Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – Ibinahagi ni Vice Governor Mark
Ronald Lambino ang mga proyekto at programa sa pangangasiwa ni Governor Ramon
V. Guico III para sa taong 2025.
Ani ng bise gobernador na sisimulan na ang pagpapatayo ng Capitol Plaza kung saan makikita ang dalawang tore, pagsasaayos ng Capitol Complex kung saan aayusin ang mga road at drainage systems, pagpapatayo ng ika–15 na provincial hospital sa Alcala, Pangasinan, mga kampus ng Pangasinan Polytechnic College (PPC) sa mga bayan at lungsod ng Pangasinan sa Rosales o Umingan, Alaminos City, Lingayen, at San Carlos City.
FLASH. Pangasinan Governor Ramon V. Guico III (left) and Vice Governor Mark Ronald D. Lambino flash the party sign at the stretch of the strip of the P100 million still being constructed reflecting pool that is complemented by an interactive fountain at the Capitol Beach Park in Lingayen, Pangasinan. At the background at far is the 1917 constructed Provincial Capitol designed by renowned American colonial government architect Daniel Burnham. The imposing edifice was declared as one of the eight Architectural Treasures of the Philippines by the National Commission for Culture and the Arts.
“The entire reflecting
pool development will be completed hopefully mga one or two quarter matatapos
na po iyan pati landscaping niya,” ani bise gobernador sa mga mamahayag sa
loob ng opisina niya kamakailan.
Sinabi ni Gobernador Guico na dudumugin ng mga turista ang
P100 milyon reflecting pool at interactive fountain dahil sa kanilang likas na ganda kung saan sumasalamin ang paglubog ng
araw sa tubig sa strip niya.
“Tingnan ninyo nag
reflect siya o’? Lahat iyan tubig. O, napakaganda! Talagang na achieve e,
pinag-aralan talaga iyan ano ang lalim niya,” may pagkamanghang sinabi ni Guico sa mga
reporters sa sidelines ng 80th Lingayen Gulf Landings at 18th Pangasinan
Veterans Day noong ika-9 ng Enero na ginanap sa Capitol Beach Park dito.
Ang reflecting pool sa Lincoln Memorial sa Washington, USA ay dinadagsa ng 24 milyon katao kada
taon na bumibisita sa National Mall dahil sa angking ganda niya. Doon makikita
ang mga nakalinya na mga naglalakihang mga kahoy na nagbibigay lilim sa
dalawang panig ng strip, ang Washington Monument, at ang malawak na kalangitan
doon.
“This project holds
significant relevance to our celebration, as it includes the construction of a
reflective pool at the rear center of the Capitol building. Additionally, on the
north side of the development near the beach, the Veterans Plaza will feature
fountains and monuments to honor the sacrifices of our Filipino veterans,”
ani Guico.
Sinabi ni Lambino na landmark year ang 2024 sa Guico
Administration dahil lumobo ang local na kitang pananalapi, mga hindi mabilang
na flagships na proyekto gaya ng ground breaking ng Pangasinan Link Expressway (PLEx),
pagpatakbo ng salt farm sa Barangay Zaragoza, Bolinao kung saan ang lalawigang
pamahalaan ay No. 1 supplier na ngayon
ng asin sa buong bansa, pagbili ng 21 ultrasound, 19 x-ray, CT scans, at Magnetic
Resonance Imaging (MRI) para sa provincial hospital sa San Carlos at ang
Guiconsulta na magkasabay sa PhilHealth Konsulta kung saan ang mga taga
Pangasinan ay may libreng medical check-ups sa mga medical facilities,
infirmaries, rural health units (RHUs) at hospitals.
No comments:
Post a Comment