Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan – “Long Live!” sambit na pagbati ng babaeng alkalde dito sa isa sa pinakamayamang bayan ng Pangasinan sa 110th Founding Anniversary sa Hulyo 27 ng simbahang Kristiyanong Iglesia ni Cristo (INC).
110TH ANNIV. Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno hails the powerful Iglesia Ni Cristo (INC) on its 110th Anniversary on July 27 this year. |
“Binabati ko po ang mga
kapatirang Iglesia for their 110th Anniversary. At of course, Long
Live! Good luck and sana continue pa ang pagbubunyi sa inyong taga Iglesia ni
Cristo,” ani Mangaldan Mayor
Bona Fe. D. Parayno sa Northern Watch Newspaper.
Ang INC ay ni register ng kanyang founder na si Felix Y. Manalo sa Bureau
of Commerce sa Manila noong Hulyo 27, 1914.
Noong namayapa si Manalo siya ay pinalitan bilang Punong Ministro ng anak
niyang si Eraño G. Manalo na naging susi sa pagpalaki ng simbahan dito at sa
ibang bansa. Noong siya ay namatay noong Agosto 31, 2009, humalili ang kanyang
anak na si Eduardo V. Manalo. Noong 2020 inireport ng Philippines’ census na
merong 2.8 million na tagasunod ang INC na naging dahilan para siya ay maging
ikatatlo na pinakamalaking simbahan sa likod ng Islam at Roman Catholic sa
Pilipinas.
Noong 2022 ang Iglesia ay merong 8,500 na mga simbahan sa Pilipinas at sa
ibang bansa.
Noong Hulyo 21, 2014 kasama si Pangulong Benigno Aquino III, ang inagurasyon ng 140-hectare tourism zone na Ciudad de Victoria pinasinayaan nila ni Executive Minister Manalo sa Bocaue at Santa Maria sa Bulacan kung saan nakatayo
ang Philippines Arena. Ang Arena ay may 55, 000-seat multi-purpose structure na
pagaari ng INC.
Ang Iglesia ay humawak ng “Guinness World Record for the Largest Mixed-Used Indoor Theater”.
No comments:
Post a Comment