Ni Mortz C. Ortigoza
MANAOAG, Pangasinan – Nagla-lobby ang alklade dito sa mga senador para
makakuha ng mga proyekto sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.
“At first dapat medyo puntahan mo sila talaga. The Senate is Monday, Tuesday, Wednesday ang sesyon nila,” ani Mayor Jeremy Agerico Rosario sa Northern Watch Newspaper.
MANAOAG MAYOR Jeremy Agerico Rosario (left of top photo) poses
with Senator Bong Go. Other photos clockwise: Senator Lito Lapid (left) and Mayor
Rosario; Senator Rosario (left) and Senator Imee Marcos. |
Kahit na may bentahe ang pangalang Manaoag kung saan nakatayo ang sikat
na simbahang Katoliko na The Minor Basilica
of Our Lady of the Rosary of Manoaag sa mga mambabatas kailangan personal pa rin na
humingi ng tulong sa mga kaibigan na mga senador, kanilang mga chiefs of staff,
at mga konektado sa kanila.
“Sila ang mga bida doon sa
kanilang opisina mga magkakilala rin iyan through common friends,” aniya sa mga tauhan at mga kaibigan ng mga
senador.
Dagdag pa niya sa pagla-lobby kailangan na magbabad ang mga alkalde sa mga opisina
ng mga mambabatas sa Pasay City para makakalap ng pondo para sa mga bayan nila.
Kahit suntok sa buwan na makakuha ng proyekto sa pamamagitan ng personal na pagsusumamo,
nakakakuha pa rin si Rosario ng mga tens of millions of pesos na pondo sa
national government. Tinuro niya sina Senators Imee R. Marcos at Risa Hontiveros
na nagbigay na ng tulong sa local government dito.
Sa pamamagitan ni Senator Marcos
nakakuha si Rosario ng P17 million proyekto sa national government para sa
isang barangay lang dito. Si Hontiveros naman ang nakatulong sa pagkuha ng
pondo para sa tourist rest area dito. Aniya itong proyekto ay collaboration
niya kay Pangasinan 4th District Cong. Christopher de Venecia.
“Meron sila ni commit. Si Senator Bong Go merong ni commit (at) si Senator
Jinggoy (Estrada),” paliwanag niya sa mga Senador na tumulong.
Isang kalamangan pag personal na pumapasyal ang isang pulitiko sa mga
senador ay may makukuha siya gaya ng P2.8 million na ambulance para sa
landlocked na bayan dito sa central Pangasinan.
“Binaba (Department of Budget)
ang budget dito na P2.8 million”.
Magkakakilala na sila ni Senator
Marcos, aniya, dahil palagi na siyang pumupunta dito.
Dagdag pa ng alkalde na nangako si Senator Lito Lapid ng P30 million
noong napunta siya dito para sa P20 million na renovation ng Rizal
Park at P10 million para sa pagpagawa ng gusali ng Liga ng mga Barangay.
No comments:
Post a Comment