Thursday, July 18, 2024

Beteranong Mayor ng mga Espino Lumundag kay Guico

 ·  Zaplan Supurtado si Gen. Caramat Kontra kay Cong. Arenas

·  Pinabulaanan ang Blog Tungkol Kay Maan Guico vs. Mayor Parayno

Ni Mortz C. Ortigoza

STA. BARBARA, Pangasinan – Isang mabigat na ka-alyansa ni former Pangasinan Governor Amado Espino, Jr. ang lumundag kamakailan patungo sa political party ni Governor Ramon Guico III.

TOP GUNS. Nationalista Party newly minted card carrying member Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan (Top left photo), (clockwise) Pangasinan Governor Ramon V. Guico III (N.P), Police Major Gen. Romeo Caramat, and Pangasinan First Lady Maan Tuazon-Guico.

Tinanong ako last week ni Governor Monmon Guico na nag-usap ata sila ni Mayor (Cezar) Quiambao ako ang pipiliin sa Sta. Barbara. Kaya nagpapasalamat ako kay Mayor Quiambao noong kinausap niya si governor automatic naman na tinawagan ako,” ani Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplan sa pagpunta niya sa stronghold ng mga Guico sa Binalonan, Pangasinan.

Si Zaplan, Vice Mayor Roger Navarro, karamihan ng miyembro ng Sangguniang Bayan (lawmaking body) at mga matataas na opisyales ng first class landlocked town ng central Pangasinan ay buong puso na tinanggap ni Guico, ama niyang si 5th District Rep. Ramon Guico, Jr. at Binalonan Mayor Ramon Ronald Guico IV sa opisina ng huli. Andoon din sila 3rd District Board Member Sheila Marie Baniqued at kanyang mister na si dating BM Atty. Angel Baniqued, Jr. para saksihan ang pagtagpo ng dalawang grupo.

Si Zaplan at si Congressman Guico ay matalik na magkaibigan na nagsimula noong alkalde pa ng Binalonan ang huli. Si Zaplan ay dalawampung taon na mayor ng 29 barangays dito.

Noong pinapili ng mga Guico kung sasanib si Zaplan sa Lakas CMD na pinamumunuan sa Pangasinan ni Congressman at sa Nationalista na nasa ilalim ni Governor pinili ng alkalde ang Nationalista Party.

 Pangasinan 5th District Rep. Monching Guico (extreme left) and Pangasinan Governor Monmon Guico (extreme right)  raise the hands of Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan as the new ally of the political family. The meeting takes  place at the Office of the Mayor in Binalonan - the stronghold of the Guicos.


N.P na lang para isa na lang kami ni governor,” sambit niya.


Dagdag pa ni Zaplan na supurtado niya si dating Criminal Investigation Detection Group’s chief at Police Major General Romeo Caramat oras na sumabak siya para congressional election laban kay reelective 3rd District Rep. Ma. Rachel Arenas.

“One time tinawagan niya ako ni General Caramat ang aga-aga. “Mayor ano ang plano ninyo lalaban ka bang congressman?” “Hindi General”. “Kasi kung lalaban kang congressman di ako lalaban,” salaysay niya sa writer na ito noong makapanayam siya sa opisina niya noong Miyerkules.

Kamakailan lumabas sa ibang online news outlet na ibinunyag ni Zaplan si Department of Public Works and Highway Region-1 Director Ronnel Tan na  binawasan ng 20 percent o P10 millon ang P50 million na project niya sa Agno River Basin Flood Control Project - Construction of Flood Control Structure sa Barangay Erfe dito na ibinigay sa kanya ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.

“Lagay daw. Porsiyento daw ‘yon. Pinapabawas niya ‘yong 20 percent para kay Congresswoman daw," ani Zaplan.

Plano ng Alkalde na idemanda si Tan.

Samantala, pinabulaanan ni Zaplan sa Northern Watch Newspaper na sinabi niya kay writer at blogger Renato “Atong” Remogat na matatalo si Maan Tuazon-Guico pag nilabanan niya si reelectionist Urdaneta City Mayor Julio ”Rammy” Parayno III sa Mayo 12, 2025 election.

Aniya ang totoong sinabi niya kay Remogat –na nag interbyu na walang gamit na voice recorder o video – ay hindi pa malaman kung sino ang siguradong mananalo sa mayoralty election sa Urdaneta dahil puro maraming mga pera ang dalawang tumatakbo at malayo pa ang halalan.

Ang nasabing blog na lumabas sa Facebook ay kung saan si Remogat ay bumisita sa opisina ni Zaplan na may mga kasamang mga residente ng Villa Sta. Barbara para isangguni ang mga problema nila kay Mayor.

Kwentuhan lang ang nangayari na umabot sa huntahan sa mainit na pulitika sa katabing siyudad ng Urdaneta City. Kinabukasan ikinagulantang na lamang ni Zaplan na siya na ang pinaguusapan sa social media dahil sa mga binanggit niya.

No comments:

Post a Comment