Sunday, February 19, 2012

Manay Gina bares projects in San Jacinto





Rep. Gina de Venecia (4th District, Pangasinan

......"Sa nakalipas na taon, ilan sa aking natapos na proyekto sa San Jacinto ang drainage system ng  Sta. Maria,  Capaoay, Macayug,  San. Jose,  San Guillermo, San. Roque at  Bagong  Pag - Asa, gayundin angfarm to market roads ng  Awai, Bolo,  Sta. Cruz,  Labney,  Imelda, Lobong, San Juan,  Guibel, San Vicente,  Sto. Tomas,  San Jose, Macayug at Magsaysay.
Natapos ko na ring ipagawa ang barangay hall ng San Roque at ang Phase I ng barangay hall ng Sta. Maria, gayundin ang bagongSenior Citizen Building sa Imelda.
Ang mga nakalinya ko namang proyekto at malapit nang gawin, ay ang  farm to market road ng Sto. Tomas,  Casibong,  San Juan at  Sta. Cruz habang for bidding na ang pagpapagawa sa  drainage system ng Capaoay,  Day Care Center at Health Center ng  San Guillermo, ang classroom sa Lobong Elementary School at ang Phase I ng ating munisipyo.
TUNGKOL naman sa kabuhayan, nitong Enero ay natapos na ang mga Corn Stalls sa  Sto. Tomas para sa mga nagtitinda ng mais.
At ngayong umaga, pormal ko namang ilulunsad ang V- Mobile Dealership Livelihood Program para sa mga kababaihan ng San JacintoSa programang ito, ay tuturuan natin ang mga nanay ng tahanan, kung paano magiging dealer ng cellphone load.  Bibigyan din natin sila ng tigli-limang libong kapital.
Halos isang milyong piso ang inilaan kong inisyal na  pondo dito, at ito’y ipapatupad sa lahat ng barangay sa buong distrito.
Maliban dito, ngayon pa lang ay hinihikayat ko na kayongmagtanim ng malunggay, dahil sa mga susunod na buwan ay sisimulan na natin ang proyekto tungkol sa pagtatanim at  processing nito, at kung paano ibebenta sa pandaigdigang merkado, gaya ng Japan. Limang milyon ang inilaan kong pondo para sa proyektong ito.
Last year ay nakapagbigay na rin ako ng isang libo at dalawandaang (1,200)  sako ng fertilizer at 250 cavans ng certified palay seeds  para sa ating magsasaka, at sa mga susunod na linggo,pesticide sprayers naman ang ibibigay kong tulong sa masisipag nating magsasaka.
 PAGDATING SA PROYEKTONG-PANGKALUSUGAN, tuloy-tuloy pa rin ang ating isinasagawang libreng De Venecia medical and dental mission  sa bawat barangay.  Katunayan, ngayong araw ay mayroon tayong medical mission dito sa San Jacinto sa buong maghapon, para sa libreng bunot ng ngipin, libreng konsulta, gamot atx-ray.
Kaugnay nito, gusto ko ring ibalita sa inyo, na  pasado na saHouse of Representatives ang aking House Bill tungkol sa pagdoble sa kapasidad ng Region 1 Medical Center, mula 300 para maging 600 bed capacity.  Kaya kung kaloob po ng Diyos, malapit nang matupad ang pangarap natin na ito ang maging pinakamalaki at pinakamodernong ospital sa buong Northern Luzon.
SA EDUKASYON naman, patuloy pa rin ang pagbibigay namin ng college scholarship sa mga matalinong kabataan. Katunayan, ngayon ay mayroon tayong 350 college scholars na pinag-aaral sa pamamagitan ng De Venecia scholarship program na sinimulan naming noong pang dekada sitenta at nakapag-paaral na ng higit sa labindalawang libo nating kababayan.
At para sa mga nanay at sa mga out of school youth  na gustong kumita ng pera kahit nasa bahay lang,  ako po ay mayscholarship grants na nakalaan sa inyo para sa mga kursongvocational,  gaya ng wellness massage o hilot  at tour-guiding services.
At para naman sa mga gustong mag-abroad, puwede kayong mag-aral ng bartending, welding at house-hold services.
Kayo po ay bibigyan ng libreng  fifteen days na training sa Dagupan, tungkol sa mga kursong aking nabanggit, upang pagkatapos nito ay puwede na kayong magtrabaho. 
Ang puwede pong mag-apply sa De Venecia scholarship na ito ay ang mga high school graduates, babae o lalaki na hindi lalagpas sa edad na fifty-five (55).
Para sa mga interesado, pumunta po kayo sa aking opisina sa2nd Floor ng Union Bank Building sa AB Fernandez Avenue, sa Dagupan City, at hanapin nyo si Cheryl Cerdan, Monday to Friday, from 9 am to 5 pm





No comments:

Post a Comment