Monday, January 20, 2025

Guiconsulta sa Calasiao, Matagumpay na Idinaos

 

CALASIAO, Pangasinan -- Saklaw na ngayon ang libo-libong mga Calasiaoeño sa Philippine Health Insurance Corporation Konsulta program.

GUICONSULTA.  Pangasinan Governor Ramon “Monmon” V. Guico III (4th from right) and Calasiao Mayor Kevin Macanlalay (3rd from left) pose with the officials of the central Pangasinan town and their constituents during the registration and payout of the Guiconsulta.


Pinasalamatan ni Mayor Kevin Macanlalay ang Guiconsulta ng pamahalaang lalawigan ng Pangasinan na nagsagawa kamakailan dito.

Ayon kay Governor Ramon V. Guico III, “Anyone should have no reason why he or she cannot have a medical checkup. This is for the preventive health care program of the province."

Ani Mayor Macanlalay, nabigyan ng libreng check-up at libreng mga gamot ang mga tao dito  dahil sa programang Konsulta ng PhilHealth .

Ayon kay Manaoag Mayor Ming Rosario, ang kada isang sumali sa Guiconsulta ay binibigyan ng Guico Administration ng P300 para sa pamasahi at pagkain nila papunta sa registration area.

Ang PhilHealth ay merong P1,700 kada tao para sa medical check ups at mga gamot nila.

Merong 13,000 na katao ang nagparehistro kamakailan sa Guiconsulta sa Manaoag ayon kay Mayor Rosario.

Sinabi naman sa Northern Watch Newspaper ni Pangasinan Vice Governor Mark Lambino na sa huling apat na buwan noong taong 2024 ay merong humigit kumulang na 300, 000 katao ang nagparehistro sa Guicunsulta.

Layunin ni Governor Guico na mairehistro ang dalawang milyong Pangasinense sa PhilHealth Konsulta.

No comments:

Post a Comment