Friday, April 28, 2023

Away ng Narco Cops sa PDEG at ang P6.7- B Shabu

By Mortz C. Ortigoza

Sa hearing kamakailan ng Committee on Dangerous Drugs ng House of Representatives na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert “Ace” Barber, pinagsasabihan ni Antipolo City 2nd District Cong. Romeo Acop (dating police Heneral at Hepe ng Inspector General Office) ang nasasadlak na si  Police Col. Julian Olonan (chief of Philippines Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit (SOU) Region 4A) at Police Capt. Jonathan Sosongco (head ng PDEG SOU 4A arrest team) sa mukhang pagku-cover-up nila sa mga totoong pangyayari sa P990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion na nasamsam sa Wealth and Personal Development Lending Inc. sa Tondo, Manila.

Ang WPD Lending ay pag-aari ni Police Msgt. Rodolfo Mayo. Si Mayo at si Ney Atadero ay kasalukuyang nakapiit sa Bureau of Jail Management and Penology sa Taguig City.


Photo is internet grabbed.

Si Atadero, siya nga pala, ang naunang nahuli at sinundan ng pagkahuli ni Mayo doon sa halos isang toneladang crystal meth o shabu na nakuha ng mga autoridad sa kanyang building.

“So alin ang totoo, October 8 nahuli si Mayo?” tanong ni Acop – na isang abugado – kay Col. Olonan.

“That was the report of my team leader your Honor,” ani Olonan.

“Do you agree with that Lt. Sosongco? Yes or no?” Giit ni Rep. Acop na dating Hepe rin ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG).

Ahhh… No, your Honor,” sagot ni Sosongco sa hearing ng kumite ng Kongreso sa Quezon City.

Ayon sa informant ni Acop ang raid sa pinagtataguan ng shabu sa Pasig ay naging sanhi ng ingitan ng dalawang factions ng mga narco cops sa loob ng PDEG bago mangyari ang raid ng halos isang toneladang shabu sa Tondo.

According to my bubuwit iyon ang precursor ng pag iingitan ninyo sa loob ng PDEG. Ano ang nangyari sa Pasig?”

Iginigiit pero ni Col. Olonan na ang raid sa Pasig ay follow up operation (pagkatapos ng raid sa Tondo) para makapagsamsam pa ng karagdagang bilang ng shabu.

“Iyong sa Pasig your honor is a follow up operation. That was approved by the senior officers of the PNP. Diyan po pumunta ang team ni Col. Ibañez sa Pasig your Honor,” ani ni Olonan.

Si Lt. Col. Arnulfo Ibañez ay officer-in-charge ng PDEG SOU National Capital Region (NCR).

Ayon kay Acop ang raid sa Pasig ng mga taga PDEG ay ikinagalit ni PLt. Col Glenn Gonzales.

Hindi sinagot ni Olonan ang tanong ng Antipolo Congressman.

“Kaya nagkaroon tuloy ng samaan kayo ng loob diyan sa loob. Iyon naman ang katotohanan. Wala lang akong ebidensiya na concrete evidence pero according to my bububwit iyon ang nangyari. Pero iyong October 9 na operation ninyo hindi pala kay Mayo. Tama?,” pangiting tinanong ni Cong. Acop si Olonan.

Bilang isang kumentarista ng diyaryo at blog na ito, ang aking katanungan: Kung hindi pala kay Msgt. Mayo iyong October 9, 2022 raid, ibig sabihin iyong pagsalakay ng mga parak sa kanyang WPD Lending ay ganti ng grupo ni Lt. Col. Gonzales dahil sa pag raid ng bodega nila ng shabu sa Pasig?

“Ano ang epektos nahuli doon? Drugs ba o firearm?” dagdag na tanong ni Rep. Acop.

“Firearm your honor,” ani Olonan.

“Sabi ko na nga e, kasi at the back of my mind parang nagko cover up na kayo, e”.

Anong ibig ng patama dito ni Cong. Acop, na hindi lang baril ang meron doon sa Pasig kundi illegal na druga rin?

READ MY OTHER BLOG:

The Lethal, Costly Weapons of a Cobra


MORTZ C. ORTIGOZA

Follow

I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.

No comments:

Post a Comment