Sunday, July 14, 2024

Ang Masipag, Matulungin na First Lady ng P’sinan

 Ni Mortz C. Ortigoza

Kamakailan may mga mediamen – blogger at broadcaster – na pinagyayabang ang katauhan ng mga First Ladies na asawa ng mga nagdaang gobernador ng Pangasinan. Mga hindi daw sila nakikialam sa operasyon at usapin ng provincial government. Halatado naman sa mga buladas nila na pinaparinggan nila ang kasalukuyang First Lady na si Maan Tuazon- Guico.

Nakakatuwa itong mga nangiintriga na mga mediamen. Ilang beses nang nailalantad ang kanilang mga kababawan sa mga argumento nila na naging argumentum ad hominem o personal na atake na.


LOVES BY THE HOI POLLOI. Pangasinan First Lady Maan Tuazon-Guico is embraced by a woman who is part of the crowd in her countless social services as chair of the First Spouses League of Pangasinan to the constituents of her husband’s Pangasinan Governor Ramon V. Guico III.


Magmula sa pagiging dayo ni Maam Maan na para bagang wala na siyang karapatan tumakbo sa pagiging alkalde ng Urdaneta City pero puede naman base sa mga dating dayo na sila Congressmen Mark Cojuangco at Rachel Arenas, dating congresswoman Manay Gina de Venecia, at Bayambang Mayor Nina Jose-Quiambao, hanggang sa paninisi sa mister niyang si Governor Ramon Guico III sa P800 million na white elephant na 18 ektarya na Pangasinan Convention at Multi-Purpose Center (PCMPC) sa Barangay Umanday, Bugallon sa Pangasinan.

Hindi nila ni research ng malalim na ni ground breaking ni dating Governor Pogi Espino iyong maluho na project (maluho dahil maluwag ang accretion sa likod ng Capitol sa Lingayen bakit kailangan pang bumili ng milyon-milyong pesos ng lupa sa Bugallon) noong March 30, 2019 at hindi niya tinapos sa loob ng tatlong taon at tatlong buwan noong bumaba siya sa puesto noong June 30, 2022.

DI MATUTUMBASAN ANG NAIAMBAG NA LIBRE NI MAAN GUICO

Malaki ang naiambag ni Maan Guico na gratis o libri sa mga taga Pangasinan sa sining at social services magmula nang maluklok ang mister niya sa Kapitolyo dalawang taon na ang nakalipas kung ikumpara sa mga maybahay ng mga nagdaaang mga gobernador at mga nagsawalang kibo na mga esposa nila dahil wala namang maiisip na magandang maiiambag ang iba sa kanila.

Noong nakapanayam namin na mga reporters ang workaholic na si Mrs. Guico sa sideline ng isang event ng Miss Pangasinan sa Monarch Hotel sa Calasiao, aniya napuntahan na daw niya ang pinaka malayo at mga liblib na mga pobreng pook sa dambuhalang probinsiya (na mas malaki pa kahit ipagsama natin ang probinsiya ng Ilocos Norte at Sur at La Union) na hindi pa napuntahan ng mister niya.

 “The area doesn’t have a clean water kung baga one opted to fix the water system there and do the charity and gave hygiene kits as well as some grocery packages for the family,” aniya.

Naramdaman niya ang damdamin ng mga mahihirap dahil nakita daw niya sa lugar nila sa Bacolor, Pampanga ang mga kalunos-lunos na sitwasyon ng mga dukha doon lalo na noong inanod ng baha kasama ang mga lahar ang mga tao doon.

“Iyong iba nakikita kong nakasabit sa mga puno ng kahoy,” dagdag niya.

Aniya na talagang masipag na siyang tumulong sa mga naghihikahos magmula nang naging alkalde ang mister niya sa Binalonan.

Bilang Chairperson ng First Spouses League of Pangasinan naghahatid si Madam Guico ng mga tulong financial at material sa mga nasusunugan at nasalanta ng mga kalamidad at mga nangangailangan sa ibat ibang bayan ng Pangasinan.

Ito’y makikita sa mga natulungan niyang nasunugan, mga centenarian, mga women’s groups, mga nabigyan ng wheel chair at iba pang mga tao sa lalawigan na naabutan niya ng mga food packs, hygiene kits, P20,000 cash kada isa at di mabilang na pagkabukas palad galing sa puso niya.

“Salamat Maam Maan sa wheelchair na ipinagkaloob ninyo. Malaking tulong po sa kanya ito. Salamat Maam,” maluhangluha na sinabi ni Bernadeth Permison na taga 5th District matapos bigyan ng customized wheelchair ang pitong taon na gulang na anak niyang si Bernard na di makalakad dahil sa karamdaman.

“Maam Maan likewise transformed Limgas na Pangasinan as a world class beauty pageant. Candidates were trained by industry leaders and prepared them well for the international stage,” ani provincial government Public Information Chief Dhobie P.  de Guzman.

Ang mga innovations na ginawa niya ay nagtulak sa Pistay Dayat sa tourism map. Lalong lumakas ang sining sa Pangasinan dahil sa mga art festivals at PangaSine. Ang huli ay tungkol sa pagpataas ng antas ng film making na local sa ilalim ng pagtuturo  ng mga sikat na mga namumuno sa paggawa ng mga pelikula na galing pa sa Maynila.

O, iyan ang asawa ng gobernador ng Pangasinan!

Magaling na ang mister sinamahan pa ng galing ni asawa kaya Pangasinan ang Galing, talaga!

Iyan ang Two-in-One!

No comments:

Post a Comment