Ni Mortz C. Ortigoza
Pinabulaanan ng gobernador ng Bulacan na bukol ang meron sa noo niya kung hindi ito ay lymphoma matapos na maiulat siya ng isang blogger na malapit sa Malacanang na binugbog siya ng Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos i-harass ng mga tao niya ang presidential son.
BUKOL? Bulacan Governor Daniel Fernando rubs smoothly the lymphoma and not a “bukol (lump)” at his forehead he told his constituents during a flag ceremony held at the provincial Capitol in the central Luzon province. Photo is DOLA A.I generated.
“Ito po kasi lymphoma. Paano ba operahan ito?” tanong ni Fernando sa kanyang mga constituents habang hinahaplos ang bukol sa kanyang noo noong flag ceremony noong Lunes sa Kapitolyo.
Biro pa niya, “Sabi ko na lang third eye, X-ray machine."
Wala pa ring
nakuhang malinaw na sagot sa gobernador sa tunay na pangyayari sa kabila ng
pagbasag niya ng kanyang katahimikan matapos maisulat ni Ramon Tulfo na
sinuntok siya ng dalawang beses at sinakal ni Secretary Jonvic
Remulla sa tanggapan ng huli. Ito ay matapos ireklamo siya at mga tauhan niyang tinakot si Vinni
Marcos – anak ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. -- matapos ma-overtake ni
Vinni ng kanyang Toyotal Land Cruiser ang convoy ng gobernador sa kahabaan ng
Northern Luzon Express Way (NLEX) Pebrero 21 ng gabi.
Ayon kay Fernando, sapat
na ang pahayag ng Malacañang at ng Land Transportation Office kung saan nakuha
ng huli ang mga litrato ng mga plaka ng sasakyan na pagaari ang karamihan ng provincial
government of Bulacan.
Nanawagan si
Fernando sa mga bumabatikos sa kanya sa social media na maging mahinahon at maging
responsable matapos na mapabalita na tinakot ng mga tauhan niya si Marcos at
binugbog siya ni Remulla sa tanggapan ng huli sa Camp Crame sa Quezon City.
“Sa puntong ito, higit sa anupaman na
negatibong balita na nagkalat sa social media, ang mas mahalaga sa akin ay ang
inyong pagtitiwala at pagkilala sa aking pagkatao,” aniya sa mga kawani ng pamahalaan
panlalawigan.
Nagpapasalamat din
siya sa pag-unawa at pagmamahal sa kanya ng mga Bulakenyo:
"Salamat po at binigyan ninyo ng
pagpapahalaga ang mahabang panahon ng aking tahimik na paglilingkod (magmula noong June 2019 - Author), lalo na po
sa mga kapus-palad."
Inamin ni Fernando na hindi siya perpekto, pero nagsisikap daw siyang huwag magmalabis sa kapwa. “Hindi man po perpekto si Daniel Fernando, si Daniel Fernando po ay hindi perpekto, pero pinagsisikapan ko pong huwag magmalabis sa ating mga kababayan at kapwa-Pilipino. Para naman po sa ibang hindi nakakakilala sa akin at hindi pa nakikipag-ugnayan sa inyong abang lingkod, sana ay magkaroon ng pagkakataon na tayo ay lubusang magkakilala para sa lalong ikabubuti ng paglilingkod sa ating mga kababayan, lalo po ngayong naggigiyera sa Middle East," dagdag pa ng dating aktor ng “bombang” pelikulang Scorpio Nights.
Sa excerpt ng blog
ni Tulfo aniya: “Hinarang ng convoy ang
SUV ni Vinni. Bumaba ang ilang kalalakihan na bitbit ang kanilang mga baril. Tumawag
si Vinni ng kanyang kaibigan. Pinayuhan siya ng tinawag na huwag lumabas ng
kotse. Sinabi kay Vinni ng kanyang friend na kunin ang mga plaka ng mga kotseng
nangharang sa kanya.Kinuha ng mga bodyguards ni Fernando ang lisensiya ni
Vinni. Nagpulasan sila ng makita ang pangalan sa lisensiya. Ni-relay ni Vinni
ang mga plaka ng mga kotse sa Land Transportation Office. Doon nalaman na ang
convoy ay kay Fernando. Pinatawag si Fernando ni DILG Secretary Jonvic Remulla
sa Camp Crame. May office kasi ang DILG secretary sa loob ng Camp Crame. Sinuntok
ni Remulla si Fernando sa mukha. Bagsak! Sinuntok uli. Bagsak uli. Pagbangon
uli ni Fernando, sinakal siya ni Remulla. Lumabas ang dila ng gobernador sa
sakal. Inawat si Remulla ng kanyang mga bodyguards na pulis. O, ayan, ang buong
drama, ayon sa aking tweety bird”.
No comments:
Post a Comment