Tuesday, December 6, 2011

Manay Gina opens Drug Rehabilitation Center

Rep. Gina de Venecia with husband former House Speaker Joe

Excerpt of Manay Gina’s speech during the inauguration of the Dagupan City- Region 1 Drug Rehabilitation Center, Bonuan Binloc, Dec 3, 2011; Saturday

“Alam po ninyo, sentimental para sa akin ang Region 1 Drug Rehabilitation Center dahil ito ang huling proyekto ng aking mahal na asawa -- ang inyong Kuya Joe-- bilang Kongresista.
 Pero salamat po sa Diyos, dahil kahit ginipit sya noon sa pondo, heto at natapos na rin ang Phase 1 ng ating rehabilitation center na magsisilbing kanlungan ng mga kababayan nating biktima ng droga.
Ito po ay isang maagang pamasko para sa ating mga kababayan na kailangan ng kalinga subalit walang mapuntahan………..
SA PUNTONG ITO, gusto ko namang i-report ang aking mga ginagawa bilang kongresista, kaugnay ng pagtupad sa aking campaign promise na itaguyod ang  L.O.V.E.--- livelihood- education, over-all health care, values formation at education and environment.
Noong Martes ay ipinasa na po ng Kongreso ang ating pambansang budget.  Bilang Congresswoman, yun po ang tinutukan ko, para masigurong malalagyan ng pondo ang mga proyekto sa ating distrito.
Ang obligasyon po talaga ng Kongresista ay ang paglikha ng mga batas.  At ilan po sa aking ipinaglalaban ang pagdoble sa kapasidad ng Region 1 Medical Hospital, mula 300- bed capacity to 600- bed capacity, para ito ang maging pinakamoderno at pinakamalaki sa buong Northern Luzon, pati na rin ang pagtatayo ng Fish Port sa ating bayan bilang suporta sa itinayong Seafood Processing Plant ngKorean government sa pagsisikap ng inyong Kuya Joe.
BILANG COMMERCIAL district ng Pangasinan, prayoridad ko po ang pagsugpo sa baha at pag-ayos sa mga pangunahing kalsada sa Dagupan. 
Mayroon po akong limang major road & drainage projects para sa ating lungsod. Una rito ang ginagawang kalsada at drainage system sa Bonuan Gueset, na nagkakahalaga ng 45 million.  Ito ay 80 percent finished na, at malamang na matapos ngayong Disyembre.
Ngayong buwan din po natin isasagawa ang bidding para sa apat na malalaking road and drainage projects, na sisimulan sa pagitan ng Enero at Marso.
ØIto ang construction and rehabilitation ng drainage alongArellano- Bani, pati na ang concreting of road shoulder mula sa Dawel hanggang Tanap bridge, worth  P18.5 million;
ØAng raising of grade and construction of drainage ng Mayombo, mula sa  junction ng Perez Boulevard hanggang sa Villaflor hospital.  Worth  47 million po ito;
ØAng raising of grade and rehabilitation ng drainage ng Tapuac section, mula sa Trauma Hospital hanggang sa junction ng Amado Street. Ito ay nagkakahalaga ng 16.5 million;
ØAt ang raising of grade and construction of drainage ng Lucao section, mula sa junction ng old De Venecia Hi-way hanggang sa  junction ng bagong De Venecia hi- way, worth 20 million.
Bukod sa naaprubahang pondo, nagsikap po ako na madagdagan pa ang budget ng mga road projects na ito, para masigurong matibay at tapos-na tapos ang ating flood control projects.
Pinalad naman po tayo na makakuha ng additional na limang milyon sa bawat road project, kaya bale  122 million na po ang kabuuang budget ng apat na kalsada at drainage systems, na lalong magpapaunlad at magpapaganda sa Dagupan.
NGAYONG DISYEMBRE, matatapos na rin ang ipinapagawa kong anim (6) na classrooms sa  Dagupan East Central Integrated School, sa Barangay Mayombo, na nagkakahalaga ng P5.5 million. Ang maganda pa, nakakuha ako ng additional one million para sa karagdagang dalawang classrooms para sa East Central School, kaya hindi lang anim kundi walong classrooms na po ang maibibigay natin sa mag-aaral ng Barangay Mayombo.
Sa susunod na tatlong buwan, sisimulan na rin natin ang pagpapagawa sa walong classrooms, sa dalawang palapag na school-building ng Judge Jose de Venecia Sr. Memorial National High School sa Bolosan, na nagkakahalaga ng halos pitong milyon.
At para naman sa karagdagang seguridad ng ating mga eskuwela sa university belt ng Dagupan ----- at ayon na rin sa hiling ng kumpare naming si former Vice Governor Gonz Duque ----- maglalagay  tayo ng police detachment sa harap ng Dagupan City National High School, na nagkakahalaga ng one million.    
PARA SA MGA KABABAYAN KO sa  San Fabian, kamakailan lang ay namigay ako ng anim na libo at limandaang (6,500)  sako ngfertilizer para sa ating magsasaka. Bukod pa rito,  ang sampung libong sako ng pataba na ibinigay ko sa mga magsasaka ng San Fabian at San Jacinto noong isang taon.
Naglaan din po ako ng dalawampung milyong pondo para sa itatayong Warehousing at Drying Facility para sa tabako,  sa bayan ng  San Fabian.
Pero ang isa sa pinakagusto kong proyekto ay ang ginagawa ngayong protective slope ng Abeloleng river, worth P36 million pesos. Hindi po ako papayag na maulit ang kalunos-lunos na sinapit na trahedya ng mga kababayan nating naanod ang bahay dahil sa baha, kaya talagang ginawa kong prayoridad ang proyektong ito. At ang mas maganda, nakakuha pa po ako ng karagdagang pondo, worth 40 million upang tuluyan nang matapos ang protective slope na ito sa Binday.
Bukod pa dito, ipinapagawa ko na rin sa San Fabian ang LongosBridge na nagkakahalaga ng 28 million,  at ang San Roque bridge,na nagkakahalaga ng 11 million.
Hindi rin  nawawala sa isipan ko ang  trahedyang sinapit ni Kapitan Arsenio Bucao ng  Barangay Tucok. Kaya para pa-igtingin ang kakayahan ng kapulisan sa pagtugis sa kriminal, naglaan po ako ng pondo para makabili ng mga motorsiklong de- kalibre at kayang tumugis sa mga kriminal kahit sa bundok. Ang police forces sa Dagupan, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto at Manaoag ay bibigyan natin ng tig-da-dalawang motorsiklo sa mga susunod na buwan.
SA MANGALDAN NAMAN, natapos na po natin ang kanilangfish market worth 22 million pesos, bilang kapalit nang nasunog na palengke. Ang susunod ko namang aayusin doon ay ang pagpapaganda at repair ng Mangaldan Youth and Development Center.
Nitong Nobyembre,  natapos na rin po natin ang repair ng Mangaldan dike sa bahagi ng Barangay Nibaliw, worth 5 million.
SA SAN JACINTO, ang tututukan po natin ay ang pagtataguyod sa pagtatanim at pagpo-proseso ng malunggay,  upang ipagbili sa mga karatig na bansa sa Asya. Limang milyon po ang nakalaang pondo para sa proyektong ito.
May nakalaan din pong 1.3 million na pondo para sa ibibigay kong pesticide sprayer sa  magsasaka ng tabako sa San Jacinto. Bukod pa po ito sa higit isang milyong pisong halaga ng certified seeds ng palay na, naibigay na natin sa kanila.
SA MANAOAG naman, kaninang umaga ay namahagi po ako ngcertified palay seeds at  pesticide sprayers na may kabuuang halaga na 2.6 million pesos. Bukod pa rito ang 1, 600 sacks of fertilizer  na ibinigay natin sa magsasaka nitong Hunyo.
Natapos na rin po natin ang palengke ng Manaoag noong Abril,worth 15 million.
Hindi pa po kabilang sa aking nabanggit ang iba’t-ibang infra-projects na ginagawa o napondohan na para sa  apat na bayan. At ang 170 motorized irrigation pumps na ibinigay natin sa mga magsasaka ng Dagupan, San Jacinto, Manaoag, San Fabian at Mangaldan.
SA LARANGAN NG KALUSUGAN, patuloy pa rin po ang pagsasagawa natin ng libreng De Venecia medical and dental mission, misting operation laban sa dengue at Hepa-B immunization campaign.
SA EDUKASYON naman, mayroon tayong bagong 350 De Venecia scholars na pinag-aaral nang libre sa kolehiyo ngayong semestre. Bale higit sa 12,000 na ang nakatapos sa kolehiyo dahil sascholarship program na ito, mula nang simulan noong dekada sitenta.
Prayoridad ko naman sa pagtataguyod ng VALUES FORMATION ang pagtulong sa mga batang talagang nangangailangan. Kaya magtatayo po ako ng The Haven for Abandoned Children dito sa Dagupan. Ito ay isang bahay -ampunan para sa mga sanggol na hindi kayang alagaan ng kanilang magulang dahil sa kahirapan at iba pang personal na dahilan.
Bukod dito, tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng The Haven for Women para tulungan ang mga babaeng biktima ng pang-aapi, at angThe Haven for Children, na tumutulong naman sa mgastreetchildren. Ito ay parehong matatagpuan sa Bonuan-Binloc.
 TUNGKOL NAMAN SA pangangalaga sa Environment, may ginagawa tayong proyekto, kung saan lahat ng gilid ng kalsada sa ika-apat na distrito ay tataniman natin ng makukulay na punong-kahoy, habang kawayan naman ang itatanim natin sa mga riverbanks upang hindi tangayin ng tubig ang ating lupain sa panahon ng bagyo at baha.
May mga seedlings na tayo, at pagkagaling ko rito, muli akong makikipagpulong sa PENRO o Provincial Environment and Natural Resources Office para sa pagsisimula ng pagtatanim nito sa mga kalsada ng ika-apat na distrito.
Maglalagay din po tayo ng mga modernong Road Signs sa mga pangunahing kalsada ng buong distrito, sa pakikipagtulungan sa DPWH.  Ang project pong ito ay worth 5 million.
ALAM PO n’yo, kahit hindi ganoon kalaki ang  ang pondo ng ating gobyerno, hindi po ako nag-atubili na humingi ng tulong sa iba’t-ibang ahensiya upang makakuha ng maraming biyaya para sa inyo.”




No comments:

Post a Comment