Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
CALASIAO, Pangasinan – Buong
pagmamalaki na ipinakita ng batang alkalde dito kung gaano na kaayos at kalinis
ngayon ang Parongking River at ang material recovery facilities (MRF) sa
maunlad na bayan na ito.
“Tingnan ninyo iyong dating
maduming Parongking River na malinis na ngayon at iyong maayos at malinis na
MRF at paligid niya,” ani Mayor Patrick A. Caramat habang pinapakita
ang mga litrato na ang iba ay kuha ng drone sa writer na ito noong bumisita
kamakailan ang huli sa kanyang opisina.
Sa nasabing mga larawan wala na ang mga makakapal na mga
water lily at iba pa na makikita noong bumisita sa nasabing lugar si Pangasinan
Governor Ramon V. Guico III at Mayor Caramat noong Pebrero 13 para umpisahan na
ang malakihang paglilinis at pagdadraga ng mga makakapal na putik at mga debris ng mga gamit sa Parongking River.
Pinasalamatan ng alkalde ang masipag na Municipal Environment and Natural Resources Office Chief Mark Paulo Caspillan at mga tauhan niya sa kanilang mandato na linisan at ayusin ang mga nasabing mga lugar.
“Gusto ko kasing laging
malinis ang isang lugar kaya lagi ako umiikot sa labas ng opisina ko para
makita ko ang mga sitwasyon nila,” dagdag pa ni Mayor.
“Itong Parongking River Restoration na ito po
ay hindi po magagawa ng local na pamahalaan ng Bayan ng Calasiao kung walang
suporta po ang provincial government of Pangasinan headed by our governor Ramon
“Monmon” Guico III,” ani
Mayor Caramat sa gitna ng mga masigabong
palakpakan ng mga tao na dumalo sa kaganapan noong Pebrero 13 kasama si Governor Guico.
Ang may 24 na mga
barangay na landlocked bayan na ito sa central Pangasinan ay kilalang mabilis
bahain at madalas magdeklara ng State of Calamity tuwing binabayo ito ng mga
masamang panahon.
Noong Hulyo 2025,
maraming mga barangay ang nalubog sa baha, kung saan umabot sa anim na
talampakan ang tubig sa mga lugar tulad ng Poblacion West at Barangay Longos.
Ang matinding
siltation o pagbabaw ng mga ilog, kabilang ang Sinucalan-Dagupan River System,
ang itinuturong dahilan kung bakit matagal humupa ang baha sa bayan.
Ang nasabing River
System ay nagmumula sa kabundukan ng Benguet Province at bumabagtas ng halos 80
kilometro papunta dito at sa katabing Dagupan City, kaya ang taas ng tubig sa
upstream ay may malaking epekto sa sitwasyon ng baha sa downstream na mga
lugar.
Ang Sinocalan-Dagupan River System ay pangunahing nakakaapekto sa siyam na bayan at lungsod sa higanteng lalawigan ng Pangasinan, kabilang ang Sison, San Manuel, Binalonan, Laoac, Urdaneta City, Santa Barbara, Calasiao, Dagupan City, at Mangaldan. Ang pag-apaw nito tuwing malakas ang ulan ay nagdudulot ng baha, partikular sa mga mabababang lugar (low-lying areas) na malapit sa ilog.
MATERIAL RECOVERY FACILITIES
No comments:
Post a Comment