Sunday, July 21, 2024

Bungkalan sa Dagupan Sinisisi sa Pagbagsak ng Coll. ng BIR

 SHORT NG P146-M ANG SIYUDAD NOONG ISANG TAON

Ni Mortz C. Ortigoza

CALASIAO, Pangasinan – Dahil sa pasadsad na ekonomiya ng Dagupan City, naungusan na ng  South-Nueva Ecija sa goal ang central Pangasinan sa kuleksiyon ng buwis, ayon sa mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ani Revenue District Office (RDO) No. 4 Chief Lope Tubera na dahil sa pagbagsak ng buwis na nakukulekta sa Dagupan magmula pa noong taong 2022 ay nalampasan na sa tax goal ngayong taon ng RDO No. 23-B ang RDO No. 4 kung saan napasailalim ang Dagupan City.

UGLIFICATION of the once economically vaunted Dagupan City dubbed as the premier city in Region-1. Because of the ceaseless demolition of the drainage system and the highway to elevate them, businessmen who have shops along the highway suffer the most. Some of the commercial stalls have closed because of these projects by the public works accused to have no real public hearing among the stakeholders. 


Ang siyudad ang nangunguna sa pagbayad ng buwis kumpara sa San Carlos City at sa 14 na mga bayan gaya ng Alcala, Basista, Bautista, Bayambang, Calasiao, Laoac, Malasiqui, Manaoag, Mangaldan, Mapandan, San Fabian, San Jacinto, Santa Barbara, and Urbiztondo.

Ang South- Nueva Ecija ay may hurisdiksyon sa tatlong siyudad at 12 na bayan sa probinsiya ng central Luzon.

Aniya parehas lang ang pinagmumulan ng mga buwis ng dalawang distrito kung saan ang pangunahing industriya ay pangangalakal.

“Wala. Puro business lang. Trading. Ang Dagupan City medyo nahuhuli na rin ngayon,” aniya noong kinapanayam siya ng Northern Watch Newspaper kung merong special economic zone sa dating hurisdiksyon niya kaya natatalo na ng Nueva Ecija ang central Pangasinan sa koleksyon.

Dagdag pa ni Tubera na problema na ng BIR si Dagupan City dahil noong 2022 pa ay kinukulang na ang mga negosyante niya sa pagbayad ng buwis. Kapos ng P147 million sa tax ang nakulekta ng distrito noong 2023 dahil sa matamplay na pagganap ng mga negosyo sa Bangus City noong taon din na iyon.

Binabatikos ng mga kritiko ang walang humpay na pagbubungkal ng Department of Public Works and Highway sa gilid ng mga kalsada sa siyudad na naging sanhi ng mga pagkalugi ng mga negosyanteng may mga puesto doon.


VIDEO: BAHA, PROBLEM NG MGA TRADERS SA DAGUPAN CITY


Ang pagbubungkal ay dahil sa pagpapataas ng drainage system sa iba’t ibang parte ng Bangus City para maitaas ang siyudad sa sea level lalo na pag high tide.

Kahit na ang isang kilalang newsstand owner na si Danny Mayola na may puesto sa Fernandez Avenue ay namatay dahil wala ng makain, ayon sa kanyang pinsang buo na si Ariel Mayola. Sabi ng huli ang dahilan ay hindi na makahinto ang mga kotse na bumibili kay Danny dahil nahahadlangan sila ng mga lupa at mga labi ng mga kongreto galing sa hukay ng heavy equipment.

“Iyong Lotto ko nga sinara ng PCSO hindi namin naabot ang quota,” sambit ng isang negosyante na nakikinig sa huntahan ng writer na ito at ni BIR Chief Tubera.

Sinabi niya na maraming mga negosyante sa Dagupan ang nagagalit kay Mayor Belen T. Fernandez dahil sa walang puknat na pagpapataas ng mga drainage system.

Kahit na si Urdaneta City Mayor Rammy Parayno ay ipinagyayabang sa mga reporters na pumupunta sa opisina niya na nalampasan na ng Carabao City si Dagupan City na tinatagurian premier city ng Ilocos Region.

Sa survey ng RPMD, kulelat sa huli sa siyam siyudad sa Region 1 sa economic performances ang Dagupan na may score lamang na 70.4%. Namamayagpag ang Candon City sa No. 1 na may score na 88.5%.

No comments:

Post a Comment