Tuesday, January 7, 2025

Urdaneta Mayor, Vice Mayor Sinuspinde ng Malacañang ng 1 Taon

 

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

URDANETA CITY, Pangasinan – Ipinatupad noong Martes (Enero 7) ng Office of the President (O.P) sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 12 buwan na pagsuspinde sa opisina ang alkalde at bise alkalde ng lungsod na ito.

Ayon sa  Enero 7 na sulat ni DILG Region-1 Director Jonathan Paul M. Leusen, Jr. kay Mayor Julio F. Parayno III  at Vice Mayor Jimmy D. Parayno na  may ibinabang Memorandum si Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Atty. Romeo P. Benetiz , Undersecretary for External, Legal, and Legislative Affairs, ng O.P para kay Parayno at Vice Mayor na pagsuspinde ng anim (6) na buwan sa Grave Misconduct at anim (6) na buwan para sa Grave Abuse of Authority o isang taon na nilabag nila.

Mayor Rammy Parayno 

“…provided that for the penalty of suspension shall not exceed their unexpired term, effective upon receipt of this decision”.

Ani Regional Director: “Pursuant to the said Office of the President decision, you are hereby SUSPENDED from office effective immediately upon receipt hereof”.

Ang kasong administratibo ng dalawa ay hango sa “OP-DC Case No. K-090 entitled Michael Brian M. Perez vs. Mayor Julio F. Parayno III and Vice Mayor Jimmy D. Parayno” kung saan ni indefinite suspended ni Mayor Parayno si Liga ng mga Barangay (LNB) President at San Vicente Punong Barangay Perez dahil sa June 14, 2022 na Manifesto ng 33 sa 34 na Punong Barangay ng lungsod na ito para alisin siya na LNB President.

Matapos sulatan ni Perez ang Office of the National President of the LNB, Office of the Provincial Board sa Lingayen, Pangasinan, at ang DILG, sinabi ni LNB National President Eden C. Pineda sa liham niya noong June 20, 2022 na ang pagtanggal kay Perez “is substantially and procedurally erroneous which renders the same null and void”.

Noong Setyembre 2, 2022, sinulatan ni DILG Provincial Director Paulino G. Lalata, Jr. si Parayno na ang pagsuspinde kay Perez sa LNB ay walang basehan.

Setyembre 5, 2022, sumulat si Parayno kay Lalata na ang “indefinite suspension of Perez had been lifted as per his September 8, 2022 Memorandum”.

Kahit na tinanggal ang suspension ayaw pa rin papasukin sa Oktubre 5, 2022 regular session si Perez ni Vice Mayor Paranyno dahil hindi na kinikilala ang una na ex-officio miyembro ng sanggunian.

Vice Mayor Jimmy Parayno

Ani Perez na kinikilala ng mga nasasakupan niya na mga kapitan ang eleksyon ni Punong Barangay Cheryl del Prado – kaalyansa nila Parayno – na bagong Presidente ng LNB.

PAGSUSURI

Sa masusing pagsusuri ng O.P at DILG nakitaan nila ng pananagutan si Mayor at Vice Mayor sa salang Grave Misconduct at Grave Abuse of Authority.

Ani Malacanang: “Mayor Parayno’s reliance on his interpretation of Section 63 of the LGC (Local Government Code) to justify the issuance of the 15 June 2022 Notice of Suspension is misplaced. This provision must be read together with Section 61 and 62, which provide”

“Section 61. Form and Filing of Administrative Complaints. – A verified complaint against any erring local elective official shall be prepared as follows:

 (a) A complaint against any elective official of a province, a highly urbanized city, an independent component city or component city shall be filed before the Office of the President;”

“Section 62. Notice of Hearing. – (a) Within seven (7) days after the administrative complaint is filed, the Office of the President or the sanggunian concerned, as the case may be, shall require the respondent to submit his verified answer within fifteen (15) days from receipt thereof, and commence the investigation of the case within ten (10) days after receipt of such answer of the respondent”.

Section 63. Preventive Suspension. – (a) Preventive suspension may be imposed:

(1) By the President, if the respondent is an elective official of a province, a highly urbanized or an independent component city;

(2) By the governor, if the respondent is an elective official of a component city or municipality; or

(3) By the mayor, if the respondent is an elective official of the barangay.




(b) Preventive suspension may be imposed at any time after the issues are joined, when the evidence of guilt is strong, and given the gravity of the offense, there is great probability that the continuance in office of the respondent could influence the witnesses or pose a threat to the safety and integrity of the records and other evidence: Provided, That, any single preventive suspension of local elective officials shall not extend beyond sixty (60) days: Provided, further, That in the event that several administrative cases are filed against an elective official, he cannot be preventively suspended for more than ninety (90) days within a single year on the same ground or grounds existing and known at the time of the first suspension”.

Ani O.P walang  kasong administratibo na sinampa si Mayor Parayno na nakabatay sa nasabincg probisyon ng LGC. Ang  sinasabing reklamo ng 33 kapitans ng LNB-Urdaneta ay isang Manifesto at hindi reklamo ayon sa LGC.

Dahil sa sala ni alkalde at bise alkalde sila ay may pananagutan sa dalawang administrative cases na may parusang 12 buwan na pagsuspinde “effective upon receipt of this Decision”, ayon sa Malacanang.

Sinabi ng source ng writer na ito na ayaw magpakilala na inihatid ng DILG ang order sa opisina ng alkalde noong hapon ng Martes.

Bukod sa mga kasong ito, si Mayor ay nahaharap rin sa ibat iba pang administrative at criminal na kaso gaya ng reklamo sa kanya sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) kung saan meron na ring pagsuspinde ng isang taon ang O.P at kasong kriminal at administratibo sa Ombudsman dahil sa pagsampal niya sa cameraman ng provincial government.

Dahil sa pagsuspinde sa dalawa, si City Councilors Franco del Prado at si Warren Andrada, by operation of law, ang tatayong acting Mayor at Vice Mayor dito hanggang Hunyo 30, 2025.



No comments:

Post a Comment