A first in Region 1.
’Yan po ang Dagupan City Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Barangay Bonuan Binloc na binuksan na noong Sabado ang administrative section nito para sa mga out-patients.
Sa araw ding ’yon ginawa ang laying of time capsule para sa dormitory at recreational facilities nito para sa mga clients nila na kailangan ang mas matindi at tutok na pag-aasikaaso habang nagpapagaling sila sa kanilang pagkakalulong sa droga. ’Yan din ang magbibigay sa kanila ng panibagong buhay at pag-asa.
Napakaluwang ng lote ng Dagupan Drug Treatment and Center na ito. Sa pagkaka-alam ko ay donasyon ito ng pamilya ni Doña Teodora Manaois ng Dagupan.
’Yong administrative section ay naipatayo mga dalawang taon na ang nakalipas. Unti-unting ginawa ito habang may pondong maaaring gamitin galing sa Department of Health (DOH) sa pakikipag-ugnayan din sa Dangerous Drugs Board(DDB) sa panahon ng panunungkulan ng pinalitan kong chairman at kaibigan na ngayon ay senador uli na si Tito Sotto at sa tulong din ni dating House Speaker JDV.
Malaking halaga ang kailangan upang maipatayo ang dormitory at recreational facilities.
Nakatutuwa sapagkat mabilisan talaga ang aksyon ng Dagupan upang maumpisahan ang gawain sa karampatang paunang P6 milyon na bahagi ng P10 milyong commitment ko para sa dorm ng TRC na ito.
Mag-aapat na buwan na ang nakakaraan, nang mag-guest ako sa isang anti-drug abuse campaign ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez bilang suporta sa programa ng ating ahensiya na Barkada Kontra Droga. Nasabi ko doon kay DDB senior adviser Gonz Duque na kapwa ko Pangasinense na gusto kong makatulong sa sarili kong probinsya.
Du’n nabuo ang aking desisyon, base na rin sa pagkakasabi sa akin ni Gonz, na may proyektong ’di pa natatapos na drug rehab and treatment center sa Dagupan.
Kaya’t pinayuhan ko si Vice Mayor Fernandez na gawin ang kanilang request para sa nasabing proyekto.
Salamat naman at naunawaan din ng DDB board ang matinding pangangailangan ng aking probinsya ng ganitong pasilidad at agad nilang inaprubahan ang nasabing pondo.
Sa speech ni Atty. Gonz, ito ang kanyang mga sinabi, “I am happy that our own secretary, Bebot Villar has indeed shown his love for the province of Pangasinan particularly in Dagupan City.”
* * *
Sa speech nina Atty. Gonz, Dr. Roland Mejia at ni DOH Assec. Elmer Punzalan ay kinilala naman nila ang naibigay ng DDB na tulong para maipatayo ang pasilidad na ito.
Sabi nga ni Dr. Mejia, “The outpatient and consultation of TRC is now a go. (But) we still have great work ahead of us.”
Tama s’ya du’n. Malaking pondo pa ang kakailanganin.
Ayon kay Asec. Punzalan na panay ang banggit din sa mga naiambag na tulong ng DDB, ay naka-ready din ang mahigit P20 milyon galing sa DOH. Idagdag d’yan ang P10 milyon ng DDB at ang karagdagan pang P20 milyon sa Priority Development Assistance Fund ni Congresswoman Manay Gina de Venecia, siguradong the best ang pasilidad ng Dagupan TRC.
Hindi lang naman Pangasinan kundi buong Region 1 ang pagsisilbihan ng pasilidad na ito.
Kaya nitong tumanggap ng 300 na pasyente kada araw bilang out patients.
Meron din kaming ibang pribadong pasilidad subalit iba pa rin pag pag-aari ng gobyerno sapagkat subsidized ang operation nito. Malaking katipiran.
Nariyan din ang mga trained personnel upang asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga pasyente.
Sana tumulong din ang mga local government units natin sa pamamagitan ng information dissemination sa kanilang nasasakupan tungkol sa mapanganib na epekto ng paggamit ng bawal na gamot para mabawasan, kundi man, masugpo natin nang tuluyan ang problema sa droga.
* * *
Ang pangarap ng ating gobyerno, ayon na rin kay Asec Punzalan, ay magkaroon ng tig-isang TRC sa bawat rehiyon. Subali’t mukhang matatagalan pa bago mangyari ito.
Sa ngayon, meron sa Bicutan at sa Tagaytay.
D’yan sa Dagupan, tunay ngang nagsimula sa isang panaginip lamang na nagkatotoo na ngayon para sa mga nabiktima ng droga.
Naniniwala ako na wala silang kasalanan, biktima lamang sila at naging mahina sila upang layuan ang masamang bisyong ito.

Everbody deserves a second chance. Lahat tayo ay maaaring magsimula muli ng panibagong buhay.
At dito sa Drug Treatment and Rehab Center na ito ay pipilitin nating magsama-sama upang maging produktibong muli ang mga drug dependents na nais magbagong buhay.
***
Sa ibang araw ko na pasasabugin ang iba pang katarantaduhan ng mga kapulisan ng Pangasinan sa pangunguna ni P/S Supt. Rosueto “Boyet” Ricaforte na tumatahak sa Zigzag Road ng Baguio City at hindi ng tuwid na daan ng ating gobyerno.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag- email sa wagkukurap_101@yahoo.com.ph
No comments:
Post a Comment