Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
DAGUPAN CITY – Benipisyaryo ng libreng paghuhukay ng mga kailugan ang second class city na ito at ang first class town ng Calasiao sa 10- Year Rehabilitation River Program ng pamahalaang lalawigan ng Pangasinan para maibsan ang matagal ng problema ng mga pagbaha dito.
| CHIEF EXECS. (From left and clockwise): Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, Vice Gov. Mark DG. Lambino, Calasiao Mayor Patrick A. Caramat, and Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez. |
’Well, that’s the ideal of course because we have also to clear the Pantal River dahil doon naman talaga heavily silted. Kahit ang lalim ng gagawin natin upstream sa Calasiao and even towards Santa Barbara kung mababaw na mababaw pagdating sa Dagupan ang tubig naman ay maiipon at maiipon naman diyan sa upstream diyan sa Calasiao at Sta. Barbara so kailangan e clean din o laliman ulit o linisan iyang sa Dagupan side,” paliwanag ni Vice Governor Mark Lambino.
10-YEAR
REHABILITATION RIVER PROGRAM
Ang 10-Year Rehabilitation
River Program ay sinimulan noong Disyembre 2025 upang maibsan ang pagbaha sa
Pangasinan. Ito ay pinamumunuan ni Gobernador Ramon V. Guico III at
pinopondohan at pinapatakbo ng mga pribadong kasosyo nang walang
gastos sa pamahalaang panlalawigan. Ang proyekto ay may layunin na
alisin ang makapal na burak (silt) at sediment, at palalimin ang daluyan ng tubig
upang matugunan ang matagal nang problema sa pagbaha.
Ang Seagate
Engineering and Build Systems (SEBS) ang nagpanukala ng proyekto upang maghukay
sa 985 ektarya malapit sa mga baybaying barangay, na may tinatayang halaga na
P18 bilyon sa sampung taong operasyon. Ang proyekto ay sumusunod sa Department
of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order No. 2020-07 na
nagpapahintulot sa mga pribadong kasosyo na mamahala sa gastos sa paghuhukay.
Bilang kapalit, pinapayagan ang kasosyo na gamitin ang mga nahukay na materyales
(hal. buhangin, bato). Kabilang sa proyekto ang Limahong Channel sa
Lingayen at palalawakin hanggang sa Nayum River sa Dasol.
Ani Lambino na ang rehabilitation
program sa ilalim ng pamahalaan ni Gobernador Guico ay may koordinasyon sa mga
local government unit (LGU) gaya ng Dagupan City.
“Di naman pwede na gumawa ng isang programa
na hindi nakipagusap sa local government. Iyong tubig na iyan simulan natin sa
upstream to downstream, Dagupan City, Calasiao going up Santa Barbara going
Urdaneta, Binalonan, etcetera”.
DAGUPAN CITY
Noong Agosto 22,
2025 dinaluhan ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez ang Launching ng Flood
Management Initiatives l-River Restoration Project ng provincial government sa
pangunguna ni Gov. Guico na ginanap sa Sison Auditorium sa
Lingayen, Pangasinan.
Ayon kay Fernandez buo ang supurta ng kanyang pamahalaan sa programa ng first class na Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na paigtingin ang kaligtasan ng mamamayan mula sa pagbaha at iba pang kalamidad sa pamamagitan ng pagdraga at paglilinis ng kailugan at iba pang daluyan ng tubig.
CALASIAO
Ani Lambino ginagawa
na ang rehabilitation sa ibang lugar “but on a small scale” hindi gaya sa
Calasiao at susunod sa Dagupan City.
“Dito significant lang iyang impact kasi
Calasiao being one of the last LGU kung saan dumadaan po ang Sinocalan River
bago lumabas sa Pantal na heavily affected tuwing flooding season. Or rainy
season po iyong isa sa major… na at least na sinimulan na po ang plan
mitigation program sa probinsya”.
“Tingnan ninyo
iyong dating maduming Parongking River na malinis na ngayon at iyong maayos at
malinis na MRF at paligid niya,” ani Mayor Patrick A. Caramat habang pinapakita ang mga litrato na
ang iba ay kuha ng drone sa writer na ito noong bumisita siya noong huling
linggo ng Pebrero sa kanyang opisina.
Sa nasabing mga
larawan wala na ang mga makakapal na mga water lily at iba pa na makikita noong
bumisita sa nasabing lugar si Governor Guico at Mayor Caramat noong Pebrero 13
para umpisahan na ang malakihang paglilinis at pagdadraga ng mga makakapal na
putik at mga debris ng mga gamit sa Parongking River.
Ang may 24 na mga
barangay na landlocked bayan na ito sa central Pangasinan ay kilalang mabilis
bahain at madalas magdeklara ng State of Calamity tuwing binabayo ito ng mga
masamang panahon.
Noong Hulyo 2025,
maraming mga barangay ang nalubog sa baha, kung saan umabot sa anim na
talampakan ang tubig sa mga lugar tulad ng Poblacion West at Barangay Longos.
No comments:
Post a Comment