Wednesday, July 10, 2024

Mangaldan Tumanggap ng P637-M Infras

 Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Ang bayan na ito ay nakatanggap ng P637 million galing sa national government para sa mga imprastraktura na ilalagak para sa pangkalahatang kapakanan ng mga mamayan dito.

MANGALDAN Mayor Bona Fe D. Parayno (top left photo) exhorts village chiefs about the P600 million farm-to market roads allocated by the Department of Public Works & Highway to some barangays in the first class town. Parayno advice them to consult too the staff of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRMO) incase of looming disaster in their turf.


Ani Mayor Bona Fe D. Parayno, ang P600 million ay para sa construction ng farm-to-market roads na gagawin sa iba’t ibang barangays dito.

Sa kanyang pakipagpulong sa mga barangay chairmen pinaliwanag ng alkalde ang mga proyekto na galing sa Department of Public Works and Highway ay para sa pagiging produktibo at daanan patungong merkado ng mga magsasaka dito.

Sinabi rin ni Parayno na ang P37 million na water pumping station ay para mapagaan ang mga pagbaha sa low-lying barangay sa Bateng, Tebag, at Anolid.

Pinaaalahanan pa ni mayora ang mga magsasaka na gamitin ang pondo nila sa disaster preparedeness kung sakaling may dumating na malakas na lindol.

Hango sa kaalaman na natutunan noong 2024 Handog Pilipinas na ni organisa ng Department of Science and Technology (DOST) – Regional, binigyan diin ni Parayno ang pag talaga ng evacuation areas at ang pag-likha ng mga kailangan na gamit panlaban sa sakuna at ang pagpapatayo ng extension office ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRMO) sa mga liblib na lugar.

Hinikayat din ni Mayor Parayno ang mga punong barangay na kunsultahin ang MDRRMO kung paano ang paghahanda ng mga emergency kits para sa mga kabahayan. (Ni Mortz C. Ortigoza and Mangaldan PIO)

 

No comments:

Post a Comment