mga masamang panahon.

 Noong Hulyo 2025, maraming mga barangay ang nalubog sa baha, kung saan umabot sa anim na talampakan ang tubig sa mga lugar tulad ng Poblacion West at Barangay Longos.

 Ang matinding siltation o pagbabaw ng mga ilog, kabilang ang Sinucalan-Dagupan River System, ang itinuturong dahilan kung bakit matagal humupa ang baha sa bayan.

Ang nasabing River System ay nagmumula sa kabundukan ng Benguet Province at bumabagtas ng halos 80 kilometro papunta dito at sa katabing Dagupan City, kaya ang taas ng tubig sa upstream ay may malaking epekto sa sitwasyon ng baha sa downstream na mga lugar.


Ang Sinocalan-Dagupan River System ay pangunahing nakakaapekto sa siyam na bayan at lungsod sa higanteng lalawigan ng Pangasinan, kabilang ang Sison, San Manuel, Binalonan, Laoac, Urdaneta City, Santa Barbara, Calasiao, Dagupan City, at Mangaldan. Ang pag-apaw nito tuwing malakas ang ulan ay nagdudulot ng baha, partikular sa mga mabababang lugar (low-lying areas) na malapit sa ilog.

“Pag totally na malinis na iyong ilog gaganda na po iyong agos ng tubig. Saka magiging masaya na po ang Sitio Balane. Sa amin pong gobernador Monmon Guico III maraming maraming salamat po sa pagpapalinis po ng Parongking River,” ani Ronalyn Butardo na residente ng Sitio Balane sa Barangay Ambonao dito.

No comments:

Post a Comment