Velasco |
Zaplan |
STA BARBARA – Hindi na makapag-antay ang patutsadahan ni Mayor Carlito Zaplan ng bayan na ito at ni ex-mayor Reynaldo Velasco apat na buwan bago magsimula ang campaign period para sa May 13 , 2013 mayoralty election. Tinawag ni Zaplan na napaka-sinungaling ni Velasco, na isang dating heneral ng pulisya, pagkatapos angkinin ng huli ang pagpapa-gawa ng irigasyon sa dalawang libong extarya ng palayan dito. “Kaya nasasabi ko napaka sinungaling ni General Velasco.
Napaka-sinungaling, niloloko niya ang mga ta-o, niloloko niya rin ang sarili niya! Bakit niya aangkinin hindi niya trabaho iyan. Samantala ang mi gastos diyan ay national (government). Bakit si General Velasco kaya niyang tustusan iyan? Ilang bilyon iyong ginastos nila diyan. Sana mahiya naman kayo Mayor Velasco,” painis na sinabi ni Zaplan. Ani Zaplan hindi kaya ng kaban ng first class town na ito na tustusan ng bilyong pesong halaga sa pag –pagawa ng irigasyon dito. Kamakailan sinabi ni Velasco sa Kabaleyan TV channel na matapos palagyan niya ng irigasyon ang barangays Matic-Matic, Maningding, at Banaoang, hindi na pinabaya-an na ni Zaplan ng irigasyon kanals ang barangays Minien papunta ng Alibago .
Pero kinontra ni Zaplan ang pahayag ng dating alkalde. Sinabi niya na sa kanyang termino naglatag ang National Irrigation Administration dito ng P200 milyon na projektong irigasyon. “Siguro kung siya ang mayor ngayon sasabihin niya siya nagpapatrabaho, nagpapa-picture na siya siguro ngayon. Noong panahon niya hinuhukay hukay lang ang kanal, e ito kino concretize na ang line canals, main canals, at ginagawa na iyong check gates para may control ang tubig”. Sinabi ni Velasco kamakailan na 65 porsiyento ng magsasaka dito ay kanyang natulongan ng siya ay mahalal na punong executive noong taong 2007-2010. Pero sabi ni Zaplan na huwag ipa-ngandalakan ni Velasco ang 2000 ektarya na napatubigan ng NIA. “Naabutan niya lang iyan.
Iyan ay 10 years program ni FVR (former president Fidel V. Ramos) na ini-implement ng San Roque Dam ay nagkaka-ta-on ang mayor noon ay si ex-Mayor Velasco.” Sabi ni Zaplan ang programang patubig ng NIA ay benipisyong hindi lang ang probinsiya ng Pangasinan kung hindi ang probinsiya ng Tarlac at ilang bahagi ng probinsiya ng Nueva Ecija. Ang eleksiyon sa bayan na ito ay hindi lang sinusubaybayan ng mga ta-o dito kung hindi pati na rin sa karatig na kabayanan at siyudad dahil sa 244 votes lamang ang lamang ni Zaplan ng tinalo niya si Velasco noong 2010 election .
No comments:
Post a Comment