"For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not harm you, plans to give you hope and a future.”
- Jeremiah 29:11
Senator Alan Peter Cayetano and Davao City Mayor Rod Duterte. |
Unang una ang buong pusong pagpapasalamat sa DIYOS!
Maganda ang plano sa atin ng PANGINOON.
Mayaman ang ating bansa,
Magaling ang Pilipino,
Kilala at tanyag sa buong mundo.
Ngunit kadalasan, ang kaganapan ng plano ng PANGINOON ay hindi nangyayari dahil tayo mismo, kulang ang pagkilos para mangyari ito.
May naaapi, hindi tayo nagsasalita.
Ang nang-aapi, lalo na kapag malaking tao at makapangyarihan, hindi natin nilalabanan.
Kapag tama naman at klarong tama, minsan ay hindi natin pinaglalaban.
Dito sa Davao City, sa Taguig City, at sa buong bansa, nakikita natin ang pagbabago at progreso kapag ipinaglalaban ang tama, ipinagbabawal ang korapsyon. Malinaw ang polisiya at nagpatupad ng disiplina.
Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap nang personal ang ating Pangulo.
Naibahagi ko na kaisa niya ako laban sa korapsyon at mga reporma sa gobyerno. Naipapakita ko din na sa Senado, 90 percent (nobenta porsyento) ng kanyang programa ay nasuportahan at naipaglaban ko.
Natalakay din ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at napaliwanag ko ang aking posisyon at prinsipyo ukol dito.
For the record, I will not sacrifice my principles for politics or for any position in government, nor did the President ask me to do so.
For the record, I believe that the whole Mindanao should get a BBL like law, not only the MILF.
That is why calls by Mayor Rodrigo Duterte and Senator Koko Pimentel for Federalism are growing louder.
That is why calls for decongesting Metro Manila and decentralizing power are gaining grounds.
That is why I filed today the Mindanao Peace and Development Act of 2015.
That is why I challenge all those in government... Do it now.
Move the Department of Transportation and Communications (DOTC) to Clark in Pampanga, the Department of Tourism (DOT) to Cebu, and the Department of Agriculture (DA) to Davao.
Tunay na pagbabago, hindi panay pangako.
Pinagdasal ko at pinag-isipan.
Sa pag-ikot ko sa buong bansa para sa aking adbokasiyang PTK (Presyo, Trabaho, Kita), nakita ko ang kalbaryo ng mga magsasaka, vendors, tricycle, jeepney, at taxi drivers, na palagiang biktima ng 5/6 dahil sa kakulangan ng pantustos sa kanilang pangangailangan.
Ang hirap ng buhay pasahero.
At ang hirap at kalungkutan ng OFWs.
Mga kapwa natin Pilipino na humihingi lang naman ng kaunting pang-unawa at malasakit.
Malinaw ang mga problema, payagan po sana ninyo akong maging bahagi ng solusyon.
I am running for Vice President of The Republic of The Philippines. I am putting my faith in GOD and in our people.
And I am praying for a President who will make us all proud and bring true change to Luzon, Visayas, and Mindanao.#
No comments:
Post a Comment