Friday, March 11, 2011

Walang katumbas na dolyar ang pagsulong ng panlipunang pababago

WALANG KATUMBAS NA PERA ANG PAKIKIBAKA. Nabasa ko ang balita na nagsasabi ng “1st batch of 7,600 Marcos rights victims get $1,000 each.”

Bok Dennis Valdez, para sa akin, hindi maganda at hindi makatarungan ang bigyan ng halaga ($1,000) ang pagiging biktima ng pang aabuso ng karapatang pantao.

Walang kabayaran ang pagiging biktima…walang perang katapat ang pang-aabusong tinamao ng isang taong tunay na nakibaka para sa panlipunang pagbabago.

Kung ako ay kasama sa listahan ng human rights victims, ipapabura ko at hindi ako tatangap ng kahit singko sa kalapastanganan na aking natamo.

Hindi ako nakikibaka para sa huli ay mabayaran ng isang libong dolyar.
Bilang isang biktima, maibabalik na ba ang iyong dignidad sa halagang $1,000 o kahit na sa halagang $1,000,000?

Ang pakikibaka ko ay walang katumbas na pera.

Kung tunay ang hangarin ng human rights victims ang pinakamaliit na maaari nilang gawin ay pagsamasamahin ang perang natangap para isulong ang tunay na panlipunang pagbabago.
...



MAY PONDO PARA SA EDSA 1 BIRTHDAY. Walang resources at walang pera para sa evacuation ng OFW’s sabi ni PNoy… pero sabi ng DBM, may pera daw para sa evacuation ng OFWs. Hehehe sino ba ang nagsasabi ng totoo?

MANONG DANNY UY…kumusta nap o ang ever reliable na pick up niyo? May mga sako pa ang buhangin sa likod noong huling nakita ko nang nagpunta kayo sa session sa Capitol.

Manong Danny, kung may Everest ba kayo, paglalagyan niyo din ba ng sako sakong buhangin iyon? Hehehe.

Alam niyo po ba na habang isang linggong nagce-celebrate si PNoy ng EDSA 1, libu-libong OFWs sa middle East ang hindi malaman kung ano ang gagawin para masiguro ang kanilang kaligtasan?

Habang ginugol niya ang panahon at resources para mailigtas sa death sentence ang tatlong drug couriers sa China, mabagal at walang direksiyon ang pagtulong niya sa libu-libong OFW.

Mas importante pa yata sa kanya ang buhay ng drug couriers kaysa buhay ng mga OFWs.

Mas importante pa sa kanya ang mag-isip kung paano titirahin ang mga Marcos kaysa pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng OFWs.

Hindi na niya dapat sinabi na habang dumdami ang nagugutom na Pilipino, dumadami naman ang sapatos ni Rep. Imelda Marcos.

Sagot naman ni Rep. Imelda Marcos: “They went into my closets looking for skeletons, but thank God, all they found were shoes, beautiful shoes not skeletons.”

Itinuloy pa ni Rep Marcos na ang tunay na skeletons ay nasa Hacienda Luisita Massacre at Mendiola Massacre sa panahong ang president ay si Cory Aquino.

Pagkakaisa ang kailangan ng Pilipinas.

ITAAS ANG DIGNIDAD NG MEDIA. Congratulations kay Atty Gonz Duque, ikaw na ang president ng Pangasinan Press Club at marami ang umaasa na itataas niyo ang antas ng pagtingin ng tao sa Pangasinan press.

Umaasa ng reporma ang hanay ng mga nasa media sa inyong leadership kaya overwhelming ang mandate na nakuha niyo.

PIO Butch Velasco, kinukumusta ka pala ni Bok Nani Braganza ng Alaminos City.

Naaalala mo pa ba na ang CEGP ay isang makabayan at demokratikong alyansa ng mga student publications sa buong bansa?

"The clock of life is wound but once, and no man has the power to tell just when the hands will stop, at late or early hour.  Now is the only time you own. Live, love, toil with a will. Place no faith in time.  For the clock may soon be still.”

No comments:

Post a Comment