Ni Mortz C. Ortigoza
CALASIAO, Pangasinan -- Isang makasaysayang araw para sa maunlad na bayan dito ang ginanap na Binyagang Bayan 2026 kung saan 35 na residente dito ang sabay-sabay na tinanggap ang sakramento ng binyag.
“Ang okasyong ito ay naging simbolo ng pag-asa at pananampalataya na walang pinipiling edad—mula sa mga sanggol hanggang sa ating 78-anyos nating kababayan mula sa Brgy. Macabito,” ani Mayor Patrick A. Caramat sa kanyang Facebook Page.
Ang proyektong ito ng Lokal na Pamahalaan dito ay isinagawa upang direktang matulungan ang mga taga Calasiao sa gastusin ng pagpapabinyag. Higit pa sa seremonya, layunin din ng Caramat Administration na matulungan ang bawat isa sa pagkuha ng kanilang Birth Certificate. Ang Baptismal Certificate ay isa sa mga pangunahing requirement sa pagproseso ng late registration of birth.
Ang binyag na naganap ay magsisilbing
susi para opisyal na makilala na sila ay mamayan dito.
“Munting paalala natin sa lahat na ang pagmamahal sa Diyos at ang pagpapanatili ng ating mga tradisyon - gaya ng pagmamano at paggalang sa nakatatanda, ang tunay na pundasyon ng isang matatag na komunidad,” paalaala ng batang alklade sa kanyang nasasakupan.
Bilang inyong mga "pangalawang
magulang," kaisa ang local na pamahalaan sa paggabay sa mga espirituwal at
legal na paglalakbay ng mga bagong binyag, ani pa ni Mayor Caramat.
(With
reports from the Facebook Page of Mayor Patrick A. Caramat)
No comments:
Post a Comment