Ni AKONG MATYAG
HINDI PA MAN deklarado ang summer, sa taon na ito, ay aligaga na ang mga palaro na tulad sa basketball mula sa barangay level hangang regional competition. Napakagandang pagkilos ng mga pasimuno.
Mendicancy in the Philippines. An irritating perennial practice. |
MISTULANG nagpapalimos ang mga kasali sa palaro na enganyo ng barangay at maging sa pangbayan na kumpetisyon
EWAN kung ang sport development budget at Gender Development Fund na kada taon ay may inilaan sa budget ng barangay at lokal na pamahalaan ay magamit sa pagsasagawa ng basketball tournments o maging anupan na palaro?
MAHALAGANG mapagaralan ito para tuluyan na mailayo sa mendicancy ang budding players ng ating bansa.
SPEAKING OF MENDICANCY tila ganito rin ang pamamaraan ng mga palatuntunan na bahagi ng pista ng patron, festival daw at handog na pasaya kuno ng mga nasa lokal na pamahalaan.
ANIMO ay umuutang ng pabor ang mga pasimuno sa mga contractors, suppliers at mga may kalakal na ginagawa sa pamahalaan sa lantaràng 'circumvented mendicancy' na siste na nakasanayan.
MARAPAT daw na hanapan ng pondo ng mga lokal na pamahalaan ang mga ganitong pagkilos na taunan ay itinuturing na kasanayan at bahagi ng serbisyo kuno sa mamamayan.
PAGING honorables na taga panday ng lokal na batas, pakisilip ang nakagawiang pamumulubi na siste para sa mga palaro, fiesta, festival kuno at religious activity daw. Hanapan ng mas angkop na pamamaraan na may laan na pondo mula sa budget ng barangay, at lokal na pamahalaan para mawaksi ng tuluyan ang mendicancy practice na iral. NAMAN!
*****************
Tulong, suporta o sponsored kuno
Tulong, suporta o sponsored kuno
LANTARAN paghingi ang tukoy. Kaya ang kahalagahan ng hakbangin ay nakasanla na ambag ng mga hinihingian.
MASAKLAP na kinagawian ay ang pagtuka na tiyak ay may kapalit.
MAS OKEY daw ang palabas kung marami ang tumulong financially, dahil tiyak daw na may malalaking enganyo ito sa mga sasali at manonood. Ito ay ayon sa mga pasimuno ng events at affairs na bahagi ng kasayahan sa barangay at lokal na pamahalaan.
ASUS naman, pagnasiyahan ang sambayanan, ewan na!
No comments:
Post a Comment