Thursday, February 26, 2026

Manaoag Mayor Nasubukan Maging Anak ng Guv’nor

 

Ni Mortz C. Ortigoza

MANAOAG, Pangasinan – Nasubukan ng kasalukuyang alklade dito na tumira sa Urduja Palace o Urduja House sa Capitol sa Lingayen noong naging gobernador ng Pangasinan ang ama.

GOVERNOR’S MANSION. A little boy plays in this artificial intelligence generated illustration near the faΓ§ade of the swanky Urduja Palace at the Capitol in Lingayen, Pangasinan. Urduja House is the official residence of the governor of Pangasinan.


“Nasubukan kong tumira at matulog doon sa Urduja House pero di pa gaano kaganda noon. History na rin dahil kaming mga Rosario children kasi our late father Board Member (BM) at naging acting governor lahat po kaming (tatlong) magkapatid naging board member,” ani Mayor Agerico Jeremy “Ming” Rosario sa writer na ito noong bumisita ang huli sa kanyang tanggapan.

Mga huling dekada ng 1970’s o unang dekada ng 1980’s noong mailuklok si lawyer at Senior Board Member Agerico Rosario dahil sa vehicular accident na nangyari kay Governor Aguedo Agbayani na naging dahilan sa pagkabali ng kanyang paa.

“Naaksidente si matandang Agbayani mabuti na lang Mercedes Benz ang sasakyan niya along the way nagbabiyahi sila pero nabali ang kanilang paa saka may fracture sila. So it necessitates rest of course mag file ng sick leave. Umabot mahigit sa isang taon,” ani Mayor Ming na noong acting governor ang kanyang ama may ferry pa na malapit sa dagat ng Urduja Palace na nagbibiyahi papunta at pabalik sa Hundred Islands sa Alaminos City.

Aniya walang bise gobernador noong panahong na hinirang ang ama niya bilang pinakamataas na elective na opisyal sa tatlong lungsod at apat na pu't apat na bayan na probinsya.

“Ang aking ama ay isang Board Member. Noong panahon na iyan tatlo ang Board Member sa buong Pangasinan – Bince, Padua, and Rosario my Dad. Minsan nga daw nagsesesyun sila sa restaurant na lang dahil tatlo lang naman sila. But they were elected province wide. Nasubukan ko po magkampanya ako sa buong probinsya -- anlaki ng Pangasinan!”.

Kinikilalang mga mahusay na mambabatas sa lalawigan ang tatlong mga anak ni Agerico na sina Attorney John-John, dating BM at Mayor at Medical Doctor Ming, at ang kasalukuyang BM na si Medical Doctor Jerry.

“Our family is a political family in Pangasinan,” dagdag ni Mayor Ming.

Ang ama ni Mayor Ming ay naging alkalde rin dito noong kapanahunan niya.

No comments:

Post a Comment