Ni ZJ Ortigoza
Kasama sa mga natulungan ng mag-asawang De Venecia sina Flor Contemplacion at Sarah Balabagan—dalawang pangalang naging sagisag ng pakikibaka ng mga OFWs laban sa panganib at kawalan ng katarungan.
Si Flor, na binitay sa Singapore noong 1995, ay iniwan ang kanyang mga anak na walang ina. Ngunit sa pagmamalasakit ng mag-asawang De Venecia, nagkaroon ang mga ito ng mga bagong magulang—pinaaral sila, binigyan ng magandang trabaho, at itinuring na tunay na pamilya.
“Alam mo, Manay, sa lahat ng nangako na tutulungan kami, kayo lang po ni Kuya Joe ang tumupad. Kaya para sa amin, ang De Venecia hindi nangangako kung hindi kayang gawin—kundi tinutupad talaga,” ani Russel Contemplacion, anak ni Flor, na ngayo’y may maayos nang trabaho sa Kongreso.
Si Sarah
Balabagan naman, na naging kontrobersyal noong 1994 matapos ipagtanggol ang
sarili laban sa pang-aabuso sa UAE, ay personal pang sinundo ni Manay Gina sa
paliparan bilang pangulo noon ng Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI).
Siya rin ang nagtatag ng Haven for Women—isang ligtas na kanlungan para sa mga
babaeng biktima ng pang-aabuso.Representative Gina de Venecia of Pangasinan’s
4th District with Jean Peralta of San Fabian, Pangasinan, an Overseas Filipino
Worker (OFW) beneficiary who returned home.
Sa pulong kasama ang mga OFW beneficiaries, naging parang talk show ang programa—dahil bilang award-winning TV at radio host, marunong si Manay Gina makinig, magpatawa, at sabay ding magpalalim ng usapan. Dito napabilib si Regional Director Rey O. Sison ng Department of Migrant Workers – Regional Office I, na nagsabing gagayahin niya ang istilo ng Kongresista sa kanilang mga programa.
Ibinahagi ni Jean Peralta, 32, ng San Fabian, Pangasinan, ang kanyang karanasan sa Hong Kong kung saan siya’y tinitipid sa pagkain at hindi binibigyan ng allowance ng kanyang amo. Sa kabila ng hirap, hindi siya sumuko para sa pamilya. “Sa lahat ng OFWs na matatapang, saludo ako sa inyo. Kahit anong hirap ng buhay, kinakaya natin para sa pamilya,” ani Jean.
Si Mylin Nabua naman, 54, mula sa Dagupan City, na nagtrabaho bilang domestic helper sa Kuwait, ay nagkuwento ng matinding gutom at puyat—na ang tira-tira lamang ng amo ang kanyang nakukuhang pagkain. “Tiis po para sa pamilya. Gusto mong mabuhay? Kakainin mo kahit tira,” aniya.
Sa gitna ng
kanilang salaysay, buong lambing at katiyakan ang tugon ni Manay Gina:
“Hayaan niyo, gaganda rin ang buhay niyo. Hindi kayo nag-iisa. Andito kami—ang pamilyang De Venecia, kasama ang Department of Migrant Workers—para tulungan kayong bumangon.”
Hindi lamang para sa migrant workers ipinakita ni Manay Gina ang kanyang malasakit. Itinatag din niya ang Haven for Women, Haven for Children, at Haven for the Elderly—mga tahanan para sa kababaihang inabuso, kabataang inabandona, at matatandang iniwan ng pamilya.
Sa
pagtatapos ng programa, iniwan ni Manay Gina ang mga salita ng pag-asa na
nagpaluha sa marami: “There is life after darkness. Huwag kayong mawawalan
ng pag-asa. Habang may buhay, may pag-asa—because the sun will always come.”\
At sa mga salitang iyon, muling pinatunayan ni
Manay Gina na sa bawat dilim na dinaraanan ng ating mga OFWs, lagi’t laging may
liwanag na nakaabang—at isa siya sa mga unang magsisindi.
No comments:
Post a Comment