Tuesday, May 23, 2017

Brigade Eskwela, bakit?

Ni KITZ BASILA
NAKAPAGTATAKA na pilit isinasali ang mga magulang at mag-aaral na pati ang paghingi ng awa ay kasangkapan ang paglahok daw para ayusin ang mga silid-aralan at kapaligiran ng paaralan sa pampublikong eskwelahan.
Image result for brigada eskwela

Sa tuwing kalagitnaan ng Mayo, ariba ang bayanihan daw na tinawag na Brigada Eskwela. Ang naumpisahan na sama-samang pagkumpuni sa mga sira-sirang upuan, pintuan, bintana, bubong at pati bakod ng mga paaralan.
Ang nakapagtataka ay kung bakit ang mga ganitong pangangailangan ay pilit na ipinapasan sa mga magulang ng mga mag-aaral. Kahit pa ang mistulang pulubi na paghingi sa may mga mabubuting-loob daw ay kinakana.
Ang tanong, di nga ba’t sandamakmak na salapi ang laan na pondo ng ahensiya para tugunan ang mga iba’t-ibang bayarin, obligasyon, at pati kaliit-liitang gastusin ng paaralan?

Tanong pa, bakit inilunsad ang Brigada Eskwela? Para ano pa ang ga-laking pondo ng DepEd?
Ang hirit, ang pagkukumpuni ay takdang-gawain na marapat ay ahensya ang sagot dito dahil may inilaan na gastusin dito.
Asus, kung sa sisteng patsi-patsi o ‘band-aid’ remedy ay maiiwas ang laan na pondo ng ahensya, saan ito mapupunta?
Naman, sandata ang pang-uto na bayanihan na tiyak ay kakagatin ng mas nakararami na sa kalaunan ay paglulustay sa iba’t-ibang paraan ang ariba sa ahensiya. Tiyak yon!
Tanong ng miron, marapat bang patulan ang pang-uto na bayanihan o Brigada Eskwela, para ang mga ilan na ganid at gahaman sa DepEd ay yumaman?
Ikaw ang tutugon.

1 comment:

  1. Mang Nardo Relucio Pang meryienda lang yung budget.
    LikeShow more reactions · Reply · 6 hrs
    Jun-Jun Ciudadano
    Jun-Jun Ciudadano mang nardo yellowtards ka rin ba? laki mong ugok!
    LikeShow more reactions · Reply · 5 hrs
    Jun-Jun Ciudadano
    Jun-Jun Ciudadano wla ka bang tiwala ky tatay digong? kay abnoy merun ano?
    LikeShow more reactions · Reply · 5 hrs
    Marcelo Ortigoza Jr.

    Write a reply...

    Choose File
    Eustaquio Lauron
    Eustaquio Lauron Nasanay kasi asan na ang big budget ,ang deped ang pinakamalaking budget sa lahat ng ahenya nd gov.alisin nayan bregada at dami prin mga kontrebusyon sa publek skol,sumbong nayan kay presidente du30.
    LikeShow more reactions · Reply · 5 hrs
    Angelica Uriarte Bendijo
    Angelica Uriarte Bendijo Alam nman ntin laging huli dumadating yon budget na nkalaan para dto kaya kung iintayin pa ito baka pasukan na wala pa, yon ang unang dahilan. Pangalawa di nman napaka laking issue yon kasi konti tulong lang nman ang hinihingi nila huwag na nating ipagdamot ito nman ay para sa mga mag aaral. Mga anak din natin ang nkikinabang dto. Magandang way din ito ng pagpapakita na hanga ngayon uso pa din ang bayanihan na ang paaralan at komunidad ay ngtutulungan. Kung may magagawa tayo para sa ating pamayanan huwag na ntin kwentahin kung ano yon ating naitulong kasi nakikita namn ni Lord ito at si Lord na ang bahalang mgbalik nito sa atin

    ReplyDelete