Malaking tulong sa mas mabilis at
epektibong disaster response ang Provincial Disaster Risk Reduction and
Management ( PDRRM) Warehouse sa Sitio Sapacat, Brgy. Poblacion, Bugallon.
Isinagawa ang inagurasyon at pagbabasbas sa nasabing warehouse ngayong ika-18 ng Hulyo kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.
Pinangunahan ito nina PDRRMC
Chairman at Governor Ramon V. Guico III at PDRRMC Vice Chairman at Vice
Governor Mark Ronald DG Lambino. Kasama sa programa sina Office of the Civil
Defense Regional Director Gregory M. Cayetano bilang kinatawan ni Secretary of
National Defense (SND) Gilberto C. Teodoro, at Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Officer Col. Rhodyn Luchinvar O. Oro (Ret).
Ang nasabing warehouse na may lawak
na tatlong daan at animnapu na metro kuwadradong (360 square meters) ay naitayo
sa labinglimang ektaryang lupain na pagmamay-ari ng probinsya sa Sitio Sapacat,
Brgy. Poblacion, Bugallon.
Magsisilbi itong “central hub” para
mailagak ang mga supplies, equipment, at resources na kakailanganin para sa mas
mabilis at epektikbong disaster response and relief operations.
Ipinasakamay naman ng Office of the
Civil Defense Region I ang isang Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB), 2 units ng
8.5KVA portable generator sets, buoyancy tube, 10 pcs. reflectorized life
jacket, 1 unit manual inflation pump, 2 units flashlights, 2 units ring buoy, 1
roll rescue rope, 4 pcs. paddles, 1 set first aid kit, 1 set high-pressure
valve, at 2 sets repair kits.
Sa mensahe ni Governor Guico,
sinabi niyang nais niyang maiayos ang labinlimang ektaryang lupa sa lugar
ngunit kinakailangan munang magkaroon ito ng 20 meters access road.
Dagdag niya, maari itong gawing
isang major evacuation center kung hindi magagamit bilang event center na
siyang plano ng nagdaang administrasyon.
Aniya, “yong capacity niya I
believe it can accommodate about 6,000. So, it could be a major evacuation
center kung hindi po natin magagamit bilang isang event center. Of course, I
have asked our department heads who are in charge sa mga kalupuan, si Engr.
Alvin Bigay, si Atty. Ronnie Abad, hanapin ninyo para magkaroon man lang tayo
sana ng at least 20 meters access road from the national highway so that this
15 hectare property, this government facility could be utilized by our
constituents maging sa disaster man, nandito ang ating PSWD.”
Giit ni Governor Guico, mahalaga
ang pagkakaroon ng karagdagang warehouse sa ibang lugar para may magagamit na
DRRM at PSWD office para sa pagbibigay ng agarang tulong sa buong probinsya.
Sa pamamagitan ni Regional Director
Cayetano, kaniyang ipinaabot ang mensahe ng pasasalamat sa buong suporta ng
probinsya sa OCD.
“Kami po ay nagpapasalamat sa
resources ng probinsya naipatayo itong warehouse natin sa Pangasinan. Salamat
po Governor, I learn that it came from your resources. Kami po sa Office of
Civil Defense ay naghahanap ng provincial warehouses para sa follow on or
preposition response items like nonfood items and other items na nasa pipeline
ng civil defense in capacities and capabilities in pursuant of response,” saad
niya.
Bilang Vice Chairman ng PDRRMC,
nagbigay naman ng kaniyang mensahe si Vice Governor Lambino.
Pagbabahagi nito, “Tayo po sa
probinsya, masasabi natin na napakaganda po ng ating reaksyon at responses sa
tuwing may mga parating po na sakuna. Pero ang pinakamaganda po talaga ay ‘yong
maiwasan itong magiging epekto ng mga kalamidad na ito at ito pong mga donasyon
ngayong araw na ito ang pagtayo ng isa na naman pong facility ng DRRM dito po
sa bayan ng Bugallon ay simbolo po ng commitment natin yan.”
Naging saksi sa ginawang
inagurasyon at turnover ceremony ang mga OCD Region I staffs, department heads
ng Kapitolyo, PDDRMO personnel, MDRRMO Bugallon, Philippine Army, PNP, GSO,
PEO, PSWDO, at PVO. (Marilyn Marcial, Ron Edrian Bince/PIMRO)
No comments:
Post a Comment