Thursday, October 9, 2025

Ang Pakipagbuno ni Mayor sa mga Kalamidad

Ni Mortz C. Ortigoza

Noong dumaan ang Bagyong Nando na kung saan ang kanyang hanging habagat ay may dalang napakalakas na ulan, muling hinagupit ng baha ang landlocked low-lying na bayan ng Calasiao sa Pangasinan dahil sa mga kadahilanang ito:

YEOMAN'S JOB Calasiao's workaholic mayor Patrick A. Caramat (center) in a yeoman's job helping the staff of the municipal government to distribute boxes of foods to their constituents' scourge by the recent Typhoon Nando.

Daanan siya ng tubig ulan galing sa kabundukan ng Cordillera Region, San Manuel, Binalonan, Urdaneta City, at Sta. Barbara sa pamamagitan ng Marusay at Sinucalan River na papasok sa bahaing lungsod ng Dagupan at sa kanyang pangwakas na destinasyon sa Lingayen Gulf; Magmula noong 1980’s o apatnapung taon na ngayong ang Marusay at Sinucalan Rivers ay hindi pa na draga para matanggal ang mga banlik (silt), mga tinapong basura gaya ng mga lumang mga kagamitan kaya kahit kaunting pag-ulan lang ito’y ay napupuno kaagad.

“Iyang dredging number one solution po iyan. Nakita po natin very silted po ang ating ilog dahil number one diyan the last dredging was as per date 1980’s pa po sila nagdraga pa po dito sa bayan ng Calasiao. Very silted na po ang ating mga ilog kaya nakikita po natin mabagal po ang pagbaba po ng tubig sa ating mga ilog,” ani ng batang Mayor Patrick A. Caramat na sa kanyang 90 araw pa lang sa pagiging  punong tagapagpaganap ng 24 barangay na first class town siya ay nakipagbuno na sa pagsalanta ng tropical typhoons Crising, Dante at Emong sa kanyang mga nasasakupan.


Pati ang alkalde ng Dagupan City ay napahanga sa batang Mayor ng karatig bayan noong sabihin ni Caramat sa Ambag Natin: Exchange for Change Pangasinan ng Rappler na ang gabion walls (gawa sa mga inalambreng bato at mga basag na konkreto) ay hindi pang long-term, engineering-sound solution sa riverbank protection dahil ito ay guguho dahil sa scouring at water pressure.

“Instead, we should pursue more durable structural interventions. These must also be combined with dredging, desilting, and sustainable river management to ensure lasting protection,” paliwanag ni Fernandez.

Ani Caramat walang master plan para sa mga kanal na paagusan ang bayan. “Napakatagal magsubside ang baha sa Calasiao”.

Lumala pa ang baha sa bayan noong dumaan si Nando huling linggo noong isang buwan ng masira ang isang parte ng dike sa Barangay Vicente.

May nasirang dike doon sa Barangay Vicente reason tumaas ang baha sa dalawang barangay and also nakakaapekto sa ating kapitbahay (Dagupan)”.


Kaya masayang tinanggap ng batang alkalde ang balita na sa pamumuno ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III ay magkakaroon ng flood summit sa pamamagitan ng River Restoration Project ang mga bayan at lungsod na apektado ng pagbaha ng mga ilog.

Noong Oktubre 9, 2025 nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ng batas na “An Ordinance Creating the Provincial Flood Mitigation and Management Office (PFMMO) of the Province of Pangasinan, Providing Budgetary Requirements Thereof and Adopting Policies to Govern its Organization Functions, Structure, and Staffing Pattern.

Di mapigilan ni Backy Robasta ang paghanga sa batang alkalde.

Dalawang araw dumating ang Bagyong Nando nagpatawag na siya ng meeting sa kanyang department heads at sa MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office) at pinaghandaan niya na talaga ang bagyo at iyong MSWD (Municipal Social Welfare and Development Office) nakaprepare na rin para sa pinaka affected para sa ganoon di siya mahihirapan”.

Dagdag ni Robasta na habang iyong mga bayan na nilalatigo na ni Nando ay hindi pa kumikilos, nakapagbahagi na ng relief si Caramat sa mga nasasakupan niyang nasalanta.

“Si Mayor Patrick talagang hindi tumitigil kahit pagod na gabi na kami matatapos sa relief operations andoon siya hands on talaga siya. Siya ang nagbabagsak ng relief siya ang nagbubuhat hindi siya marunong magpahinga iyan ang kagandahan sa kanya”.

Talagang Whirling Dervish o super sipag talaga itong si Mayor Patrick Caramat.

Happy 100 Days in office Hizzoner!

 

No comments:

Post a Comment