Monday, December 24, 2012

Prov'l director ng Pangasinan, ni-relieve na kasunod ng jueteng scandal



DAGUPAN CITY - Epektibo na kagabi ang pagkaka-relieve sa puwesto bilang OIC provincial director ng lalawigan ni S/Supt Mariano Luis Versoza Jr., kasunod ng direktiba mula sa Camp Crame. Sa isinagawang command conference na ginanap sa San Fernando, La Union kagabi, kinumpirma ni C/Supt Franklin Bucayo, ang regional director ng Police Regional Office (PRO-1) ang pagbaba ng relief order sa naturang kautusan. Sinasabing ang direktiba ay walang maliwanag na rason. Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ngunit kumpirmadong na-relieve sa puwesto ang nasabing opisyal. Hindi rin inihayag kung may kinalaman ito sa iligal na sugal na jueteng sa probinsiya. Uupo naman bilang OIC provincial director ng PNP Pangasinan si S/Supt Manolito Labador, ang kasalukuyang assistant regional director for operations ng PRO-1. Ayon naman kay P/Supt Jovencio Badua Jr., tagapagsalita ng PRO-1, maaaring magkaroon ng malawakang balasahan sa mga hepe ng kapulisan sa lalawigan partikular na ang mga chief of police na overstaying na sa kanilang mga lugar. Nito lamang nakaraang linggo ay kinaladkad si Gov. Amado Espino Jr., ng isa sa mayor ng lalawigan na umano'y siyang "jueteng lord" sa iligal na operasyon ng pasugalan, bagay na mahigpit namang pinabulaanan ng opisyal. Ang Malacañang at DILG ay una na ring nagpalabas ng direktiba na magpatupad ng balasahan sa mga PNP officials sa nabanggit na probinsya (BOMBO RADYO NEWS).

No comments:

Post a Comment