Friday, June 8, 2018

Q&A: No gov't support when pests hit the farmers - SINAG Chair


Kamakailan kinapanayam ni Political Columnist Mortz C. Ortigoza si Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So kung may pag-asa pa bang bumaba ang napakamahal na bentahan ng bigas na nagpapahirap sa mga Pilipino, ang pagbagsak ng peso versus dolyar, pag taas ng krudo, at kung gumanda naman ang buhay ng mga magsasaka sa panahon ni President Rodrigo Duterte kumpara sa administration ni dating Pres. Benigno Aquino III.  Kabuunan ng panayam:

MORTZ C. ORTIGOZA : Iyong mga mahirap marami pala sa kanila hindi na bumibili ng ulam, iyong kanin nilalagyan na lang daw nila ng bagoong o patis para ipakain sa walang trabaho nilang asawa at limang anak. May tsansa pa ba na bumaba ang presyo ng bigas from P45 to P35 a kilo?

ROSENDO SO: Pag di bumaba ang (presyo ng) palay of course hindi baba ang bigas. Ang total production natin dito sa Pilipinas na pumunta sa market is around 92%, iyong inimport natin from other countries 8%.

CONVENTION - Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So (center) and Senator Cynthia Villar enter the main hallway of The Atrium of Limketkai Mall in Cagayan de Oro City during the  27th National Hog Convention & Trade Exibits.  


 So price ng bigas natin naka depende sa local production at gate price nito?

 Kung ang presyo ng palay sa ngayon nasa P23 (a kilo) na dry, P20 ang wet kung iyan ang presyo, papatak talaga ng nasa P40 (price of a kilo of rice).

 Kawawa daw iyong mga taga urban area, kasi sina subsidized natin ang mga farmers. Ang rice na binibili natin sa urban ay times two sa price ng bigas sa ibang bansa sa SouthEast Asia. Any chance to lower the prices of rice from P40? If we import more, we affect naman the economic welfares ng farmers natin.

 Iyong buying this coming year. Iyong tarification ng rice umpisahan iyan 35%. Kung nag import (inaudible) volume baba kaunti ang presyo ng palay. Itong kukunin ng Philippines sa Vietnam and Thailand pag pumasok ito this month P42 per kilo na bigas, maapektuhan price na P42 per kilo sa palengke sa incoming import.

Government to government ba ito?

 Iyong ina-announce na 250, 000 per metric ton NFA rice iyon ang government- to- government iyon. So ang puhunan nila nasa around P27-P28 (per kilo).

 So itong P42 sa palengke na bigas maapektuhan kasi papasok na iyong mga imported na bigas?

 Hindi naman nakikita na apektado ang commercial kasi ang commercial dati na. Ang nawala lang sa merkado iyong NFA rice.

 Itong mga imported na papasok ngayon, ang buying price ng palay sa local farmers baka bumaba dahil may pumasok na marami?

 Maliit iyan, 250,000 metric ton ang total ng production natin is nasa 18 million metric ton na palay more or less 12 million na cavans. So iyang papasok na 250,000 metric ton maliit lang na volume iyan.

 250, 000 metric ton na government- to- government na imported purchase iyang P42 a kilo puweding bumaba pa ang per kilo ng rice?

Kung e open up iyan sa private sector, na binangit ni President (Rodrigo Duterte) import is open na.

 Pero iiyak ang farmer’s natin diyan dahil babagsak na ang bilihan ng palay nila pag nag import na ang mga taga private sector?

 Alam ko hindi naman. Kung ang presyo ng palay bumagsak ng P20 from P25 (a kilo) okay pa naman iyan.

 Your family is a huge importer of fertilizer, iyong exchange rate natin tumatumbling tumbling si Peso versus kay U.S Dollar, pag naging P54 iyan versus $1 malaki ba ang epekto niyan sa price ng fertilizer?

 Hindi lang sa fertilizer, sa lahat! Pero ang problem nito is iyong Train Law. Noon, sinasabi na natin apektado na ang lahat ng sektor. Tataas ang presyo ng fuel, lahat pati iyong fertilizer tataas iyan. Kasi lahat transportation lahat explain natin sa government noon noong ini-implement iyong Train (Law).

 2.5% per liter ang spike ng Train Law sa diesel.

 Sinasabi ng government walang epekto ang Train, ngayong ini- implement may epekto na.

Ano ang mas mabigat, iyong 2.5% Train Law sa krudo o bumagsak ang Peso natin? Kasi dollar ang pinambabayad natin sa raw materials ng mga goods natin dito na ini-import natin?

Dalawa ang epekto nila kasi ang world market pag ang oil tumaas din tapos may P5 ang lumalabas ang diesel plus almost, tapos ang gasoline higher than P5 umabot pa ng P5 (per liter). So iyong gumagamit na magsasaka automatic iyon. Siyempre kukuha siya ng ha-harvest. Umpisahan natin sa pagtatanim, gagastusan mo iyong kuliglig, kailangan mo ng diesel. Tapos after that mag araro ka uli (kuliglig) diesel uli iyan. Tapos fertilizer pa, siyempre fertilizer kung imported iyan may transport cost iyan. Ibebenta iyan ng mas mataas. Tapos, after that papatubig dahil may kulang iyong tubig natin sa irigasyon. Diesel at gasoline, so iyon lahat ipapatung iyan sa cost ng magsasaka. Pag ani iti thresher iyan, kailangan pa rin ang krudo diyan. Lahat iyan ang chain reaction diyan sa sector pa lang ng magsasaka iyan. Pag dinala sa rice mill, sisingilin niyan ang kuryente tataas. Tataas din ang presyo ng rice milling.Pag deliver mo sa Manila, hauling uli diesel tataas uli. Ang sinabi natin talagang tataas ng dalawang peso iyan. Iyong change per kilo na cost per bag. Kung dati sabihin natin nasa P38 so ang puhunan ngayon nasa P40. Iyon lang plus P2 iyong cost total change. Iyong iba mga P3.

 Panahon ni President Noynoy Aquino versus panahon ni President Duterte, ano ang mas malaking kita, iyong farmers noon o iyong farmers ngayon? Ngayon, maganda bentahan ng palay.

 Pero noong tinamaan ng Black Bug (pest), wala naman suporta galing sa (Duterte) government, di ba? Pag tiningnan natin itong area ng Pangasinan going to Tarlac. Iyong Isabela naman sabit din iyong harvest nila. Sa isang ektarya dahil umaabot sila ng 120 cavans 40 cavans na (per hectare). Panahon ni Aquino may subsidy doon, tinutulungan I think ng Crop Insurance sila mas active kaysa ngayon. Iyon ang tingin natin, itong suporta ng government I think sa Nueva Ecija high breed nila tinamaan uli iyong high breed pumalpak. Sabi na natin kay Secretary (Manny Pinol) bakit ka mag high breed kung inimport natin iyan high breed seeds baka hindi tama sa klima dito. Hindi sila naniwala, di ba? Ang Nueve Ecija nag complain ngayon marami pumalpak, imported iyon, e! Ang sinabi natin, dapat tingnan mabuti muna iyong programa.


No comments:

Post a Comment